Martes, Mayo 1, 2012

V. I

Teka, sino nga ba ako?

Sa unang tingin, ako ay isang lalaking nakasalamin, nakasalamin hindi dahil matalino kundi talagang malabo ang aking mga mata, payat pero matakaw ako. Matapos nito ay maliit naman ang mga tenga ko kaya ang sabi ng karamihan,  madali raw akong mamamatay.

Noon ay nagkasakit ako- pulmonary tuberculosis. Di ko pa rin makalimutan iyong unang pagkakataon na nagsuka ako ng dugo. Sabado noon. Nasa labas ako ng bahay, nagbayad kasi ako ng aming water bill

Biglang may nais lumabas sa katawan ko. Dugo! Nagsuka ako ng dugo! Ang aking kamisetang puti ay naliligo na sa dugo!

Di ko alam ang gagawin ko noon. Tumakbo ako at siyempre may mga nakakita sa akin. Para daw akong nakapatay ng tao. Pag-uwi ay di ako makapagsalita. Mabuti at naunawaan ako ni Katkat. Nilinis ko ang aking sarili at ako ay natulog. Gumising ako at laking gulat ko ng Lunes na pala! Tulog ako buong SundayFeeling ko noon mamamatay na ako, may last will na ako, pero salamat sa Diyos at ok na ako.

Weird ako. Favorite ko ang white at black. Buo ako magtext. Maaga akong matulog at maaga din akong magising. Nakasanayan kong puno dapat ng tubig ang timba, dapat laging may inuming tubig sa ref. Mahirap ng mawalan ng tubig. Lagi akong may oras para magcharge ng cellphone. Mapili ako sa mga salita. At kung ano ang hina ng aking paningin at pandinig, sobra namang lakas ng aking pang-amoy.

Noong bata ako ay lagi kong ikinukulong ang aking sarili sa isang kuwarto at doon ay nakikipag-usap ako sa aking mga imaginary friend. Hanggang ngayon ay dala ko ito. Malawak talaga ang imagination ko. 

Hanggang ngayon ay sinasabi nilang isa akong baliw. Oo, minsan ay katext ko ang sarili ko, kusap ko ang sarili ko. Oo, minsan ay nanghuhula ako ng number at bigla kong itetext. Oo, minsan ay nagpapanggap akong tinatawagan ako ng mga imaginary friend ko. Oo, baliw ako, sa puso, sa salita, at sa gawa. 
 
At sa bagay, all of us are just the same… in being different to each other.

Marami akong mga lihim sa buhay kaya marahil Mr. Yoso minsan ang tawag ng iba sa akin. Sabi naman ng iba ay masyado akong strict at masungit kaya naman minsan ang tawag nila sa akin ay Sr. Yoso. Halos lahat daw ng mga sinasabi ko ay may sense. Kung may sense of humor man ako ay may sense pa rin ang usapan at ang biro.

Certified workaholic ako. Ayokong di natatapos ang isang gawain. At mahirap itong tapusin kung di naman nasisimulan. Alam kong nasabi ko na pero ang oras talaga ang aking kayamanan. Ito rin ang aking kalaban. Ayoko ng late. Ayokong late ako. Lahat ng kailangan kong gawin ay ASAP. Lahat ay organized. Lahat ay may schedule. Lahat ay may deadline. Lahat ay may time limit. Maaga akong dumarating sa mga meeting, always on time. Bihira akong maging late.  Naniniwala kasi ako na ang Filipino time ay nangyayari kapag iniisip ng bawat isa na walang maagang darating.

Masasabi ko rin na isa akong villain sa aming section. Madalas akong group leader at galit ako sa mga members na walang pakialam, nagrereklamo, walang naitutulong. Minsan nga daw ay bossy ako. Masyado akong competitive. Perfectionist ako kahit hindi ako perfect. Dahil siguro ayokong mawala sa Top. I always aspire but I don’t expect. Mahirap para sa akin ang ako ay malamangan at matalo. Nakakatakot daw akong magalit. Ewan ko kung bakit. Tahimik ang mundo kapag masaya ako. Marami akong personality, marami akong attitude, marami akong mood. Bipolar ako. Paranoid ako. Iyong lagi kong iniisip ang mga simpleng bagay gaya ng kung paano ba dapat ang pagbukas ng pinto. Palabas o paloob? No one can predict my words and actions. Sabi nga, expect the unexpected.

Masyado akong honest pero di ko sinasabing di ako nagsinungaling kahit isang beses. I am honest in a sense na sinasabi ko talaga ang aking opinyon, masakit man pero totoo. Isa akong critic. Dalawa ang paraan upang malaman kung nagustuhan ko ang isang libro, awit o pelikula. Either nagmumura ako dahil sa sobrang like ko ito or else may goosebumps sa mga braso ko.

Mahilig ako magbasa. Pero ayoko ng masyadong mahaba. Ilan sa mga nabasa ko na ay ang The Little Prince ni Antoine de Saint Exupery, ang mga articles ng Young Blood sa Philippine Daily Inquirer,  at ang mga obra ni Lualhati Bautista gaya ng Dekada ’70 at Bata, Bata, Paano ka Ginawa? 

Pagdating naman sa mga awitin ay natutuwa akong pakinggan ang mga awitin gaya ng Celebrate me Home ni Ruben Studdard, His Eye is on the Sparrow ni Lauryn Hill, Gloomy Sunday ni Sarah McLachlan, Constant Change ni Jose Marie Chan, Grow Old with You ni Adam Sandler, Wind Beneath my Wings ni Bette Midler,  A Friend ni Keno, As If We Never Said Goodbye ni Barbra Streisand, Together We Are One ni Delta Goodrem, Feels like Home ni Chantal Kreviazuk, The Man Who Can't Be Moved ng The Script, Smile ni Nat King Cole,  at Defying Gravity mula sa broadway na Wicked.

Ang mga favorite film ko naman ay iyong mga di ko pinagsasawaang panoorin gaya na lamang ng Three Idiots, Like Stars on Earth, Life is Beautiful, Bruce Almighty, Brother Bear at Spirited Away.

Ilan kaya sa mga binanggit ko ang alam mo?

I love music. It simply relaxes my mind. At the same time, it activates my mind.

Favorite game:  Text Twist at Hangaroo. 


Mahilig ako sa mga hayop. Mahilig ako sa mga lumang bagay, lumang aklat, lumang awitin, lumang pelikula. 

Mahilig din ako sa mga weird-balita, bagay, tao, hayop, basta kahit anong weird. Mahilig din ako sa mga survey at poll, sa mga listahan kung alin ang mga PINAKA. Kaya naman talagang trip ko ang mga website tulad ng listverse at oddee.

Mahilig din ako sa mga quotes. Maaaring narinig ko, nabasa ko o pwede rin namang ako ang may gawa. Mahilig din ako sa mga brain teasers at riddles na minsan ay aking nalulutas, minsan naman ay hindi.

Favorite ko rin ang Detective Conan na hanggang ngayon ay di pa rin natatapos. Dito ko kasi nalaman ang iba’t ibang paraan o tricks upang makapatay ng tao nang di man lang nag-iiwan ng evidence o fingerprints. Naitanong ko nga minsan sa sarili ko kung minsan kaya ay may nakaisip ng gumawa ng krimen gamit ang tricks na ito. Dito ko rin nalaman na ang isang mahusay na killer ay maaaring isang doktor, lawyer, magician o psychologist. Sila kasi iyong walang iniiwan na evidence, sila rin iyong may matibay na alibi.

Isa rin sa mga favorite kong anime ay ang Special A. Ewan ko kung bakit pero iba ang pakiramdam ko sa anime na ito. Siguro dahil sa aking school life. Pero ano ba ang tawag doon? Iyong mabilis ang tibok ng puso mo? Iyong feeling mo ikaw iyong nasa anime? Iyong napapangiti ka ng walang dahilan? 

Third place para sa akin ang Naruto, ang anime na minsan ay naisip kong ang mga mag-aaral sa aming school at ang mga titser ang characters. Siyempre, section naming ang main characters.

Favorite ko rin ang Spongebob Squarepants na para sa akin ay hindi lamang isang animated series para sa mga bata kundi isang satirical metaphor para mga matatanda. Marami itong symbolism, marami itong mga aral ng buhay na sana lang ay nakikita hindi lamang ng kabataan subalit maging ang mga matatanda na minsan ay kailangang bumalik sa pagiging bata.

Ewan ko rin kung bakit trip ko manood ng American Idol. Siguro ay dahil sa may mga magagaling namang mga contestant dito. Siguro ay dahil isa akong frustrated singer. Siguro ay dahil sa dito ko unang nalaman ang ilan sa mga kantang matagal ko nang naririnig at dito ko rin unang narinig ang mga kantang nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam, iyong napangiti ako o kaya ay napaiyak dahil sa tono at pahiwatig ng kanta. 

Pero ang talagang mga idol ko ay sina Jackie Chan, the breath-taking actor who is defying gravity, si Bob Ong, ang manunulat ng tunay na buhay, si Sen. Miriam Defensor Santiago, ang senador na larawan ng lakas ng loob, si Vice Ganda, ang taong di matinong kausap pero matino ang topic, si Eugene Domingo, ang lokang artista ng panahon, si Marc Logan, ang freezer ng mga balitang  nasusunog na sa init, si Michael V, ang comedian na maraming mukha, si Rowan Atkinson a.k.a. Mr. Bean, si Adele, ang singer na talagang sa puso nagmumula ang tinig at mga salita, si Aamir Khan, ang Indian actor na ang mga pelikula ay laging may motivational quotes, at si Lea Salonga na masasabi kong perfect ang voice.

Siyempre, kung may likes ako, may dislikes din ako.

Di ako mahilig magpapicture. Di ako mahilig magpulbo.

Ayoko sa isang pelikula na merong predictable o common plot. Ayoko sa isang artistang over-acting.

Ayoko sa pelikulang translated. Iyong Amerikano ang nagsasalita sa pelikula pero nagsasalita ng ating wika. At may mga slang terms sa ibang bansa na hindi natin kayang pakelaman. Dapat maglagay na lang sila ng subtitles para at the same time, maririnig natin iyong foreign language at makikita natin iyong translated. Dapat marunong tayo ng sarili nating wika at ng ibang wika.

Ayokong nagkakamali kahit isang letter. Isipin na lang natin kung paanong ang lyrics na “We’re caught in a BAD romance” ay magiging “We’re caught in a BED romance.” So please inform me kung my typographical error ako.

Ayoko sa mga taong nagnanakaw ng quotes sa ibang tao. Di lang nila alam na ikinukulong nila ang kanilang mga sarili sa isang krimen na kung tawagin ay plagiarism.

Ayoko sa mga taong may tinatawag na higher section at lower section. Class sections make a barrier among students.

Ayoko sa mga taong naninigarilyo. Ayoko sa mga taong lasing.

Ayoko sa taong masasalubong mo sa daan tapos para kayong naglalaro kayo ng patintero, hindi niyo malaman kung sino ang nakaharang sa daan.

Ayoko sa malandi. Ayoko sa di mapagkakatiwalaan. Ayoko sa plastik. Ayoko sa sipsip. Ayoko sa mabagal. Ayoko sa walang hiya at sobra ang hiya. Ayoko sa masungit. Ayoko sa mayabang. Ayoko sa magulo kausap.

Ayoko sa kausap na kapag kinamusta ay ayos lang o ok lang ang sagot. Ayoko sa isang katext na ang reply ay isang malaking K lamang. Isang K kahit ang haba ng sinabi mo.

Ayoko ng puwede na. Ang dapat ay kung ano talaga ang nararapat.

Ayoko ng “Good luck.” It should be “God bless.”
   

Strict din ako sa grammar, spelling at punctuation though I, myself admit na di ko master o perfect ang mga ito. Di ko lang alam kung bakit parang di maganda tingnan o pakinggan ang isang salita o pangungusap.

Dahil din dito ay buo ako magtext. Kapag capital letter dapat ang simula ng isang salita, dapat capital talaga. Isa itong paggalang sa pangalan na ibinigay sa atin, na ibinigay sa isang lugar, na ibinigay sa isang pitong araw at sa 12 buwan, sa pamagat ng isang libro, awit o pelikula.

At dapat pala ang Christmas ay di ginagawang Xmas. Di dapat pinapaiksi ang mga salita. Di dapat pinapahaba ang mga salita.  Di dapat binabago ang spelling ng mga salita. Di dapat naglalagay ng punctuation na di naman kailangan. Ang mga ito ang simula ng di-pagkakaunawaan. Hindi natin ito napapansin kasi ganito na halos tayong lahat. 

Matapos nito ay meron din naman akong mga kahinaan at kabiguan.

Wala akong sense of direction, mahina makatanda ng mga pangalan, ng mga lugar.
Di ako magaling magspeech.

Di ako magaling kumanta o sumayaw. At di ko nga alam kung marunong ako. Kapag kumanta ako, patay na, may dala dapat kayong payong. Pagdating sa pagsayaw, pareho yatang kaliwa ang mga paa ko at kasing tigas ng bato ang aking katawan.

Di ako magaling sa physical education o sa anumang sports.

Di ako marunong magbike.

Di ako marunong sumipol.

Di ako marunong kumindat.

Di ako marunong lumangoy.

Di ako magaling sa mga machine, sa mga handicrafts, sa mga sculptures.

Di ako magaling sa math. Nagpapaturo pa nga ako sa iba.

Di ako magaling magdrawing. Butete lang ang kaya kong idrawing.

Lalo’t higit sa lahat, di ako magaling magsulat. Ang sulat-kamay ko ay parang riseta ng doktor.

Pero hind lang ito ang mga dahilan kung bakit nakikipag-away ako sa mga titser namin. Take these as an example:
AKO: Pwede niyo naman pong iconsider ang sagot ko ah. Dapat nga po USA ang talagang sagot.
Teacher: America ang nakalagay sa libro eh. Nirerespeto ko lang.
AKO:  Pero Sir, ang tanong ay bansa, hindi kontinente. Sige nga Sir, alin dito ang bansa, USA o America?
Teacher: Sinasabi mo bang mas matalino ka sa libro?
AKO: Opo. Mas matalino po ako, mas matalino po tayo. Ang mga libro ay isinulat ng tao, tao na maaaring magkamali. So kung isinulat ng tao ang libro, pwedeng magkamali ang libro!

At isa pang example.

AKO: Mam, hindi ba dapat may error doon sa sentence na binigay niyo.
Teacher: Bakit naman? Ang nakalagay sa Key to Correction ay no error eh. Bakit? Ano ba ang mali sa sentence na ito: “An excellent Chardonnay complimented the meal.”
AKO: Ano po ba ang Chardonnay? Di ba po isa itong uri ng grapes. Pwede ring wine na galing sa isang uri ng grapes. So ang error dapat ay complimented, it should be complemented. Compliment means to praise or to comment. But complement means to complete, to be an ingredient or material.

And yes, I  break directions, I break rules if I know I am doing the right thing.

Dalawa lang ang posibleng mangyari. Ikoconsider ng titser na tama ang sagot ko dahil sa aking logical reasoning. O pwede rin namang mananahimik na lang ako sa isang tabi dahil di nila inaming mali naman talaga ang sagot nila.

At kapag ganito, anumang jokes ng mga kaklase ko ay hindi ako matatawa. Kahit sa totoo, wala namang joke na corny, meron lang taong corny. At kung walang taong corny, maaaring wrong timing lang siya. O kung tama ang timing, maaari talagang di nila kayang bigyan ng appreciation ang nagbiro at ang birong alam na pala ng lahat.

At kapag nananahimik ako, matakot ka. Maaaring galit ako, nagtatampo ako, malungkot ako, napahiya o nahihiya ako, naiilang ako, nag-iisip ako., may sakit ako.

Ang love life ko ay isang malaking ZERO. Di naman ako bitter. Talagang wala lang. Grabe ako mainlove, sabi nila. Sa mga taong mahal ko, di ako marunong magalit, marunong lang ako magtampo. At naku, kapag may nainlove sa akin, kapag may naghabol sa akin, apat ang iisipin ko. Joke iyon, isa itong milagro, isa itong panaginip o kaya naman ay isa itong disaster!

Mabuti naman akong kaibigan. Pakelamero ako sa buhay ng may buhay. Di ko ba alam kung concern lang ba talaga ako. Minsan ay may ganitong dialogue na nangyari sa buhay ko.

AKO: Alam mo, may problema ako?
KAIBIGAN KO: Ano iyon?
AKO: May problema ka kasi, may problema iyong kaibigan ko.

At ang totoo, mas inuuna kong tulungan ang iba sa problema nila kaysa tulungan ang sarili ko sa mga problema ko. Di ako matahimik kapag malungkot o problemado ang kaibigan ko- kahit minsan ako ang problema nila!

Natatandaan ko pa. Noong nasa elementary pa lang ako, lagi kaming magkakasabay umuwi ng mga kaibigan ko. Ako lagi ang unang nakakauwi. Pero hindi ito ang nangyayari. Pag-uwi ko kasi sa bahay ay magpapalit lang ako ng damit tapos iyon, tatakbo ako palabas at susunod ako sa kanila upang ihatid ko sila sa kanilang mga bahay. Para daw akong sira. Bakit ko daw ito ginagawa? Sabi ko kasi, malalaman mong kaibigan mo ang isang tao kung nasa daan kayo at nag-uusap at para bang ayaw niyo ng umuwi upang maghiwalay ng landas. Tatawa lang ang mga loko. At siyempre, matapos ko silang ihatid ay uuwi ako mag-isa.

Kung may facebook o twitter ako, kung sabihin kong wala, di naman kayo maniniwala. At kung itatanong niyo ulit, ang sagot ko ay “no comment.” 

May mga bagay na kailangang manatiling lihim.

Kung gusto niyo po akong katext, ito ang number ko- 09996540690. Pahingi namang quotes. Di ako mahilig sa group message. Kung group message man, dapat mukhang personal message o kaya ay walang nakalagay na gm ito.

Well, maraming salamat sa pagbasa nito. Wala na akong masabi. THANK YOU!

Image Sources:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento