At ang
mga taong ito ang dahilan kung bakit napapagod at napupudpod ang mga daliri ko
sa pagtetext, kung bakit ang keypad ng cellphone ko ay halos
lumubog na!
Ang cellphone
ang aking best friend.
Kasama ko itong maligo. Bago pa man ako matulog ay ito ang hawak ko. Paggising ko ay ito ang una kong hinahanap. Maging ikaw na nagbabasa nito ay marahil katulad ko.
Pero pag lr ako o sa madaling sabi ay late makareceive ng text, nagkakaroon kami ng “misunderstanding.” Ito ay yung buong araw kang naghihintay ng text at akala mo trip lang talaga ng mga nasa contacts mo na wag magtext o magreply! Yung kating-kati ka nang pindutin ang keypad ng cellphone mo dahil naghihintay ka ng text o reply! Yung may pumasok nang langaw sa iyong bibig at tumutulo na ang laway mo sa pagtitig sa cellphone mo in hope na biglang may magtetext! Oo nga at may magtetext ngunit sa kasamaang palad ay group message naman pala ang nareceive mo.
At teka, pano ba natin malalamang lr tayo kung baka naman ang katext natin ang lr kaya matagal magreply, baka naman busy lang ang ating katext o talagang mabagal siya magtext. Ewan!
Tapos kapag may mga holidays, para bang trip ng network
na di ka makapagload upang di mo magawang batiin ang mga friends mo.
Kaya naman dito na nagsisimula yung feeling na nais mo nang isumpa ang keypad
mo kasi di mo siya mapindot kahit labas na ang skeleton ng cellphone
mo! Yung feeling na nais mo nang ipakain sa katabi mo yung sim card
mo dahil sa sobrang inis! Yung feeling na nais mo nang idelete ang lahat
ng nasa contacts mo at kalimutang nakilala mo sila sa buhay mo! Yung
feeling na sana di na lang nag-evolve ang tao upang di na naimbento ang cellphone!
Yung feeling na nais mo nang basagin ang bintana ng kapitbahay mo gamit ang cellphone
na ngayon ay mortal mo nang kaaway!
Ayoko ng pag-usapan! Ang natutunan ko lang naman sa pagtetext ay ang
pinagkaiba ng good evening at good night. Good evening
kung bumabati ka ng magandang gabi at good night kung matutulog ka na.
Tapos ang good morning pala ay ginagamit kapag kakagising mo lang.
Subalit sa panahon ngayon, walang taong kayang mabuhay mag-isa.
Walang taong kayang mabuhay na cellphone lamang ang kaibigan.
Kung ang mga honor students ay may tinatawag na Top 10,
marahil pipili na lamang ako ng sampung tao, sampung pangalan, sampung mukha na
unang pumasok sa isip ko. Marami akong nakilala at marami akong naging kaibigan
at iyon nga ang problema, di ko kayang isulat lahat ng kanilang mga pangalan.
Kaya sa mga magtatanong kung bakit wala sila, isipin niyo na lang kayo iyong
pang number 11 na pumasok sa isip ko.
At ang mga babanggitin ko ay ILAN nga sa mga kaibigang
talaga namang nag-iwan sa akin ng mga alaalang kaytamis balikan dahil sa mga
naibigay at naitulong nila sa akin.
Walong narra, dalawang yakal. Take note: Hindi sila mga puno,
mga tao sila. Ang pangalan kasi ng mga section sa aming mga fourth
year students ay batay sa mga endemic trees ng ating bansa.
Yes, we are trees, planted with our childhood dreams, now growing up
in the passing of time, now drifting apart…
MGA NARRA:
ELSA
Si Elsa ang best friend ko. Si Elsa ang best friend
naming lahat.
Lagi akong nakatambay sa bahay nila, pilit kinakalimutan ang mga
problemang sa totoo ay madali naman palang lutasin, mahirap lang harapin. Lagi
niya sa aking ipinapaalala na ang problema ay wala sa dami, wala sa bigat, nasa
pagdadala. Ang mga problema ay mga pagsubok. Ang mga taong may mga problema ay
pinagkakatiwalaan ni Lord na kaya nila itong dalhin, harapin at lutasin.
Itinuro mo sa akin kung paanong kailangan din palang sumuko ako
kahit minsan.
Lagi naming napapatunayan sa sarili namin na ang isang manunulat ay
nakakasulat ng isang magandang article kspag siya ay malungkot, kapag heartbroken
siya, kapag marami siyang problema.
Marunong siyang magsulat, magaling siya magsulat. Ayaw lang niya
maniwala.
Hanggang
ngayon ay nagtataka ako kung bakit nga ba Ate Elsa ang tawag namin sa kanya
samantalang mas matanda pa kami sa kanya. Marahil ay dahil, “Ang pagtanda ay
wala sa edad, ito ay nasa pag-iisip.”
At sana ay naisip man lang minsan ni Elsa na isa siyang mabuting
tao, mabuting anak, mabuting kaibigan na labis kong ipinagmamalaki. Elsa,
maniwala ka lang sa sinasabi ko. Alam kong matatagpuan mo ang taong para sa iyo
at alam kong magiging matagumpay ka sa pag-abot ng iyong mga pangarap.
Hindi ito mahaba gaya ng inaasahan mo. This is simple, yet
special. Marami kasi akong nais sabihin sa iyo pero hindi dito, hindi sa text,
hindi sa paraang ito…
JIMADEN
Ang library ay di lamang isang silid-aklatan para sa amin.
Ito ay ang daigdig ng mga tahimik, ang daigdig ng mga walang naririnig, ang
daigdig ng mga walang pakialam, ang daigdig ng mga sinasabing “baliw.”
Ang library na ang naging habitat namin. Ang pagbabasa
na ang naging habit namin.
Nais niyang maging titser, isang guro. Nais niyang bumalik sa aming
iskul hindi upang magturo ng English kundi upang turuan ang mga titser
kung paano magturo, kung paano ang tama at malinis na pagtuturo.
Minsan pa nga ay nais niyang maging librarian. Ito ay dahil
nakikita naming ang mga libro sa aming library ay tuluyan nang naiwan ng
panahon. Nagiging pagkain na ito ng mga anay, hindi ng mga bookworm. Oo,
kumuha kami ng mga libro ng literature sa library at talagang
wala akong pagdadalawang-isip na ibalik pa ang mga ito sa kulungang iyon. Hindi
namin sila ninakaw, iniligtas namin sila.
Mahilig din ito sa mga hayop, pusa man, aso man o maging palaka at
bayawak. Ang pangalan ng kanilang mga alaga ay galing sa kawalan. Di mo
maririnig saan mang sulok ng daigdig. Labis ang galit niya sa mga taong “hayop”
lamang ang turing sa hayop. Maging ako nga ay binigyan niya ng pangalan, isang pangalang malayo sa tunay kong pangalan- CHOOPS!
Minsan nga ay naisip namin.
Minsan nga ay naisip namin.
“Paano kung nakakapagsalita sila? Paano kung ang tao ay malagay sa
kalagayan ng mga hayop na ito? Di tayo tanga. Ang utak natin ay may bigat na
1400 grams. Nag-evolve tayo.”
Minsan naman ay nais niyang maging pangulo ng ating bansa upang
maipahayag sa mundo ang kanyang mga paniniwala at batas sa buhay. Pero naisip
rin naman niya na di niya kaya ay baka maging panggulo lang siya.
Oo nga at nais niyang magkaroon ng pagbabago.
Pero higit sa lahat, nais daw niyang maging karaniwang tao na
lamang, katulad na lamang ng lahat, gumigising, pumapasok, nag-aaral, umuuwi,
natutulog, nangangarap na may magandang bukas na parating. Pero ang pangarap ay
malayo sa panaginip.
Malawak ang imagination namin. Marami kaming tanong sa buhay.
Minsan nga ay naisip namin kung paano magkakasya ang 60 katao sa isang kotse
lamang. Na kunwari sa isang kotse ay nandoon na ang mga kailangan mo. O paano
kaya kung ang tao ay naglalakbay sa oras. O kaya naman ay paano kung ang mga
mag-aaral ng section namin ay mga tauhan sa isang kuwento.
Tuwing pumapasok ang mga bagay na ito sa aming isipan ay natatawa na lamang kami. Marahil ay sinumpong na naman siya ng hika dahil sa pagtawa.
Marahil pag nagkita kami ay maiisip niya na nais na niyang maging
isang writer. Pero ano man ang nais niya sa buhay, maging astronaut
man siya, maging embalsamador, maging manager ng isang junk shop,
lagi niyang baon ang mga kuwentong kahit kailan ay wala sa anumang library,
wala sa anumang libro. Ito ay ang mga kuwento ng nakaraang alam kong kahit saan
ka man maligaw, malimutan mo man, ay nasa iyo ito at di mawawala. Ito ay ang
mga kuwento ng pagkabata at pagiging isip-bata.
VANEZZA
Noon ay may girlfriend ako. Kaya naman, tuwing magkikita kami nito
ay lagi ako nitong tatanungin, “Kamusta KAYO?”
Subalit lagi kong ibinabalik sa kanya ang tanong niya, “Eh KAYO,
kamusta?” Ang sagot niya ay ganito, “Masaya pero di naman kami. :(“
Subalit matatapos ang usapan kapag sasabihin kong, “Di mahalaga kung
kayo o hindi. Ang mahalaga ay masaya kayo at mahal niyo ang isa’t isa kahit
hindi kayo!” Ngingiti siya. Marahil ang sabi nito sa sarili niya ay, “Sa
bagay.”
Subalit ito ang totoong tanong, “Pero mahal mo?”
Paiwas na ngingiti at doon ay alam na natin ang sagot.
LEONARD
Sa gitna ng katahimikan ay naroon din ang taong handang bumasag
nito.
Minsan ay nakikipaghabulan siya sa mga kapwa “baliw” na para bang
kanila ang daan, para bang kanila ang mga pader kung saan maaari silang
tumagos.
Minsan
ay hawak na niya ang chalk guguhit sa blackboard ng mga sketch
ng aming mga kaklase at titser, na para bang model lamang ng iba’t ibang
organs ng ating katawan o kaya ay parang abstract art. Matapos
magdrawing ay gagawa na siya ng kuwento o kaya description ng mga ito.
Nailagay pa nga ito sa isang notebook na kung tawagin nila ay Book of
Secrets. Dito kasi nakalagay ang lahat ng mga nakakatawang biography
ng aming mga kaklase na alam naman nating lahat na likhang-isip lamang. Minsan
naman ay pagsasamahin niya ang iba’t ibang equations at formula na
itinuro sa amin at gagawa ng kanya. Kakaibang vandalism ito.
Masasabi
ko ring isa siya sa pinakamagaling na taong nakikila ko and yes, he is truly
a patron of arts. Kung meron akong natutunan mula sa kanya, ito ay ang
pagiging totoo sa sarili at pagiging totoo sa ibang tao, ang pag-amin sa mali,
ang ipaglaban ang tama, ang tumawa kahit maraming problema at higit sa lahat ay
ang gumising sa umaga at matulog sa gabi na taglay ang isang curve, ang
pinakamadali at pinakamagandang curve na nagawa ng tao, ang ngiti.
KING
Siya ang pinakaresponsable at pinakamasipag na estudyanteng nakilala
ko.
Labis ko itong maasahan bilang seatmate ko. Confident ako
pag katabi ko ito.
Minsan pala ay hinangad niyang maging isang sundalo para ipagtanggol
ang kanyang pamilya sa digmaan ng buhay. Pero hindi ito natupad dahil siya
mismo ang natalo sa digmaan ng kanyang sarili, sa digmaan kung ano at sino nga
ba siya.
Lagi ko siyang pinapagalitan at sinisigawan pero labis daw ang
pasasalamat niya sa mga ginagawa kong ito. Lumakas daw ang loob niya, lalo daw
siyang gumaling at sumipag. Sa kabila ng lahat ay lagi ko namang ipinapaalala
sa kanya ang mga salitang ito:
“Kapag nalito ka kung ano o sino ka, think of this. You’re
not an ugly duckling but a beautiful swan. You’re not a moth but a butterfly.
And if you still don’t know who you are, if you still don’t have the wings,
just wait inside your cocoon. Just wait for your metamorphosis and remind
yourself that you don’t always need to change yourself. Metamorphosis is
a not about changes but about growth and progress. Go and soar high. I mean, go
and soar higher.”
ELAINE
Kamusta na, Elaine? Matalino na ba ang kapatid mo? Sabi mo kasi pag
matalino ang unang gumupit ng buhok ng isang bata ay magiging matalino rin ito.
Eh paano yan, ako ang unang gumupit ng buhok ng kapatid mo?
Simple lang ang nais kong sabihin sa iyo,
“Friends are not unkind, just hard to find.”
Huwag mong isiping nakalimutan o iniwan ka ng iyong mga kaibigan. A
BIG PLEASE! Just smile. Kaya naman nating maging masaya kahit mag-isa tayo.
Always find the diffence between the word LONELY and ALONE.
DONALD
Siya ang taong kahit kailan ay di nawala sa mga bagong balita
o sa mga trending.
Ikaw marahil ang maituturing kong best partner ko pagdating
sa paggawa ng mga project. And I can also say that God had given you
such a gifted pair of hands. Sana ay naalala mo kung paanong inabot ka ng
gabi sa amin sa paggawa ng powerpoint para sa ating section, sa
paggawa ng ating magazine para sa group natin, sa paggawa ng
ating powerpoint sa Araling Panlipunan.
Minsan ay tinawag ka ng ating Math teacher at sinabi niyang find x. Sa blackboard ay nakadrawing ang isang triangle tapos sa nitong side ay may nakasulat na x. Natawa kami ng binilugan mo ung x at sinulat yung mga salitang, “Here it is.” Naisip ko na sana sinabi na lang ni Sir na find the meaning of x kaya lang baka ang isagot mo ay, “X is the 24th letter in the English alphabet, a letter after w and a letter before y.”
Isa kang reporter. Isa kang actor. Isa kang dancer.
Isa kang singer. Isa kang photographer. Isa kang camera
man. Isa kang negosyante. Isa kang artist. Isa kang model.
Marami ka mang mukha sa ating classroom ay ikaw pa rin ang kilala kong kaibigan.
Marami ka mang mukha sa ating classroom ay ikaw pa rin ang kilala kong kaibigan.
NARDITO
“Matagal na kitang kilala pero ngayon lang kita nakilala.”
Ito na lamang ang nasabi ko sa isang taong nakilala ko dahil sa
isang buto ng langka.
Unang araw ng iskwela, ang mga kababaihan ay nakatingin sa isang
Nardito. Magaling siyang kumanta, magaling siyang sumayaw pero naku, “disappointed”
ang mga girls.
Naging member ko siya sa Science. Masasabi kong ok naman
siyang member, masunurin, masipag, cheerleader namin.
Minsan ay nagkaroon kami ng isang group activity sa Science,
ang group namin ay magdadala ng buto ng langka. Iba naman ang dadalhin
ng ibang groups. Nagtanong naman ako sa members ko kung sino sa
kanila ang maaaring magdala pero di naman sila nakikinig sa akin, tila ba mga
bingi, walang pakialam kasi laging umaasa sa leader. Galit na ako, ang
iba ay umuwi kaagad, ang iba ay tumakas, ang iba ay nasa computer shop.
Umuwi ako- problemado. Malakas ang buhos ng ulan pero nagulat ako ng
may tumawag ng pangalan ko sa labas. Ito pala ay si Nardito!
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Di ba maghahanap tayo ng buto ng langka?” sabi niya.
Sa mga panahong iyon ay di na ako galit, nagtatampo na lang ako.
Dahil siguro kahit paano ay may nag-effort na pumunta sa akin, may nakaalala,
may concern!
Sa loob kasi ng ilang taon ko bilang group leader ay laging
ganito ang scenario. Ako lagi ang pupunta sa bahay ng members.
Ako ang madalas na may gastos. Ayokong binabayaran ako. Sapat nang may
magpasalamat at sapat nang may makaalala, may concern.
Malakas ang ulan. Baha na. Para bang may bagyo pero tumakas ako sa
bahay namin. Marami na siyang naikuwento sa akin tungkol sa kanya at
tungkol sa buhay niya pero wala pa rin kaming mahanap na buto ng langka. Pero
matapos ang ilang oras ay sa wakas, nakahanap kami.
Umuwi ako. Siguradong galit si Mama dahil basing-basa ako at gabi
na. Pero hindi. Nagulat ako. Marahil ay nakita niya ang determinasyon ko. Nang
umalis si Nardz ay napangiti ako sa sinabi ni Mama:
“Maganda ang pakiramdam ko sa kasama mo.”
At nalaman ko na lang na wala palang pasok bukas. Sabado kasi bukas.
“Maganda ang pakiramdam ko sa kasama mo.”
At nalaman ko na lang na wala palang pasok bukas. Sabado kasi bukas.
Dumating ang Lunes, ipinagmalaki ko si Nardz sa ibang members ko.
Humble pa rin ito.
“Matagal na kitang kilala pero ngayon lang kita nakilala… at nais pa
kitang makilala!”
MGA YAKAL:
JONATHAN
Kamusta na? Magparamdam ka naman.
Kung ano man ang problema mo, just pray for it kasi alam
nating si Lord ang ating best friend.
Dahil sa iyo ay lalo akong naniwala na mas matindi ang pagkakaibigan
ng mga lalaki kaysa mga babae.
Itinuro mo sa akin kung paano lunukin ang lason na kung tawagin ay pride.
Itinuro mo sa akin na ang isang dakilang kaibigan kahit malimutan
man o iwan man ng iba ay naghihintay pa rin sa kanyang kaibigan. At kapag
bumalik ang kanyang kaibigan, ang isang dakilang kaibigan ay di galit kundi
nag-aalala, nagtatanong kung ok lang ba ang kanyang kaibigan, kung
kamusta na ang kanyang kaibigan.
Ang isang dakilang kaibigan ay yung di nagsasabi na, “Nandito ka lang naman pag
kailangan mo ako.” Kundi ang kanyang sinasabi ay, “Narito lang ako pag
kailangan mo ako.” Ang dakilang kaibigan ay yung di nagsasabi na, “Dapat masaya
ka dahil sa akin, dahil kasama mo ako.” Kundi ang kanyang sinasabi ay, “Masaya
ako kasi masaya ka, kahit di ako ang dahilan ng kasiyahan mo, kahit di mo ako
kasama.”
Be strong. Be a man. Be a gentleman. Go on and be in love.
Just smile. Thank you for being a character written by God in my life.
ALEX
Mas kilala siya ng lahat sa apelyido niyang Mangcao. Isa siya sa mga
highly-recommended seatmates na maihahain ko sa mga mag-aaral. Na kapag
katabi ko siya, feeling ko makakagraduate talaga ako. Para lang kaming Batman
at Robin… noon. Sa kanya yung isa topic, akin naman yung isang topic.
Para kasing computer ang utak niya at nakasave lahat ng topics
doon. Siyempre, pagdating ng exam, parehong perfect!
Na tuwing may quiz, magkatabi kami. Na tuwing recess, tatanggi siya sa ibibigay kong pagkain pero pipilitin kong tanggapin niya or else, mumurahin ko siya at tatawa lang iyan. Na tuwing uwian na ay magkasama kaming maglalakad sa katanghaliang tapat dahil sa nag-iipon kami in hope naman na magiging mga Bill Gates o Oprah kami. Na minsan ay hihiram siya sa akin ng libro para magsulat sa notebook kahit alam kong di naman yan tsinetsekan ng mga titser, ipinapasubmit lang para ilagay sa sako at ibenta. Na tuwing October 10 ay babatiin namin ang isa’t isa ng happy birthday.
Lagi siyang absent noon sa klase pero bilang kaibigan ko ay lagi siyang present.
At ito ang lahat ng mga alaalang ngayon ay mga pangarap na nais kong ibalik.
Iba’t iba man ang iniwan nilang mga alaala sa buhay ako, isa lang naman ang tawag ko sa kanila- KAIBIGAN!
Thank you for leaving footprints in my heart.
Image Sources:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento