Martes, Mayo 1, 2012

III. Teachers

Sa buong buhay ko ay sa wakas, nakatagpo din ako ng mga titser, di lamang titser, kundi maestro, professor! Sila iyong mga titser na talagang di ko makakalimutan.




Di lamang sila mga titser sa loob ng aming classroom kundi mga titser na maging sa labas ng classroom ay nag-iwan talaga sa akin ng mga aral ng buhay na hanggang ngayon ay aking pinaniniwalaan at sinusunod. Sila ay yung mga titser na nag-iwan ng mga alaala hindi lamang sa utak ko kundi maging sa puso ko, sa puso namin. Minsan nga ay naisip ko, may lesson plan kaya ang mga titser na ito?



MAM GATON

Siya ang aming English teacher noong third year pa kami.  Nakasalamin siya, strict, parang di mo makakasundo, parang di magbibigay ng bonus points, parang walang pakialam sa pag-inog ng daigdig at pagtakbo ng buhay. Si Mam Gaton na yata ang masasabi kong pinakabusy na titser, pinakamasipag na titser, pinakaresponsableng titser. Ang buhay para sa kanya ay isang karera, ang mundo naman para sa kanya ay isang oval field. Ang oras ang kanyang kayamanan kahit masasabi kong ito rin ang kanyang kalaban.

Mas kilala si Mam Gaton bilang isang school paper adviser kaya naman ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa mga diyaryo na para bang mga anak na niya. Mahalaga sa kanya ang mga balita, sobrang halaga. Mahalagang may nangyayari at higit sa lahat ay mahalaga sa kanyang may alam ka.

Isa lang naman daw ang kulang sa buhay niya. Ito ay ang kanyang pangarap, ang kanyang ambisyon na manalo sa National School Press Conference.  Dalawa lang ang dahilan kung bakit ka aabsent sa mga training namin- ito ay dahil wala kang gawa o kaya naman ay dahil alam mong pangit ang gawa mo. At kapag sinabi niyang pangit ito, it is an encouragement for us to make the right thing next time, to do better next time. Di na kami nagtataka kung bakit sobrang strict niya sa amin. Ito ay dahil nais niya kaming umakyat sa stage, nais niya kaming manalo. Nais niya maramdaman namin ang pakiramdam na nanalo kami mula sa aming mga pagtitiis. Masarap iyon!

Ang klase namin kay Mam Gaton ay maaari nating itulad sa pagsakay sa roller coaster- laging may kaba pero masaya. Sa gitna ng klase ay di alintana ang oras dahil parang di gumagalaw ang mga kamay ng orasan.

Marami akong natutunan kay Mam Gaton gaya na lamang ng sumusunod:

1. Na nagpapaganda ng buhok ang paggamit ng suklay na nilublob sa chalk.
2. Na di bale nang mabasa ka ng ulan, huwag lang ang diyaryo.
3. Na Grow Old with You ang theme song ng mga journalist.
4. Na kung isa kang journalist, ang brand ng mani na dapat mong kainin ay Sunshine.
5. Na bago matapos ang isang oras ng klase, siguradong kulot na ang buhok ng aming kaklaseng si Rebecca.
6. Na huwag ka nang pumasok kung late ka sa mga training.
7. Na huwag ka nang magtangkang bumalik sa klase kung lagi ka namang absent.
8. Na kapag iniwan ka ng jeep na magdadala sa venue ng inyong contest, bahala ka nang sumunod.
9. Na di bale nang matalo huwag lang umiyak.
10. Na ang paglakad mo ay katumbas ng aking pagtakbo.
11. Na kapag umuulan, isave mo ang file mo or else kapag biglang dumating ang brown-out, tiyak lagot ka.
12. Na dapat magsuot ng wig ang mga babaeng sabog ang buhok dahil siguradong makakalbo sila sa pananabunot ni Mam Gaton.

Pero di ko pa rin makalimutan ang isang pagkakataon kung saan siya ay halos sumuko na sa paggawa ng diyaryo. Umuwi na ako at doon ay biglang nagtext ang aking mga daliri. Wala na akong magagawa, “message sent” na.

 “A journalist is not born to make history, but to write history. But still I believe that a journalist is not born to TRY but to NEVER GIVE UP for trying may give or cause you mistakes but never giving up is never been a mistake in a journalist’s life.”

Isinulat ko rin ito sa isang maliit na papel at inipit ko sa isang librong hiniram ko Mam Gaton. Naibalik ko na ito. At siguradong nabasa na niya ito. Ngayon ay naisip ko. Nakaipit pa rin kaya ito sa librong iyon? Nasa inbox pa kaya ito ni Mam Gaton? O kung wala na ito sa librong iyon, kung nadelete na niya ito sa inbox niya, naaalala pa kaya niya ito? Marahil ay hindi na. Pero at least may nagawa akong tama bilang editor-in-chief niya na hindi naman talaga magaling.

And yes, a journalist is not born, he is made!

SR. BUM

Siya marahil ang dahilan kung bakit masaya, buo at meaningful ang aking Sunday. Ang klase namin kay Sr. Bum ang ikalawang simbahan ng mga mag-aaral na kahit walang pamasahe ay nagpupunta pa rin sa iskul para sa isang klase na walang kailangan kundi isang notebook, isang ballpen at isang sperm ng utak na may pregnant ideas.

Ang titser dito ay baliw kaya naman lagi nitong sinasabi ang kanyang favorite line, “All you need is to be a little bit… crazy!

Sa gitna ng “klase” ay biglang maririnig ang kanyang pag-awit ng mga kantang maaaring galing sa broadway o puwede rin namang isang awit ni Adele.

Laging bukas ang pinto sa dalawang dahilan, lahat ay maaaring pumasok sa klase at lahat ay maaaring lumabas. Wika nga, “Many are called but few are chosen.”

Sa klaseng ito ay natutunan naming mag-isip at magsulat ng mabilis. Common at tama na ang 15 minutes upang mag-isip at magsulat. Minsan nga ay sa loob ng 5 minutes ay magsusulat ka ng isang paragraph, sa loob ng isa o dalawang minuto ay isang sentence at sa loob ng 10 seconds ay isang salita na unang pumasok sa isip mo. Madali lang naman pero mahirap kasi nais nating mag-isip ng matagal para makabuo ng isang magandang article. We always want to have a perfect work, but not an honest work.

Natutunan ko rin dito na kapag may idea na pumasok sa isip mo, nasaan ka man ay tandaan mo ito, isave mo ito sa drafts ng cellphone mo, isulat mo ito sa palad mo. Kapag nakalimutan mo ito, bahala ka. Para kang nakahuli ng isang daang ibon sa isang minuto tapos pinakawalan mo. Kapag nangyayari ito sa akin ay feeling ko gumising ako sa isang araw na nawawala ang aking eyeglasses!

Sobrang lawak ng topics na maaari mong isulat. Minsan ay kung ano lang ang makita namin o kung ano lang ang maisip ni Sr. Bum. Minsan ay tungkol sa paglubog ng araw, minsan ay tungkol sa  hagdan, minsan ay tungkol sa isang payong, minsan ay tungkol sa isang triangle na nakadrawing sa blackboard, minsan ay tungkol sa isang quote o kanta, minsan ay tungkol sa wala at minsan pa nga ay gumawa kami ng isang kuwento kung saan kami ang mga tauhan. Imagination. Ito ang tunay na kalayaan.


Tinuruan niya kaming magkaroon ng appreciation sa mga bagay na akala ng lahat ay karaniwan lamang at maliit, sa mga usaping akala ng iba ay walang kuwentang pag-usapan, sa mga tanong na akala ng iba ay walang kuwentang itanong at sagutin. Halimbawa ay ang pananaw natin sa isang baso na may lamang kalahating tubig. Alin dito ang iniisip mo? Kalahati lang talaga ang inilagay na tubig o binawasan ito ng kalahati?

Minsan nga ay naitanong pa ni Sir sa amin kung bakit nililibing natin sa lupa ang ating mga patay samantalang sinasabi nating pupunta sila sa langit. Ang langit kaya ay nasa ilalim talaga ng lupa?

Minsan ay sinabi niya amin na ang isang magandang pelikula ay isang masterpiece na likha ng isang malikhaing idea ng writer, isang matalinong principle ng director at ng isang mahusay na interpretation ng mga actor. Ang isang magandang pelikula ay pinapagana ang utak at puso mo.

Itinuro niya sa amin na di kasalanan ang isilang kang mahirap. Ang tunay na kasalanan ay ang manatiling mahirap. Lagi niya rin sa aming ipinapaalala na laging magbigay, na laging magbayad, na laging gumawa ng tama kahit walang nakakakita, na dapat ang pangarap mo ay laging may kilos at deadline.

Kailan kaya namin matututunang maligo ng di nababasa ang mga kamay o kaya naman ay kung paano lumipad?

And yes, it is such a privilege to meet Sir Bum, a person who have always believed in our potential, who have touched our personal lives.

At higit sa lahat ay naniwala si Sir na lahat ay marunong magsulat, walang magaling dahil lahat ay may naiibang pananaw sa buhay.

I once told him, “Di po ako pumapasok sa klaseng ito dahil nais kong matuto magsulat. Marunong na po ako magsulat, marunong na po tayo. Kailangan lang po nating ipakita at patunayan sa lahat.”

MAM JAVIER

October 11, 2010- Lunes.

Nagpipigil lang ako noon ng luha.

May nagsabi lang noon sa akin. Napag-usapan daw ako ng buong klase noong nakaraang Biyernes. Maraming isyu tungkol sa akin. Period! Wala ako noon. Absent ako.

Di ko mapigilan ang nararamdaman ko kaya nagpunta na ako sa faculty ng mga third year teachers. Nandoon si Mam Javier.

“Buti pumunta ka, ipapatawag na nga sana kita,” wika niya.

Matapang ang sagot ko, “Kahit di niyo na po ako ipatawag, pupunta po talaga ako dito.”

Matapos nito, full blank. Just a sound of silence. At doon ay nawala ang tapang ko. Umiyak ako na parang bata.

Doon ay lalo kong napatunayan na di lang namin titser si Mam Javier sa Araling Panlipunan, isa siyang ina! 

Ang budget ng pera para sa Christmas party namin ay di lang sapat, sobra pa! Ito ay dahil isa siyang ina! Masarap ang mga luto niyang pagkain. Ito ay dahil isa siyang ina! Walang problema at walang alitang di naayos! Ito ay dahil isa siyang ina!

Isinilang siya bilang isang adviser, best adviser. She set the standards for being an adviser to us. Di siya nagalit sa amin, nagtampo siya… dahil mahal niya kami di lamang bilang mga mag-aaral kundi bilang mga anak niya.

Kung kaya ko nga lang po ay nais kong magsulat tungkol sa lahat ng aming naging titser. Kapag ako kasi ay nagsulat ay kung sino ang unang pumasok sa isip ko, iyon ang nilalagay ko. I am just too honest.

Marami pang titser na nag-iwan sa aking ng mga kakaibang gunita. Noong first year kami ay nariyan sina  Ms. Hermano, Mrs. Hatulan, Mrs. OpiƱa, Mrs. Lapidario, Mrs. Caunin, Mrs. Jastillana at Mrs. Gache na naging titser muli namin noong third year. Noong second year naman ay nakilala namin si Mrs. Barundia, Mrs. Bariring, Mrs. Calay, Mr. Delfinado, Mrs. Leonido, Mrs. Carteciano at Mrs. Pacoma. Tumuntong kami sa third year at doon namin naging titser sina Sr. Manicad, Ms. Cuntapay, Sr. Quibral at Sr. Guerrero. Sa huling taon namin bilang fouth year ay dumating sa buhay namin si Mrs. Pangan, Sr. Tonga, Sr. Sanchez, Mrs. Pantonia, Mrs. Untivero, Sr. Laggui at Sr. Amarante.
Nais ko na ring isama sa listahang ito si Mrs. Cabling, si Sr. Uy, si Mrs. Mananquil, si Sr. Dorado, si Mrs. Andres na noon ay Ms. Belisario, si Mrs. Delgado, si Mrs. Delfinado na noon ay Ms. Punongbayan, si Mrs. Delacion, si Ms. Santos, si Sr. Kim,  si Sr. Sevilla, si Mrs. Fulleros, si Sr. Fritz, si Mrs. Delfina, si Mrs. Sobisol, si Mrs. Batalla at Ms. Alcasabas na kahit di namin naging titser o panandalian lang namin naging titser ay nag-iwan sa akin ng mga di malilimutang pangyayari sa buhay ko.

They are the teachers who have brought out the best from us, appreciated our efforts. Mabuhay po kayong lahat!

And yes, good teachers are those who challenge, those who influence, and those who inspire.
At teka, bakit laging may apple sa table ng isang titser?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento