Martes, Mayo 1, 2012

I. Memories

“For yesterdays are memories,
Tomorrow is a mystery,
As today is a gift,
That’s why it is called present,
A gift that offers us
A chance of new beginnings.”

Dear readers, I was writing this entry in the melody of Lea Salonga’s Journey.

“What a journey it has been…”

Each chapter of life is a song. Another song came to an end. Another song came to be heard. Yes, life is a song, love is the music as God is the lyrics.

At isa na namang paglalakbay ang muling natapos.

Natatandaan ko pa ang mga nangyari sa araw na kung tawagin nating lahat ay “graduation.”

They were gone with the wind but it’s all coming back to me now…

Matagal naming hinintay ang aming mga toga kagabi. May mga naghintay, may mga umuwi, may mga bumalik kahit pauwi na at nakauwi na.

Sa wakas at tapos na rin ang isang linggo naming practice, practice ng aming pag-awit, practice ng matagal na pagtayo at pagtahimik habang hinihintay ang lahat na makapasok sa covered court, practice sa pagtanggap ng diploma.

At ngayon ay dumating na ang araw ng pagtatapos.

Ang mga emcees ay halatang kinakabahan, they are in panic and they are out of their minds on what to say, on what’s next.

Kahit paano ay maaga naman itong nagsimula. Mahaba ang pila ng mga mag-aaral at magulang.

Nagsimula ito sa isa-isang paglakad at pagpasok sa covered court ng mga graduates kasama ang kanilang mga magulang. Sinundan ito ng matagal na pagtayo at pagtunganga ng mga mag-aaral at mga magulang. Ang ilang mga pasaway na mag-aaral at mga nanay ay di naman nakatiis at umupo na kaagad upang magchismisan.  Pumasok naman ang mga titser na ang karamihan ay nagpunta na sa office upang kamustahin ang blow-out ng mga honor students. Dumating na rin ang mga guest speaker na at dito ay naalala kong wala pala akong practice sa aking speech. At talagang di ko ipinakita kahit kaninong titser ang speech ko.

Ang Lupang Hinirang naman ay inawit ng isang mag-aaral, maringal! Ang doxology naman ay pinalakpakan ng ilan. Narito rin ang pambating panimula ng principal na wala naman yatang nakinig. Matapos nito ay umawit na kami ng Through the Years at Farewell. Siyempre, may mga umiyak… At di ko nga alam kung paano ko nagawang pigilin ang pagbagsak ng  aking mga luha.

Ang speech naman ni Cindy ay di ko alam kung may iniwan pa ba itong mga matang di umiiyak! Sa aking speech, salamat at may nakinig at salamat siyempre sa mga nakinig. Nagbigay naman ng kanilang mga message ang mga guest speaker na sana ay may nakinig! Sinundan ito ng pagtanggap ng diploma na sadyang nakakatamad panoorin at abangan kung di mo naman kilala ang umaakyat sa stage. Siyempre, dumating na ang awarding ng mga honor students at tila ba nasa ikapitong langit na ako. Natapos naman ang lahat sa picture taking na maraming sumali kaya halos di na makuha at makita lahat sa picture!

Graduation wallpaper
Umiiyak ako noon. Masaya ako. Ngunit malungkot din naman ako.

After all, I had just whispered into myself, “Mamimiss ko yata ang mga lokong ito.”

Mamimiss ko ang kanilang mga ngiti. Mamimiss ko ang aking pagluha dahil sa kanila. 

Mamimiss ko ang pagiging busy ko sa iskul. Mamimiss ko ang pagiging honor student

Mamimiss ko ang mga magagaling na titser, ang mga strict at terror, ang mga pahirap sa buhay, ang mga titser na parang anak na ang turing sa amin, ang mga titser na parang kaibigan lang namin, ang mga titser na parang mga pari sa dami ng sermon, ang mga titser na laging late, ang mga titser na laging wala and yes I will miss them all, even those teachers who were not so good, in fact, mga titser na talagang titser lang sa buhay ng isang mag-aaral.

Mamimiss ko ang library at laboratory. Mamimiss ko ang computer room. Mamimiss ko kahit ang mga guard. Mamimiss ko ang mga notebook which I can consider as the number 1 requirement ng mga nais makagraduate. Mamimiss ko ang mga report, mga quiz, mga exam, mga recitation.

Mamimiss ko ang aking love life na isang malaking ZERO. Mamimiss ko ang mga lambingan, ang mga ligawan at ang mga landian. Mamimiss ko ang mga inggitan at bangayan. Mamimiss ko ang mga away at tampuhan. Mamimiss ko ang mga harutan at habulan. Mamimiss ko ang mga kalokohan at tawanan. Mamimiss ko ang mga biruan at barahan. Mamimiss ko ang mga sayawan at kantahan, maging ang sound trip ng mga gitara. Mamimiss ko ang mga chikahan. Mamimiss ko ang mga kopyahan. Mamimiss ko ang tulungan at damayan. Mamimiss ko ang mga pagtambay. Mamimiss ko kahit ang aking mga kaaway at mga naging kaaway. Mamimiss ko maging ang mga tahimik. Mamimiss ko ang barkada, ang samahan, ang pagkakaibigan.

Moving on is simple and easy, it is what we leave behind that makes it difficult.

They are the idiots who have always been the contents of my inbox, an inbox known as memories…

Image Sources:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento