Sabado, Oktubre 13, 2012

HIST GROUP WORK # 5-6

HERE ARE MY SUGGESTIONS AND REMINDERS FIRST: COVER PAGE: INIHAHANDOG NG JUNEFFER PUBLISHING COMPANY “JACKIE CHAN” BACK OF COVER PAGE: TABLE OF CONTENTS: PAGKABATA ANG SIMULA PAGSIKAT MGA PAMANA TRIVIA PAGE 3: FACE NI JACKIE CHAN (IKAW NA PO ANG BAHALA SA DIVISION NG MGA SUSUNOD NA PAHINA. HUWAG PONG KALIMUTAN ANG MGA PICTURES. PILI NA LANG PO KAYO. BASTA 60% TEXT, 40% IMAGE. SUGGEST KO LANG PO NA MAGLAGAY NG BOOKMARKS-PAGKABATA, ANG SIMULA, PAGSIKAT, MGA PAMANA, TRIVIA, MGA PINAGKUNAN. MAKE IT COLORFUL PARA MASAYA. THEN, THE PAGE BEFORE BACK PAGE, DOON PO NAKALAGAY ANG MGA PINAGKUNAN. IYONG BACK PAGE PO, MAY ISANG MALAKING “THANK YOU” AT SA ILALIM NG THANK YOU AY ISANG QUOTE TUNGKOL SA ASIA PARA BONGGA! PAKIDAGDAGAN NA LANG PO ANG MGA NARESEARCH KO KUNG GUSTO NIYO PO AT PAKICHECK NA LANG PO ANG TYPOGRAPHICAL ERRORS KO AT GRAMMAR. THANK YOU. GOD BLESS.) PAGKABATA: Nang bata pa si Jackie ay araw-araw siyang ginigising ng kanyang ama upang magsanay ng kung fu. Naniniwala ang kanyang ama na sa pamamagitan ng kung fu ay magkakaroon si Jackie ng tiyaga, lakas, at tapang. Pitong taong gulang si Jackie nang umalis ang kanyang ama upang maging punong tagapagluto sa embahada ng Amerika sa Australia. Hindi maaaring sumama si Jackie kaya naman ipinasok niya si Jackie sa China Drama Academy. Sa loob ng sampung taon, itinuro sa mga batang tulad ni Jackie ang acrobats, martial arts, pagkanta at pag-acting. Dito nakilala ni Jackie si Sammo Hung at Yuen Biao na nakilala bilang “Three Brothers” o “Three Dragons.” Matindi ang mga pagsasanay. 19 na oras sa bawat araw. Sa isang oras ay may headstand. Pinapalo sila kung sila ay magkamali. Ang lahat ng ito ay upang itanghal sila sa Peking Opera. Hindi tulad ng ibang opera, ang Chinese opera ay kakaiba dahil sa may halo itong acrobats at martial arts. ANG SIMULA: Sa edad na walong taon, nagtanghal si Jackie sa pelikulang, “Big and Little Wong Tin Bar.” Nang lumaki pa si Jackie ay naging extra at stuntman na siya sa mga pelikulang Hong Kong. Subalit nang humina ang mga pelikulang Hong Kong, napilitan si Jackie na magpunta sa Australia upang sumama sa kaniyang mga magulang at pansamantalang magtrabaho sa isang restaurant at construction site. Isang araw, nakatanggap si Jackie nang isang telegram mula sa isang Willie Chan na noon ay naghahanap ng isang stuntman para sa bagong pelikula noon ni Lo Wei. Mula rito ay nadiscover si Jackie at malaki ang pasasalamat ni Jackie kay Willie bilang manager niya hanggang sa ngayon. PAGSIKAT: Nang una ay inakala ng lahat na isa lang siyang tagahanga, impersonator, at nagbabalak na pumalit kay Bruce Lee, ang naunang nagpasikat sa mga martial arts movie. Nang una kasi ay isa lang siyang stuntman sa mga pelikula ni Bruce Lee gaya ng “Fist of Fury” at “Enter the Dragon.” kung saan nagawa niya ang sinasabing pinakamataas na falling exhibition sa kasaysayan ng pelikulang Chinese. Subalit nang mamatay si Bruce Lee, hindi lamang pinalitan ni Jackie si Bruce Lee subalit nilampasan pa at gumawa ng sariling imahe bilang hari ng mga pelikulang Hong Kong. Nakilala ang mga martial arts movie ni Jackie sa 1. pagganap niya sa isang character na kahit may pagkatanga ay nananalo pa rin sa huli, 2. pagiging katatawanan ng mga fight scene, 3. paggamit ng mga improvised weapon na kung saan lang kinuha, at 4. mga nakakatakot (at nakakamatay) na stunts na siya talaga ang gumagawa. Dahil sa mga ito ay tinawag siyang Buster Keaton ng Asia at inihambing rin kay Fred Astaire. Ang una niyang naging matagumpay na pelikula ay ang “Snake in Eagle’s Shadow” na sinundan naman ng “Drunken Master.” Ang The Young Master naman ang naging una niyang pelikula sa Golden Harvest, ang pinakasikat na studio sa Hong Kong. Ito rin ang nakabreak sa box-office record ng mga pelikula ni Bruce Lee. Mula sa pagiging isang artista ay pinasok naman ni Jackie ang pagiging direktor ng sariling pelikula. Ang una na nga rito ay ang “Fearless Hyena.” Mula sa pagiging actor at direktor ay pinasok rin ni Jackie ang pagiging producer at pagiging singer ng mga theme song sa kanyang mga pelikula. Nakuha ng pelikulang Police Story ang Best Film Award sa 1986 Hong Kong Film Awards. Nang sumunod na taon naman ay naging Indiana Jones sa pagganap bilang Asian Hawk sa pelikulang “Armor of God,” ang kanyang pelikula na may pinakamalaking kita. Sa Golden Horse Film Festival naman magkasunod na nanalo si Jackie bilang Best Actor, noong 1992 para sa “Police Story 3:Super Cop” at noong 1993 para sa “Zhong an zu.” Hindi lamang sa comedy naging sikat si Jackie Chan kung hind maging sa fantasy, romance at drama na nagsimula sa Crime Story. Ang Drunken Master II naman ay napabilang sa All-Time 100 Movies ng Time Magazine at nanalo rin bilang Best Asian Film noong 1997 sa Fant-Asia Film Festival. Naging Actor of the Year rin si Jackie sa Hollywood Film Festival noong 1999. Sumikat si Jackie sa Asya subalit matagal bago sa Amerika kaya naman isang dekada rin siyang gumawa ng mga pelikulang Hong Kong. Matapos nito ay sa wakas, ang pelikula niyang “Rumble in the Bronx” ang naglapit sa kanya sa puso ng mga Amerikano. Sinundan ito ng “Rush Hour” at “Shanghai Noon.” Noong 2002, nakatanggap si Jackie ng isang star sa Hollywood Walk of Fame. Noong 2005 naman ay nanalong Best Actor si Jackie sa Golden Rooster Awards para sa palikulang New Police Story. 2008 naman nang makasama ni Jackie ang isa pang alamat na si Jet Li sa pelikulang “The Forbidden Kingdom.” Sa Kid’s Choice Awards ay hinakot niya ang mga award tulad ng Favorite Male Action Hero noong 2002 para sa “Rush Hour 2,” Favorite Male Butt Kicker noong 2003 para sa “The Tuxedo,” at Favorite Butt Kicker noong 2011 para sa “The Karate Kid.” Sa taong 2011 rin nanalo si Jackie bilang Favorite Action Star noong People’s Choice Awards. Hindi lang sa larangan ng mga pelikula tinitingala si Jackie kung hindi sa pagiging ambassador rin niya para sa UNICEF. MGA PAMANA: Naipakita at naipagmalaki ni Jackie ang kulturang Asyano sa mundo sa pamamagitan ng pagbuhay at paggawa ng imahe ng mga action movie ng Hong Kong na madali nating makikilala kung may kung fu at martial arts. Pinatunayan din ni Jackie na kayang sumabay ng mga pelikulang Asyano sa karera ng mga pelikula. Sa mga pelikula ni Jackie makikita ang pagkakaiba at pagkakaisa ng Silangan at Kanluran sa paggawa ng mga pelikula, sa mga element tulad ng setting, character, at kuwento. TRIVIA: Isinilang si Jackie sa Hong Kong kaya naman pinangalanan siya ng kanyang mga magulang na Chan Kong-sang (isinilang sa Hong Kong). Si Jackie ay tinawag ng kanyang mga pangalan na Pao-pao (bola) noong bata pa. Nakuha ni Chan Kong-sang ang pangalang Jackie mula sa isang lalaking nagngangalang Jack na noon ay nakasama siya sa pansamantalang pagtatratrabaho sa construction. Nahirapan ang lalaki sa pagbigkas ng pangalang Kong-sang kaya naman tinawag na lang niya itong Jackie, nangangahulugang Little Jack sa Amerika. Ang pelikulang All in the Family lang ang natatanging pelikula ni Jackie na walang anumang fight scene o stunt dahil sa isa itong X-rated film. Ang unang stage name ni Jackie ay Sing Lung (maging dragon) na ginawa upang ipakita ang pagkakapareho ni Jackie kay Bruce Lee na ang stage name ay Lei Siu-lung (Munting Dragon). Para kay Jackie, ang pinakamasakit na injury sa kanyang mga pelikula ay ang pagkakataon kung saan hindi sinasadyang nahataw siya ni Bruce Lee ng nunchuck sa mukha sa shooting ng pelikulang “Enter the Dragon.” Sa loob ng ilang dekada ni Jackie sa pelikula, sinasabing nabali na ang bawat buto sa kanyang katawan. Nasira ang kanyang ilong nang tatlong beses, nabali ang kanyang bukung-bukong, balakang, leeg, ribs, karamihan sa mga daliri, ang magkabilang cheekbone, at mula sa pelikulang Armor of God, nahulog siya sa taas na 40 feet mula sa isang gusali pababa sa sanga ng isang puno. Dahil dito, ang kanyang bungo ay kinailangang tapalan ng isang steel plate. 1995 nang nanalo si Jackie ng Lifetime Achievement Award sa MTV Movie Awards at sinasabing ang sikat ni direktor na si Quentin Tarantino ay nangakong hindi dadalo sa awarding ceremony kung hindi makukuha ni Jackie ang award. Noong 2006, idineklara ni Jackie na kalahati ng kanyang assets ay ibibigay niya sa charity sa oras na mamatay siya. Dalawang ulit nasugatan ni Jackie ang kanyang dibdib sa shooting ng pelikulang Rush Hour 3. Si Jackie ang highest-paid actor ng Hong Kong. Si Jackie ang may hawak ng record ng pinakamaraming take sa isang scene lamang. Ito ay ang pyramid fight scene sa pelikulang “Dragon Lord” na mayroon lang naman 2900 takes. Si Jackie rin ang may hawak ng world record na pinakamaraming stunts. Takot si Jackie sa karayom. Ang pangalan ng Pokemon na si Hitmonchan ay nagmula kay Jackie Chan. Isang female fan ang nagpakamatay nang malamang kasal na si Jackie. Isa rin ang nagtangkang magpakamatay subalit nailigtas. Mga Pinagkunan: http://www.jackiechankids.com/files/Jackie_Bio.htm http://jackiechan.com/biography http://www.talktalk.co.uk/entertainment/galleries/browse/jackie-chan/981670 http://www.biography.com/people/jackie-chan-9542080?page=3 http://martialarts.about.com/od/martialartsculture/tp/chanmovies.01.htm http://www.screenjunkies.com/movies/genres-movies/martial-arts/10-best-jackie-chan-kung-fu-movies/ http://www.wired.com/geekdad/2010/01/top-5-jackie-chan-movies-to-watch-with-your-kids/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento