READ THIS FIRST IF YOU CARE, SKIP IF YOU DO NOT CARE:
HABANG GINAGAWA KO PO ITO AY NASA
HOSPITAL AKO, TAKING CARE OF MY SISTER FROM HER MONTHLY CEREBRAL CHECK-UP.
SINASABI KO ITO HINDI UPANG HUMINGI NG SYMPATHY O AWA. BUT SINASABI KO SA INYO
DAHIL GUSTO KONG IPARAMDAM SA INYO ANG AKING DEVOTION AT EFFORTS PARA SA ATING
CLASS PRESENTATION WHICH I THINK IS A GOOD WAY UPANG MAKABAWI SA ATING MGA
MABABANG SCORE. THIS DEVOTION AND EFFORTS THAT I HAVE ARE THE SAME DEVOTION AND
EFFORTS THAT I WANT TO SEE FROM YOU IN OUR CLASS PRESENTATION.
HERE’S A TRIVIA FOR THOSE WHO DO
NOT KNOW. OCTOBER 9, THE DATE OF OUR CLASS PRESENTATION IS THE DAY BEFORE MY
BIRTHDAY. ANG HINIHINGI KO NA LAMANG PO SA INYONG BIRTHDAY GIFT IS TO
PARTICIPATE, TO COOPERATE, TO BE IN CHARACTER, TO ENJOY OUR PERFORMANCE, TO
APPRECIATE THIS STORYLINE, TO DO OUR BEST. EVERYTHING HERE IS SUGGESTION. THANK
YOU.
CHARACTER DEFINITION:
LOLA ASYANG- PLEASE HAVE A WHITE
HAIR AND WEAR THE COMMON DUSTER OR ATTIRE OF A LOLA. HAVE A VOICE OF AN OLD
WOMAN.
MGA APO (3)- PLEASE BE CHILDISH
IN VOICE AND ACTION. YOU MAY WEAR JUMPER OR WHATEVER CHILD CLOTH.
JUAN DELA CRUZ- THE TYPICAL
COSTUME OF THE ICON, JUAN DELA CRUZ.
PAGKAKAIBA- PLEASE HAVE A MAKE-UP
OR MASK OF JIGSAW FROM THE MOVIE, SAW. YOU ARE HOWEVER, A HUNCHBACK HERE. PLEASE
HAVE A BLACK CLOAK LIKE THE CLOAK OF KAMATAYAN. PLEASE HAVE AN EVIL LAUGH OR A
SCARY VOICE.
MARIA- WEAR A MARIA CLARA AND BE
A BUNGANGERA.
MGA ANAK (4)- WEAR JUMPERS OR
WHATEVER CHILD CLOTH. YOU ARE CRYING BABIES HERE.
2 ALAGAD NI PAGKAKAIBA- WEAR
BLACK CLOAK LIKE THE CLOAK OF KAMATAYAN AND NO WORDS SO GOOD FOR YOU.
KULTURA, HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN-
WEAR BEARDS AND HAVE A VOICE OF OLD WOMEN/MEN. FOR COSTUME, LOOK AT THE COSTUME
OF GANDALF IN LORD OF THE RINGS.
SAUDI- OF COURSE, ACT AND SPEAK
LIKE AN ARAB. WEAR AN ARAB COSTUME.
TRANSLATOR NI SAUDI- THE SAME
WITH SAUDI, WEAR AN ARAB COSTUME.
INDIA- OF COURSE, ACT AND SPEAK
LIKE AN INDIAN. WEAR AN INDIAN COSTUME.
TRANSLATOR NI INDIA- THE SAME
WITH INDIA, WEAR AN INDIAN COSTUME.
JAPAN- OF COURSE, ACT AND SPEAK
LIKE A JAPANESE, WEAR A JAPANESE COSTUME.
TRANSLATOR NI JAPAN- THE SAME
WITH JAPAN, WEAR A JAPANESE COSTUME.
SOUTH KOREA- OF COURSE, ACT AND
SPEAK LIKE A KOREAN, WEAR A KOREAN COSTUME. SUGGESTION: HAVE A KOREAN
HAIRSTYLE. AND PLEASE, DANCE! DANCE! DANCE!
TRANSLATOR NI SOUTH KOREA- THE
SAME WITH SOUTH KOREA, WEAR A KOREAN COSTUME. SUGGESTION: HAVE A KOREAN
HAIRSTYLE.
CHINA- OF COURSE, ACT AND SPEAK
LIKE A CHINESE, WEAR A CHINESE COSTUME.
LOTUS FEET- THIS IS OPTIONAL TO
BE A LOTUS FEET OR NOT. IF YOU CAN AND YOU WANT TO BE A LOTUS FEET, DAPAT MAPUTI
ANG MUKHA AND GO, WEAR THE COSTUME OF LOTUS FEET BUT IF YOU JUST WANT TO BE A
NORMAL TRANSLATOR JUST LIKE THE OTHERS, WEAR A CHINESE COSTUME.
2 KAGEBUNCHIN- WEAR A NINJA
ATTIRE.
GANGNAM GANG (2 PERSONS)- WEAR A
K-POP COSTUME AND PLEASE, DANCE! DANCE! DANCE!
PAGKAKAISA- BE THE MOST BEAUTIFUL
OR THE MOST HANDSOME CHARACTER SO IF YOU ARE A WOMAN, GO WITH AN ELEGANT ROYAL
GOWN OR IF YOU ARE A MAN, GO AND HAVE COSTUME OF A PRINCE.
PROPS:
PINOY HENYO
WORD: “ASYA”
HANDKERCHIEF
BILANG PIRING
MAPA/SCROLL
TASA
PLATE
FOOD FOR INDIA
AND ARABIA (OR SOMETHING LIKE A DONUT MUNCHKINS)
WHITE FLOWERS
CHOPSTICK (A
PAIR)
FLAGS (SAUDI
ARABIA, INDIA, JAPAN, SOUTH KOREA, CHINA)
SCISSORS
CLOCK
JAPANESE FOOD
(OR SOMETHING LIKE MEATBALLS)
ITIM NA TELON
(PANAKIP KAY PAGKAKAIBA AT PAGKAKAISA)
MUSIC AND VIDEO FOR OUR OPERATOR:
TIMER
MAY INUWI SI NANAY: THE FENG SHUI
THEME SONG (OPTIONAL)
GANGNAM STYLE MUSIC
YESTERDAY’S DREAM CHORUS
HIST 2 X-2R
PRESENTS
“ALAMAT NG ASYA”
TOFFER: ANG PROGRAMANG INYONG
MAPAPANOOD AY RATED TB-HANGO SA TUNAY NA BUHAY.
(NAKAUPO SI LOLA ASYANG SA ISANG
SILYA. DARATING ANG KANYANG MGA APO AT MAGMAMANO.)
LOLA ASYANG: O, NANDIYAN NA PALA KAYO
MGA APO.
APO # 1: LOLA ASYANG, LOLA ASYANG.
KUWENTUHAN MO KAMI NG BEDTIME STORIES.
(KUKULITIN NG MGA APO SI LOLA ASYANG.)
LOLA ASYANG: O SIGE, MGA APO, DAHIL SA
MAKULIT KAYO AY MAUPO NA KAYO AT MAKINIG SA AKING KUWENTO. ANG PAMAGAT NG AKING
KUWENTO AY ANG ALAMAT NG ASYA. NAGSIMULA ITO NANG ISANG ARAW, MAY TUMAWAG KAY
JUAN DELA CRUZ…
(HAWAK NI JUAN DELA CRUZ ANG KANYANG
CELLPHONE AT MAY KAUSAP. SA ISANG TABI NAMAN AY MAY ISANG TAONG NAKAITIM NA
CLOAK, KUBA, AT MAY HAWAK DIN NA CELLPHONE. ITO AY SI PAGKAKAIBA. SA TABI NI
PAGKAKAIBA AY ANG KANYANG MGA ALAGAD AT NAKATALI AT NAKAPIRING ANG MGA ANAK AT
ASAWA NI JUAN DELA CRUZ.)
PAGKAKAIBA: HAWAK KO ANG IYONG ASAWA
AT MGA ANAK.
JUAN: HELLO? WHO YOU PO? BIANCA? IKAW
BA ITO, PUNTA KA DITO. WALA IYONG ASAWA AT MGA ANAK KO. HELLO? MCDONALDS
DELIVERY? DI PO AKO NAGPADELIVER? HELLO? SINO BA KASI ITO?
PAGKAKAIBA: WALA AKONG PAKIALAM SA
KAKAININ MO NGAYONG GABI O SA IYONG PANGANGALIWA. ANG GUSTO KO PUMUNTAKA NGAYON
DIN DITO SA 40.42° N AT 98.73° W. KUNG GUSTO MO PANG MAKITANG BUHAY ANG
ASAWA AT MGA ANAK MO, PUNTAHAN MO AKO.
JUAN: WEH… DI NGA… BAKA, MALI KA NG TINAWAGAN. SORRY.
(IBABA ANG CELLPHONE.)
LOLA ASYANG: DAHIL HINDI SIYA
PINANIWALAAN NI JUAN DELA CRUZ, TATAWAG MULI SI PAGKAKAIBA AT IPAPARINIG ANG
BOSES NG ASAWA NI JUAN DELA CRUZ NA SI MARIA.
(TATAWAG ULIT SI PAGKAKAIBA AT SASAGOT
NAMAN SI JUAN DELA CRUZ.)
PAGKAKAIBA: AYAW MO MANIWALA AH. ETO,
KAUSAPIN MO ASAWA MO.
MARIA: HOY, PUMUNTA KA NA NGAYON DITO.
MAMAMATAY NA KAMI DITO, RELAX KA PA RIN DIYAN.
JUAN: BIANCA? IKAW BA ITO? PUNTA KA NA
DITO. WALA IYONG ASAWA AT MGA ANAK KO DITO NGAYON.
MARIA: HOY BOBO! SI MARIA ITO! AT TEKA,
SINO SI BIANCA? BY THE WAY, PUMUNTA KA NA RITONG LINTIK KA!
JUAN: AH, IKAW PALA, MARIA. AH, IYONG
BIANCA. KATULONG NATIN IYON DI BA? TEKA, NASAAN KA BA? UMUWI KA NA NGA AT
MAGSAING. SAAN MO BA DINALA ANG MGA BATA?
MARIA: HOY, JUAN TAMAD. NAKIDNAP KAMI
KAYA PUNTAHAN MO NA KAMI DITO. TEKA, KATULONG? WALA NAMAN TAYONG KATULONG AH.
JUAN: ABA, MAY KALAGUYO KA AH. SINO SI
JUAN TAMAD? JUAN DELA CRUZ ANG PANGALAN KO.
MARIA: NAKIDNAP AKO! NAKIDNAP KAMI NG
MGA ANAK MO!
JUAN: AH GANUN BA. OK.
PAGKAKAIBA: IYAN, NARINIG MO NA ANG
BOSES NG ASAWA MO. SANA NANIWALA KA NA. MERON KA LAMANG TATLONG ORAS UPANG
MAKARATING DITO KUNG HINDI…
(IBABABA ANG PHONE.)
JUAN: OK. NAKIDNAP LANG PALA SILA EH….
(IBABABA ANG PHONE.)
LOLA ASYANG: ISANG ORAS ANG NAKALIPAS
AT NAREALIZE NA LANG NI JUAN NA MASAMA PALA ANG KAHULUGAN NG SALITANG KIDNAP.
LOLA ASYANG: KAYA NAMAN PUMUNTA NA SI
JUAN SA PLACE NG KIDNAPAN SUBALIT SIYA AY PINATULOG NG DALAWANG ALAGAD NI
PAGKAKAIBA. PAGGISING NI JUAN AY NAKATALI NA SIYA SA ISANG SILYA AT MAY KUNG ANONG
PAPEL SA KANYANG NOO.
(NAKASULAT SA PAPEL ANG SALITANG ASYA.)
JUAN DELA CRUZ: NASAAN AKO. PAKAWALAN
NIYO AKO. MGA HAYOP!
(LALABAS SI PAGKAKAIBA.)
PAGKAKAIBA: BAKIT NAMAN KITA
PAKAKAWALAN. ANG SLOW MO NGA MAG-ISIP EH. SLOW NA NGA NG UTAK MO, FILIPINO TIME
KA PA. PERO NGAYONG NARITO KA NA, MALIGAYANG PAGDATING SA AKING KUTA.
JUAN DELA CRUZ: SINO KA? PAKAWALAN MO
AKO? NASAAN ANG ASAWA AT MGA ANAK KO? ILABAS MO SILA.
PAGKAKAIBA: HAYAAN MO MUNA AKONG
MAGPAKILALA. AKO SI PAGKAKAIBA.
(HUHUBARIN NI PAGKAKAIBA ANG CLOAK
NIYA AT MAKIKITA NA ANG KANYANG TUNAY NA ITSURA.)
PAGKAKAIBA: HUWAG KANG MAINGAY. GUSTO
MO BANG MAGISING ANG IYONG ASAWA AT MGA ANAK NA NGAYON AY MAHIMBING NA
NATUTULOG? KUNG GUSTO MO SILANG MABAWI, KAILANGAN MONG MAGAWA ANG DALAWA KONG
PAGSUBOK. ANG UNANG PAGSUBOK AY ITO. KAILANGAN MONG MAHULAAN ANG SALITANG
NAKAKABIT SA IYONG NOO. MERON KA LAMANG ILANG SEGUNDO UPANG HULAAN ITO. LET THE
GAME BEGIN.
(LALABAS SA PROJECTOR ANG TIMER.)
JUAN: LUGAR BA ITO?
PAGKAKAIBA: OO.
JUAN: AHM… AMERICA.
PAGKAKAIBA: HINDI.
JUAN: AHM… EUROPE.
PAGKAKAIBA: HINDI.
JUAN: AHM… BANYO… BANYO…
PAGKAKAIBA: HINDI.
JUAN: ANONG HINDI? NASAAN ANG BANYO?
SASABOG NA.
(MAGSASALITA SI PAGKAKAIBA HABANG
NAKATAKIP ANG ILONG NIYA.)
PAGKAKAIBA: ANG BAHO! PERO BY THE WAY,
NABIGO KA SA UNANG PAGSUBOK. PERO ANG MAGANDANG BALITA, MAY ISA KA PANG
PAGSUBOK.
JUAN: ANO ANG IKALAWANG PAGSUBOK?
GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA LANG MABAWI ANG ASAWA AT MGA ANAK KO.
PAGKAKAIBA: SURE? HAHAHAHA. ITO ANG
IKALAWANG PAGSUBOK. KAILANGAN MO AKONG MATALO.
JUAN: IYON LANG PALA EH. LAMANG NA AKO
SA KAGWAPUHAN EH.
PAGKAKAIBA: HINDI PA AKO TAPOS. HINDI
MO AKO BASTA MATATALO. KAILANGAN MONG HANAPIN ANG IYONG MGA KAPATID AT
MAGPATULONG SA KANILANG MATALO AKO.
JUAN: KAYA IYAN.
PAGKAKAIBA: KAYANIN MO PA KAYA KUNG
SABIHIN KONG PINAINOM KO SILA NG AKING GAMOT? HAHAHA. AT ETO PA, MERON KA LANG
ISANG ARAW UPANG HANAPIN SILA AT MATALO AKO. DAHIL KAPAG NABIGO KA, ASAHAN MO, DADAMI
ANG MGA ANAK NG IYONG ASAWA. HAHAHA.
JUAN: HAYOP KA! BAKIT NGAYON MO LANG
SINABI!?
(SASAKALIN SI PAGKAKAIBA.)
PAGKAKAIBA: NAGSASAYANG KA NG ORAS.
KUNG AKO SA IYO AY HUMAYO KA NA AT HANAPIN ANG MGA KAPATID MO. HAHAHA.
JUAN: HAYOP KA! BABALIK AKO!
PAGKAKAIBA: TALAGA? HAHAHA!
LOLA ASYANG: KAYA NAGSIMULA NA NGANG
MAGLAKAD SI JUAN AT SA KANYANG PAGLALAKBAY AY NAKASALUBONG SIYA NG TATLONG
ERMINTAYO- SI KULTURA, HEOGRAPIYA, AT KASAYSAYAN.
KULTURA: OLA, POGI! BAKA KAILANGAN MO
NG TULONG NAMIN.
JUAN: MAAARI NIYO BANG ITURO SA AKIN
KUNG SAAN KO MAKIKITA ANG AKING MGA KAPATID.
HEOGRAPIYA: OH… KUNG GANOON AY
TAMANG-TAMA AT MAY MGA MAPA KAMI DITO. PERO IBINEBENTA. KAILANGAN MAY GAWIN KA
PARA SA AMIN.
JUAN: HUH? ANO? DALI, GAGAWIN KO.
KASAYSAYAN: KAILANGAN MONG CHECKAN SA
IYONG CHECKLIST ANG HIST 2. KUNIN MO ANG HIST 2 AT IPASA. WAG LAMANG BASTA
IPASA KUNG HINDI KAILANGAN MAKAUNO KA.
JUAN: KUNG GANOON GAGAWIN KO. HIHIRAM
NA AKO NG LIBRO SA TERC AT MAGPAPAXEROX SA KWE.
LOLA ASYANG: KAYA NAMAN NANGARAP,
NAGSIKAP, NAGHIRAP, SI JUAN PARA LANG MAKAUNO AT IYON NGA, MAY UNO NA SIYA.
KAYA NAMAN BUMALIK NA SIYA SA MGA ERMITANYO.
JUAN: DALA KO NA ANG CLASS CARD KO.
ETO ANG BUNGA NG AKING PAGSUSUNOG NG KILAY. KINUHA KO LAHAT NG BONUS, NANOOD NG
AMIGO AT NG DOCUMENTARY PARA KAY NINOY, SUMAMA SA FIELD TRIP, UMATTEND SA
SYMPOSIUM NG ACTIVISM, SUMALI SA QUIZ CON, NAGPASA NG TATLONG REACTION AT ISANG
SYNTHESIS PAPER, PINERFECT ANG MGA NAKAMAMATAY NA EXAM AT QUIZZES AT HIGIT SA
LAHAT, NAGDIRECT NG AMING CLASS PRESENTATION.
KULTURA: DAHIL SA ISA KANG MASIKAP NA
UP STUDENT, ITO NA ANG MGA MAPA PATUNGO SA IYONG MGA KAPATID.
JUAN: MARAMING SALAMAT.
HEOGRAPIYA: NAWA’Y MAGAMIT MO ANG
IYONG MGA NATUTUNAN.
KASAYSAYAN: AT NAWA’Y PATNUBAYAN KA NG
DIYOS.
LOLA ASYANG: KAYA UMALIS NA SI JUAN AT
SINIMULAN NG BASAHIN ANG MGA MAPA.
JUAN: 24.16° N AT 43.60° E? SAAN NGA BA ITO?
NAITURO ITO SA AMIN NI SIR LIGERO EH. AH. SAUDI ARABIA. ITO ANG LOCATION NG
SAUDIA ARABIA. AH IIYON. IYON ANG
BANDILA NG SAUDI ARABIA. TAO PO.
(KAKATOK SI JUAN AT BUBUKAS ANG PINTO.
LALABAS SI SAUDI.)
SAUDI:
SABAH EL KHEER? (GOOD MORNING?)
JUAN DELA CRUZ: AHHHH! TERORISTA!
SADDAM! BIN LADEN!
(DARATING ANG TRANSLATOR.)
TRANSLATOR NI SAUDI: SAYEDY MUSHKILA?
HALIK SHEHATA? (MAY PROBLEMA PO BA? SINO ANG SUMIGAW?)
SAUDI ARABIA: MA RAJUL SHEHATA. (HINDI
AKO PERO ANG LALAKING ITO, OO.)
(ITUTURO SI JUAN.)
TRANSLATOR NI SAUDI: IKAW? SINO KA?
BAKIT KA SUMIGAW? ANO ANG GINAGAWA MO DITO?
JUAN: SALAMAT SA MGA TANONG PERO SA
TINGIN KO AKO ANG DAPAT MAGTANONG SA IYO. ANO ANG GINAGAWA MO SA BAHAY NG ISANG
TERORISTA? ALAM MO BA ANG MAPAPALA MO
DITO? MAY SUGAT KA BA? PINAPAKAIN KA BA
NIYA? SINASAKTAN KA BA NIYA? PINAGBEBENTA KA BA NIYA NG MGA PIRATED CD?
NAKARARATING BA ANG SULAT NG MGA KAPAMILYA MO? WALANG HIYANG ARABO IYAN AH.
TARA, HUMINGI TAYO NG TULONG? O BAKA NAMAN KASABWAT KA SA 9/11 BOMBING? AT
BAKIT KA NAGSASALITA NG ARABO?
TRANSLATOR NI SAUDI: HUH? ANG DAMI MONG SINABI AH. HUWAG MO SABIHING KAYA
KA SUMIGAW DAHIL AKALA MO TERORISTA ANG AMO KO?
JUAN: AMO MO ANG TERORISTANG ITO?
TRANSLATOR NI SAUDI: OO, AT SA TOTOO
NGA AY MABUTI ANG TRATO NIYA SA AKIN. ANG SAMA MO NAMAN. MAKAPANGHUSGA KA NG
KAPWA MO. HINDI MO BA ALAM NA ILAN SA MGA SALITA NATIN AY GALING SA ARABO. SALAMAT.
SAUDI: SALAM.
TRANSLATOR NI SAUDI: O DI BA? ALAM.
SAUDI: ALHAM.
TRANSLATOR NI SAUDI: HIYA.
SAUDI: HAYAA.
TRANSLATOR NI SAUDI: AT ETO PA. SULAT.
SAUDI: ZULAT.
TRANSLATOR NI SAUDI: AT BAKIT AKO
NAGSASALITA NG WIKA NILA? NATURAL, TRANSLATOR AKO EH. PARA KUMITA. KAPATID,
WALA NA AKONG MAPALA SA ATING BANSA. PURO KORAPSYON, PURO KAHIRAPAN. KAYA ITO,
NAG-AABROAD KAMI.
JUAN: NAG-AABROAD? “NAPAKARAMING TAMA
DOON SA AMIN, NGUNIT BAKIT TILAWALANG NATIRA? NAG-AABROAD SILA. NAG-AABROAD
SILA.” KAPATID, KUNG GANOON SUMAMA KA SA AKIN. KAILANGAN KO NG TULONG MO.
TRANSLATOR NI SAUDI: HUH? BAKIT? HINDI
PUWEDE. KAILANGAN PA AKO NG AMO KO.
JUAN:
HINDI KA BA NAAAWA SA AKIN.KINIDNAP ANG AKING ASAWA AT MGA ANAK. KINIDNAP NG
ISANG TAO NA NAGNGANGALANG PAGKAKAIBA.
SAUDI:
WAJH INTEE KHEER. RAJUL DAHABA.
JUAN: ANO
ANG SABI NI SADDAM? ESTE NG IYONG AMO?
TRANSLATOR
NI SAUDI: IYONG SINASABI MONG TERORISTA, PINAPAPASOK KA.
(MAGBIBIGAY
NG PAGKAIN SI SAUDI. MAY HAWAK NAMANG TASA SI JUAN.)
SAUDI:
AKALTA.
TRANSLATOR
NI SAUDI: ALAM MO BA NA MAGING ANG KAPENG IYAN AY PAMANA NILA SA ATIN. BY THE WAY, KUMUHA KA DAW.
(KUKUHA NG
PAGKAIN SI JUAN GAMIT ANG KANYANG KALIWANG KAMAY. KUKUNOT ANG NOO NI SAUDI.
BUBULONG SI JUAN KAY TRANSLATOR).
JUAN: OH?
BAKIT NAKAKUNOT ANG NOO NG AMO MO?
TRANSLATOR
NI SAUDI: EH KASI. KUMUHA KA NG PAGKAIN GAMIT ANG KALIWA MONG KAMAY. PARA KASI
SA KANILA AY HINDI GINAGAMIT ANG KALIWANG KAMAY SA PAGKAIN DAHIL SA ITO AY
MARUMI.
JUAN:
NAKU, DI KO SINASADYA. DI KO KASI ALAM EH. PUWEDE MO BA AKONG IHINGI NG TAWAD
SA KANYA.
(BUBULONG
SA AMO ANG TRANSLATOR.)
SAUDI: OH…
(HAHARAP
SI SAUDI KAY JUAN. )
SAUDI: KAHEER?
TRANSLATOR
NI SAUDI: ANO RAW ANG KAILANGAN MO AT NAPARITO KA?
JUAN: BRO,
NAPARITO AKO PARA HUMINGI NG TULONG. NAKIDNAP PO ANG AKING ASAWA AT MGA ANAK. OO,
IKAW. ISA KA SA MGA HINAHANAP KONG KAPATID.
(BUBULONG
MULI ANG TRANSLATOR AT BUBULONG NAMAN SI SAUDI KAY TRANSLATOR.)
TRANSLATOR
NI SAUDI: HINDI KA RAW NIYA MATUTULUNGAN. MAGKAIBA DAW KAYO EH. SA PAGKAIN, SA
KULTURA.
JUAN:
SUBALIT… KAPATID KITA. KAILANGAN KITA. PERO SIGE, GANITO NA LANG. KUNG
MAGBABAGO PA ANG ISIP MO. MAGKITA TAYO SA SULYAW.
(BUBULONG
SI TRANSLATOR KAY SAUDI.)
JUAN: O,
MGA KAPATID KO. GANITO BA TALAGA TAYO MAGMAHALAN AT MAGKAISA BILANG
MAGKAKAPATID? “KUNG TUNAY TAYONG
NAGMAMAHALAN, BA’T DI TAYO MAGKASUNDUAN.”
LOLA
ASYANG: KAYA NAMAN UMALIS SI JUAN AT BINASA ANG MAPA PARA SA SUSUNOD NA
PUPUNTAHAN.
(LALAKAD
SI JUAN, TITINGIN MULI SA MAPA).
JUAN:
26.76° N
AT 78.87° E. ALAM KO ITO EH, AH. INDIA. PERO BAGO ANG LAHAT, TAMANG-TAMA, MAY MGA PUTING
BULAKLAK DITO. IBIBIGAY KO SA MGA KAPATID KO AT BAKA MAKATULONG UPANG MAHIKAYAT
KO SILA.
JUAN: TAO
PO.
(BUBUKAS
ANG PINTO AT LALABAS SI INDIA).
JUAN.
AHHH… BUMBAY.
(DARATING
ANG TRANSLATOR.)
TRANSLATOR
NI INDIA: SINO KA? BAKIT KA NARITO? AT ANO IYONG SIGAW NA IYON?
JUAN:
HUWAG MO NAMANG SABIHING TRANSLATOR KA NG BUMBAY NA ITO.
TRANSLATOR
NI INDIA: OO NGA.
JUAN: ALAM
MO BA ANG GULONG PINASOK MO. SIGURO, NOONG BATA KA, NAPAHIWALAY KA SA NANAY MO
AT KINUHA KA NG BUMBAY NA ITO UPANG TULUNGAN SIYANG MAG5-6. IYONG MAGBEBENTA NG
KUNG ANO-ANONG MGA BAGAY TAPOS ANG BAYAD AY HULUGAN. BAHALA KA KUNG GAYA NG ISA
KO PANG KAKILALA AY AYAW MO RING MANIWALA. SA BAGAY, MAY KARMA NAMAN PARA SA
MGA MAKAPAL ANG MUKHANG GUMAGAWA NG MASAMA. MAGDUDUSA DIN SILA. BASTA AKO,
MAHAL KO ANG BAYAN NAMIN. KASI… “AKO’Y ISANG PINOY SA PUSO’T DIWA, PINOY NA
ISINILANG SA ATING BANSA. AKO’Y HINDI SANAY SA WIKANG MGA BANYAGA. AKO’Y PINOY
NA MAYROONG SARILING WIKA.”
TRANSLATOR
NI INDIA: NAKAKATAWA KA NAMAN. MAY SARILING WIKA? EH ANG TOTOO MAY SALITA NGA
TAYONG GALING SA KANILA. BAHALA.
INDIA:
BAHALA.
TRANSLATOR
NI INDIA: MUKHA
INDIA:
MHUK.
TRANSLATOR
NI INDIA: DUSA
INDIA:
DUSA
TRANSLATOR
NI INDIA: MAGING ANG PANGALAN NG ATING PAMBANSANG PRUTAS AY MANGGA MULA SA
KANILA
INDIA:
MANGAY.
TRANSLATOR
NI INDIA: AT TEKA, BAKIT KAYA KAPAG SINABING KARMA, MASAMA AGAD? KASING SAMA NG TINGIN NIYO SA KANILA.
JUAN:
SORRY. NAGKAMALI NA NAMAN AKO. PERO ANG TALAGANG KAILANGAN KO AY…
(BAGO PA
MAKAPAGSALITA SI JUAN AY PAPAPASUKIN SIYA NI INDIA.)
JUAN: AY
SIR, MAY IBIBIGAY NGA PO PALA AKO SA IYO. ETO OH, MGA PUTING BULAKLAK.
(MATATAKOT
SI INDIA.)
JUAN: O
BAKIT? ALLERGIC BA SIYA SA BULAKLAK?
TRANSLATOR
NI INDIA: HINDI PERO IYONG KULTURA NILA OO. PARA SA KANILA, ANG PUTING BULAKLAK
AY PARA LAMANG SA MGA PATAY.
JUAN: NAKU
PO.
TRANSLATOR
NI INDIA: PERO ITO, KUMAIN KA DAW.
JUAN:
SALAMAT.
(GAGAMITIN
NA NAMAN NI JUAN ANG KALIWANG KAMAY. KUKUNOT ANG NOO NI INDIA.)
JUAN: OH.
HUWAG MONG SABIHING PARA SA KANILA AY…
TRANSLATOR
NI INDIA: NANANADYA KA BA? HINDI NILA GINAGAMIT ANG KALIWANG KAMAY SA PAGKAIN.
AT ANO BA KASI ANG KAILANGAN MO?
JUAN: OO
NGA PALA. KAILANGAN KO ANG TULONG MO… BILANG ISANG KAPATID. NAKIDNAP ANG ASAWA
AT MGA ANAK KO. KAILANGAN KO ANG TULONG MO.
(BUBULONG
ANG TRANSLATOR KAY INDIA AT BUBULONG NAMAN SI INDIA KAY TRANSLATOR.)
TRANSLATOR
NI INDIA: ITO ANG SABI NIYA, “SUBALIT MAGKAIBA TAYO. WALA KA NGANG HALOS
NALALAMAN TUNGKOL SA AMING PAGKAIN, SA AMING KULTURA. HINDI KITA MATUTULUNGAN
KUNG HINDI TAYO MAGKAINTINDIHAN.”
JUAN: SUBALIT…
O SIGE, KUNG MAGBAGO ANG IYONG ISIP, KAPATID. MAGKITA TAYO SA SULYAW.
(BUBULONG
SI TRANSLATOR KAY INDIA.)
LOLA
ASYANG: KAYA BIGO NA NAMANG UMALIS SI JUAN AT MULING TUMINGIN SA MAPA NIYA.
JUAN: AH
ETO,
35.41° N, 135.83° E , ITO AY ANG BANSANG… JAPAN! OO, JAPAN!
JUAN: TAO
PO.
(BUBUKAS
ANG PINTO AT DARATING ANG TRANSLATOR AT SI JAPAN. NAKATAGO NAMAN SA LIKOD NI
JUAN ANG MGA NATITIRANG PUTING BULAKLAK.)
JUAN: BRO,
APIR.
(SUBALIT
MAGBABOW SI JAPAN KAYA TATAMA ANG PALAD NI JUAN KAY JAPAN).
JAPAN: YOKOSO.
TRANSLATOR
NI JAPAN: PUMASOK KA DAW. AT IKAW, BAKIT MO GINAWA IYON?
JUAN:
SORRY. DI KO NAMAN ALAM NA GANOON PALA DAPAT. PARA NGA PALA MAKABAWI AKO SA
KANINA, ITO MGA PUTING BULAKLAK PARA SA IYO, KAPATID.
(MATATAKOT
SI JAPAN.)
TRANSLATOR
NI JAPAN: ANO KA BA NAMAN? PANG PATAY IYAN EH. BAKA AKALA NIYA GALIT KA SA
KANYA. DI BA NGA MAGKAAWAY KAYO SA NAKARAAN. IYONG WORLD WAR 2.
JUAN:
GANOON BA. AKALA KO PA NAMAN ANG KAPATID KONG SI INDIA LANG ANG MAY GANYANG
PANINIWALA.
TRANSLATOR
NI JAPAN: ISA PANG PAGKAKAMALI AT UMALIS KA NA. O ETO, KUMAIN KA.
(IAABOT
ANG PAGKAIN AT ANG CHOPSTICK.)
JUAN: AH
ETO, HINDI NA AKO MAGKAKAMALI DITO. PARANG PAGKAIN LANG ITO NG FISHBALL EH.
(TUTUHUGIN
ANG PAGKAIN AT KUKUNOT ANG NOO NI JAPAN.)
JUAN: OH?
BAKIT CRUMPLED ANG NOO NIYA? MAY NAGAWA NA NAMAN BA AKO?
TRANSLATOR
NI JAPAN: DI BA OBVIOUS? HINDI KASI IYAN TINUTUHOG. AT IKAW, UMALIS KA NA… WALA
KA NANG NAGAWANG TAMA.
JUAN: PERO
TEKA, HAYAAN MONG SABIHIN KO ANG KAILANGAN KO. ALAM KONG MARAMI NA AKONG
NAGAWANG MALI PERO SANA MAKINIG KA. NAKIDNAP ANG ASAWA AT MGA ANAK KO.
KAILANGAN KO ANG TULONG MO KAYA KUNG MAPATAWAD MO AKO AY MAGKITA TAYO SA
SULYAW.
(IBUBULONG
NI TRANSLATOR ANG MGA SINABI NI JUAN)
TRANSLATOR
NI JAPAN: O NASABI KO NA. LAYAS.
JUAN: WALA
PA AKONG NAHIHIKAYAT SA KANILA. PERO
MABUTI PA, ALALAHANIN KO NA LANG KUNG ANO BANG BANSA ANG NASA 36.46° N AT
127.62° E. AHMM… SOUTH KOREA… OO, ETO NGA…
LOLA
ASYANG: SUBALIT GAYA NG INASAHAN, NAGKAMALI NA NAMAN SI JUAN.
TRANSLATOR
NI SOUTH KOREA: BAKIT MO KINAMAY ANG PAGKAIN? KAYA NGA CHOPSTICKS DI BA?
(NAKAKUNOT
ANG NOO NI SOUTH KOREA.)
JUAN: EH
AKALA KO KUNG MALI ANG TUHUGIN, SIGURO TAMANG KAMAYIN. KUNG GANOON, PAKISABI NA
LANG SA KANYA NA MAGKITA KAMI SA SULYAW KUNG MAGBABAGO ANG ISIP NIYA. KAILANGAN KO KAMO SIYA UPANG SAGIPIN ANG
ASAWA AT MGA ANAK KO NA NAKIDNAP.
JUAN: ISA
NA LANG ANG PAG-ASA KO. AT SIYA AY MATATAGPUAN KO SA 32.90° N AT 110.46° E.
TEKA, KUNG DI AKO NAGKAKAMALI, CHINA ITO. PERO NGAYON, SA PAGKAKATAONG ITO, DODOBLEHIN
KO NA ANG REGALO KO SA ISANG ITO.
JUAN: TAO PO. TAO PO.
(ANG MAGBUBUKAS NG PINTO AY SI LOTUS
FEET, TRANSLATOR NI CHINA. TUTUGTOG ANG
“MAY INUWI SI NANAY SA BAHAY”.)
LOTUS FEET: ANO ANG KAILANGAN MO?
JUAN: MARAHIL IKAW ANG TRANSLATOR
NITONG SI CHINA, MAAARI KO BANG MAKAUSAP SI CHINA.
LOTUS FEET: TATAWAGIN KO LANG.
(LALABAS SI CHINA AT BUBULONG KAY
LOTUS FEET.)
LOTUS FEET: ANO RAW ANG KAILANGAN MO?
JUAN: DI NA AKO MAGPAPALIGOY-LIGOY PA.
ANG ASAWA AT MGA ANAK KO AY NAKIDNAP. KAILANGAN KO NG TULONG MO.
(BUBULONG SI LOTUS FEET UPANG
MAGTRANSLATE AT BUBULONG SI CHINA KAY LOTUS FEET.)
LOTUS FEET: SABI NIYA, MAAARING
MAGKAPATID DAW KAYO SUBALIT HINDI KAYO MAGKATULAD.
JUAN: PERO KUNG HINDI TAYO MAGKASUNDO
AY BAKIT NAMIN TINANGGAP ANG INYONG MGA PAMANA SA AMIN. ANG PAPEL, ANG
CHOPSTICK, ANG ANIMAL ZODIAC AT FENG SHUI, ANG SARANGGOLA, ANG PAYONG, ANG
PAPEL NA SALAPI, ANG NOODLES, ANG PANCIT, ANG ACUPUNCTURE, ANG MGA SALITANG
APO, ATE, DAW, RAW, KUYA, ANG LUMPIA,
SIOPAO, SIOMAI, ANG KONSEPTO NG SUKI, ANG KONSEPTO NG PAGTITINGI, ANG LECHON,
ANG BUDDHA BILANG PAMPASUWERTE, ANG KUNG FU, ANG SARI-SARI STORE AT MAGING ANG…
(MAGTATRANSLATE MULI SI LOTUS FEET AT
BUBULONG SI CHINA KAY LOTUS FEET.)
LOTUS FEET: SABI NIYA, KUNG MAGING SA
MGA MATAGAL NANG ISYU NA MADE IN CHINA AT MELAMINE PRODUCTS AY DI KAYO
MAGKASUNDO, PAANO PA RAW ANG AGAWAN SA SCARBOROUGH AT SPRATLY? KAHIT KAILAN DAW
AY HINDI KAYO MAGKAKAISA, MAGKAKASUNDO AT MAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN.
JUAN: “KULAY MAN NATI'Y MAGKAIBA, MUNDO
NATIN AY IISA. MAGHAWAK-HAWAK NG KAMAY,ISIGAW NANG SABAY-SABAY,KAPAYAPAAN, KAPAYAPAAN. MUNDO
NATING HATI-HATI, PAG-ISAHIN NATING MULI.”
JUAN: KAYA ITO, BILANG SIMBOLO NG
ATING PAGKAKASUNDO. MAY MGA IBIBIGAY AKO SA IYO.
(IAABOT NI JUAN ANG GUNTING AT ORASAN
SUBALIT KUKUNOT ANG NOO NI CHINA.)
JUAN: BAKIT?
LOTUS FEET: EH KASI, ANG PAGBIBIGAY NG
GUNTING AY NANGANGAHULUGAN NG PAGTATAPOS NG PAGKAKAIBIGAN AT ANG ORASAN NAMAN
AY TILA NAGSASABING BILANG NA ANG ORAS MO. PERO SA TINGIN KO AY BILANG NA RIN
ANG ORAS MO KAYA NAMAN UMALIS KA NA.
JUAN: PERO PAHABOL KO NA LANG,
PAKISABI NAMAN SA KAPATID KO NA KUNG MAGBAGO ANG ISIP NIYA AY MAGKITA KAMI SA
SULYAW.
(BUBULONG SI LOTUS FEET KAY CHINA.)
LOLA ASYANG: MALUNGKOT NA UMALIS SI
JUAN KAYA NAMAN NAGPUNTA NA LANG SIYA SA SULYAW.
JUAN: PAANO NA ITO? MAMAMATAY NA LANG
BA ANG ASAWA AT MGA ANAK KO?
LOLA ASYANG: SUBALIT MAY HIMALANG
NANGYARI.
(PAPASOK ANG MGA KAPATID NI JUAN
KASAMA ANG MGA TRANSLATOR NILA NA TILA MAY HINAHANAP AT HINDI MAGKAKAKILALA.)
JUAN: TEKA, HINDI BA IYON ANG MGA
KAPATID KO? NAGBAGO ANG ISIP NILA.
(LALAPIT SI JUAN SA MGA ITO NA KANINA
PA PALA NAGSASALITA NG KANILANG MGA WIKA NAGTATANONG SA ISA’T ISA KUNG NASAAN
SI JUAN.)
JUAN: MGA KAPATID.
(TITINGIN ANG MGA ITO KAY JUAN.)
LOTU FEET: IKAW NA NAMAN? UMALIS KA NA
RITO AT BAKA KUNG ANO NAMAN ANG MAGAWA MONG MALI.
JUAN: MGA KAPATID, NARITO NA KAYONG
LAHAT. NGAYON AY…
(BUBULONG ANG MGA TRANSLATOR AT
MAGTATRANSLATE)
TRANSLATOR NI INDIA: MGA KAPATID?
TRANSLATOR NI ARABIA: LALO KAYONG
HINDI MAGKAKAINTINDIHAN. ITIGIL MO NA ANG MEETING NA ITO. KUNG DALAWA NGA LANG
AY HINDI MAGKASUNDO, MAS MARAMI PA KAYA?
JUAN: PUWEDE BANG IWANAN NIYO MUNA
KAMI? PUWEDE?
(AALIS ANG MGA TRANSLATOR SUBALIT
LALAKAD DIN ANG MGA KAPATID. SUBALIT MATITIGILAN SILA SA PAGLAKAD SA ORAS NA
MAGSALITA NA SI JUAN.)
JUAN: ALAM KONG NGAYON AY HINDI NIYO
AKO NAUUNAWAAN PERO ALAM KONG NARIRINIG NIYO AKO. AT SANA MAGISING KAYO SA KUNG
ANUMANG LASONG IPINAINOM SA INYO NI PAGKAKAIBA.
“IISA LANG ANG ATING LAHI, IISA LANG ANG ATING LIPI. BAKIT DI PAGMAMAHAL
ANG IALAY NIYO? PAG-UNAWANG TUNAY ANG SIYANG NAIS KO. ANG PAGDAMAY SA KAPWA’Y NARIYAN
SA PALAD NIYO.”
LOLA ASYANG: WALANG ANU-ANO AY TILA
ISANG HIMALA ANG NANGYARI. ANG TINIG NI JUAN AY TUMAGOS SA KANILA. NAGYAKAP
SILA AT SUMIGAW SA PAMUMUNO NI JUAN.
JUAN: HUMANDA NA TAYO.
LOLA ASYANG: LUMAKAD NA NGA ANG
MAGKAKAPATID AT SINUGOD SI PAGKAKAIBA.
PAGKAKAIBA: ABA, AT NAGAWA MO PALANG
IPAWALANG-BISA ANG LASONG IBINIGAY KO. PERO TINGNAN NATIN KUNG SAPAT NA ANG
LAKAS NIYO.
(MAGSISIMULA NANG LUMABAN ANG MGA
ITO.)
JAPAN: KAGEBUNCHIN TECHNIQUE.
(MAY 2 SHADOW CLONE NA LALABAS AT
SUSUGOD SA ISANG ALAGAD NI PAGKAKAIBA.)
SOUTH KOREA: OPPA GANGNAM STYLE
(TUTUGTOG ANG GANGNAM STYLE AT KASAMA
ANG 2 BACK-UP DANCER AY PASAYAW NA SUSUGOD SI SOUTH KOREA SA ISANG ALAGAD NI PAGKAKAIBA.)
CHINA: CROUCHING TIGER, HIDDEN DRAGON.
(MAGKUKUNGFU SI CHINA.)
JUAN: PERO PANAHON NA PARA MATAPOS
ITO.
(AATAKIHIN NI JUAN ANG LIKOD NI
PAGKAKAIBA.)
PAGKAKAIBA: O HINDI.
(AARTE SI PAGKAKAIBA NA MASAKIT ANG
LIKOD NIYA AT TILA MAY NAIS LUMABAS SA LIKOD NIYA. TATAKPAN NAMAN NG
MAGKAKAPATID SI PAGKAKAIBA GAMIT ANG ISANG ITIM NA TELA. NGAYON, AALIS NA SI
PAGKAKAIBA SA LIKOD NG TELA AT PAPALITAN NI PAGKAKAISA. IBABABA ANG TELA.)
JUAN: SINO KA?
PAGKAKAISA: AKO SI PAGKAKAISA, ANG
MATAGAL NANG NASA LIKOD NI PAGKAKAIBA AT HINIHINTAY LAMANG ANG MGA BAYANING
MAGLALABAS SA AKIN.
(PABILOG NA NAGYAKAP ANG MAGKAKAPATID
AT NASA GITNA NG BILOG NA ITO SI PAGKAKAISA.)
LOLA ASYANG: NAKALAYA ANG ASAWA AT MGA
ANAK NI JUAN AT BUMALIK NA ANG MGA KAPATID NIYA SA KANILANG MGA KAHARIAN KUNG
SAAN GAYA NG BAYAN NI JUAN AY NAGING MAYAMAN DIN SILA. ITO AY DAHIL SA TINALO
NILA ANG PAGKAKAIBA SA PAGITAN NILA NA MAAARI DIN NATING SABIHIN NIYAKAP DIN
NILA DAHIL SA NAG-IWAN SILA NG MGA PAMANANG KULTURAL SA BAWAT ISA. SUBALIT ANG MAHALAGA
AY NAGKAISA SILA AT NAPATUNAYANG LAHAT AY MAGKAKAUGNAY. AND THEY LIVE HAPPILY
EVER AFTER. THE END.
APO # 2: PERO LOLA, SABI KANINA. HANGO
SA TUNAY NA BUHAY ANG KUWENTO. KANINONG BUHAY?
LOLA ASYANG: SABIHIN NA LANG NATING
HANGO SA BUHAY NG ISANG MAGANDA AT MAYAMANG BABAE NA NGAYON AY MAS KILALA
BILANG ASYA. AT KAYO MGA APO ANG MAGPAPATULOY NG NASIMULAN NG KANYANG MGA
NINUNO NA PANGALAGAAN, PAYAMANIN AT IPAGMALAKI ANG DUGONG DUMADALOY SA INYO
UPANG ANG BUHAY NG BABAENG ITO AY HUMABA.
(AALIS NA ANG MGA APO.)
LOLA ASYANG: AT ANG BABAENG IYON AY
WALANGI BA KUNDI… AKO!
(TUTUGTOG ANG YESTERDAY’S DREAM CHORUS
AT MAGPAPASALAMAT ANG MGA MAGKAKAPATID GAMIT ANG MGA SARILI NILANG WIKA.)
ARABIA: SHUKRAN GAZILAN!
INDIA: DHANYAWAAD!
JAPAN: ARIGATOU GOZAIMASU!
KOREA: KAMSAHAMNIDA!
CHINA: XIE XIE!
JUAN: MARAMING SALAMAT PO.
(HAWAK KAMAY AND BOW.)
REMINDERS:
1. DO NOT BE ABSENT. MALALAMAN KO KUNG
WALA KA O KUNG WALA KANG GINAWA.
2. DO NOT COMPLAIN OR BE CHOOSY. IF
YOU HAVE A COMPLAIN, THEN MAGPALIT TAYO NG ROLE THEN LET US SEE KUNG SINO ANG
MAS MAHIRAP ANG ROLE. SO PLEASE PARTICIPATE, COOPERATE, APPRECIATE.
3. DO NOT MAKE ME AN ANGRY BIRD. YOU
WILL NEVER LIKE ME WHEN I AM ANGRY.
4. BRING COSTUMES, THE COSTUMES THAT
YOUR ROLE NEED. NO COSTUME, NO ROLE.
5. IF YOU CAN HELP ME, HELP ME. IF YOU
CANNOT, THEN DO NOT BE A BURDEN.
6. COME EARLY FOR A GENERAL
FORUM/REHEARSAL/BLOCKING. DO NOT BE LATE.
7. BE IN CHARACTER FROM WORDS, VOICE,
ACTION, AND COSTUME.
8. DO YOUR BEST. IF OUR PERFORMANCE
WILL NOT ATTAIN SUCCESS, I AS THE DIRECTOR WILL HAVE THE PRIVILEGE TO ASK OUR
PROF TO GRADE YOU INDIVIDUALLY AND THOSE WHO WILL NOT DO WELL WILL BE GIVEN A
LOW GRADE BUT IF OUR ENTIRE PERFORMANCE WILL BECOME A SUCCESS, THEN WE ARE ALL
SAFE.
9. FOR QUESTIONS, HERE’S MY NUMBER-
09996540690.
10. PRAY FOR TWO THINGS. THANK GOD AND
ASK FOR BLESSINGS.
THANK YOU!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento