Akala niyo tapos na?
Teka, may parating… Mabilis
ang tibok ng iyong puso. Pabilis ng pabilis… Palapit na siya…
Ito na
dumating na!
Ang
titser niyo ay dumating na!
Titser,
ang tawag ng iba ay guro, prof kung college.
Sila
ang nagtuturo sa bawat mag-aaral ng academics, ng bawat subject
na hawak nila. Sila ang sinasabing ikalawang magulang natin sa paaralang
tinatawag naman nating ikalawang tahanan.
Ngayong
alam mo na, ngayong naalala mo na, babati na kayo ng “good morning” o “good
afternoon” sa inyong titser. Sabay-sabay. Dapat may sigla.
Magpapakilala na ito. Dito na papasok ang kanyang mga expectation sa isang mag-aaral. Dito na papasok ang kanyang rules. Dito na papasok ang kanyang mga announcement.
At
matapos mong makilala ang iyong mga kaklase, ngayon ay panahon na upang
kilalanin ang inyong mga titser. Mahuli niyo kaya ang kiliti nila?
Simulan
na!
THE PARENT
DISTRIBUTION:
MALE: 5%
FEMALE: 95%
Sila ay
ang mga titser na talagang anak ang turing sa kanilang mga mag-aaral. Lahat ay
pantay-pantay. Lahat ay magkakapatid. Walang favorite.
Sila ay
ang karaniwang nagiging adviser ng isang section dahil sa
pagiging organized at disciplinarian nila. Sa pamumuno niya
gumagalaw ang mga classroom officers. Magaling silang humawak ng pera.
Ito ay talagang may budget sila sa nalikom na pera na maaaaring magamit
sa mga kailangan sa classroom at sa mga pagkain sa Christmas party.
Sila
iyong tipo ng titser na talagang kung may problema ka sa iyong grades ay
kakausapin ka tungkol dito. Maaari namang ang parents mo na lang ang
ipatawag. Honest, fair at malinis sila sa pagbibigay ng grade.
Well-explained kung paano mo ginawa ang grade mo. Hindi siya
ang gumawa ng grade mo, siya lang ang nagrecord.
Bilang
isang ama o ina ng mga mag-aaral, para sa kanila ay walang alitan o problemang
di malulutas sa isang maayos na usapan. Di sila ang lumulutas ng problem pero
sila iyong nagbibigay ng advice kung paano harapin ang problema, kung
ano ang mali mong ginawa, kung ano ang maaari at dapat mong gawin. Basta, sila
ay iyong laging concern sa mga mag-aaral. Caring at understanding
din sila. Nagagawa nilang hawakan ang personal life ng isang
mag-aaral.
Galit
sila sa mga lumalabag sa school rules and regulations. Kailangang
magpagupit ng buhok or else, siya na ang gagawa nito para sa iyo.
Kailangan laging nakasuot ng school uniform. Kailangan hindi ka late.
Di sila marunong magalit, marunong lang silang magtampo. Di sila pakelamero, may pakialam lang sila. Kapag ba naman di ka pa napamahal sa kanya ay ewan ko na lang. At para sa isang mag-aaral, sila iyong mga titser na masarap balikan kahit wala ka na sa school.
Di sila marunong magalit, marunong lang silang magtampo. Di sila pakelamero, may pakialam lang sila. Kapag ba naman di ka pa napamahal sa kanya ay ewan ko na lang. At para sa isang mag-aaral, sila iyong mga titser na masarap balikan kahit wala ka na sa school.
At kung
meron kang titser na nais balikan, meron din namang mga titser na nais mong
iwasan, taguan at kalimutan. Minsan pa nga ay nais mo pang isumpa. Number 1
dito ang mga…
MS. TAPIA A.K.A. THE STRICT
TERRORIST
DISTRIBUTION:
MALE: 10%
FEMALE: 90%
Sila
ang talagang di nawawala sa isang campus.
Martial
Law ang drama ng mga ganitong
titser- as in strict to the point. Iyong tipong siya ang master
niyo, kayo ang followers at mga alipin niya. Iyong tipong para siyang
kakain ng bata. Iyong tipong alam ng lahat na kaunti lamang ang nakakapasa
kanya at marami ang bumabagsak. Iyong tipong bulldog o dragon ang
nickname niya sa buong campus. Iyong tipong Sen. Miriam
Defensor-Santiago ang aura. Iyong tipong kontrabida ang dating. Iyong
tipong araw-araw ay menopause.
Laging
galit, laging may kaaway, laging sumisigaw. Kapag dumating, ang sound
effects ay isang thunder clap at isang evil laugh.
Mahalaga
ang attendance sa kanya, may mamiss ka lang na lesson, tiyak
patay ka na. Mahigpit ito sa deadline, walang extension. Kapag di
ka umabot, tiyak dead ka. Nakapagpasa ka, kung mukha namang basura ang
gawa mo, repeat or reject iyan. O maaaring makita mo na lang ang iyong project
sa basurahan. Kung papel na mukhang saan hinugot ang ipinasa mo, tiyak
gagamitin niya itong tissue paper. In short, quality ang mahalaga
sa kanya.
Di
gaanong mahalaga ang attendance sa kanya. Magtuturo pa rin ito kahit
lima na lang kayo. Magtuturo pa rin ito umulan bumagyo, magunaw man ang mundo.
Pero ang totoo, siya ang tunay na unos sa buhay ng isang mag-aaral.
Mahalaga ang attention sa kanya, walang dapat lumingon sa likod, walang dapat tumingin sa kaliwa o sa kanan, walang maaaring lumipat ng upuan, dapat makinig. Lend me your ears. At galit ito sa bingi dahil kung bingi ka, tiyak makakarinig ka sa sigaw nito kaya dapat may cotton buds kang dala. Ang mga ganitong scenario ay hindi magandang tanawin para sa kanya.
Kapag napangiti ka, feeling niya
siya ang pinagtatawanan niyo. Wala itong oras para makipagbiruan at
makipagtawanan. Talagang lecture lang.
Good line from a terror teacher: Don’t
memorize, familiarize.
Sa
gitna ng klase, mabagal ang pagtakbo ng oras dahil sa sobrang takot mo na
matawag ka, mahuli kang maingay, mahuling nangongopya o nangongodigo o kaya ay
mahuli kang walang homework, walang alam, wala pang sagot. Kapag
sumagot ka, dapat eye-to-eye ang contact at dapat buo ang boses,
buo ang loob. Mahilig din itong mamahiya. Talagang sasabihin niya kung mali ka,
sasabihin niya ang masakit na katotohanan. Para kang nakagawa ng isang malaking
kasalanan. Para kang nasa impeachment.
Mabilis
na nga itong magturo, mahirap pang unawain ang lesson na itinuturo niya.
Lahat ay nosebleed sa mga words niya, para siyang walking
dictionary. Mahilig pa itong lumibot sa classroom kaya walang
ligtas ang mga kodigo o ang mga cellphone na tiyak ay confiscated.
O kung nakaupo man ay kita niya ang lahat. The worst thing is mahilig
itong mag-extend ng oras kaya naman ang dasal ng karamihan, sana absent siya
o sana walang pasok pero malabo iyon.
Ang
kaya lang makaligtas sa ganitong doomsday ay ang mga matatalino, as
in active. Sila lang kasi ang nakakasabay dito at kaya pa nilang
makipaglaban dito. Debate kung debate. Kapag napahiya o natalo, walk
out ito. Akala ng marami ay galit pero hindi pala. Nakatagpo ito ng
katapat- isang magaling. Masaya ito. Mataas na nga ang pride nito, lalo
pang tumaas. Tumaas din ang blood pressure nito. Talagang competitive
at perfectionist. Workaholic ito. Magaling itong coach/mentor.
Ang gusto niya lang ay champion- walang silbi ang second place. Ito
daw ang unang talo.
Maging
ang mga guwapo, mayayaman at ang sipsip ay di makayanan ang bagyong ito.
Talagang tahimik. Bawal ang anumang ingay kahit paglunok ng sariling laway.
Nakakatakot ding pumunta ng cr. Baka kasi sabihin niyang , “Where are
you going? Stay where you are. Sit down!” Dito nagsisimula ang mga titser’s
enemy no. 1.
Galit
ito sa mga Ba Be Bi Bo Bu. Galit ito sa careless. Iyong tipong nautusan
kang gumamit ng isang machine na di mo alam kung paano gamitin ay
sasabihan kang, “Kumakain iyan ng tanga.” Kaya hindi lang dapat extra
cautious ang powers mo dito, dapat over cautious ka.
Magkamali
ka lang, tiyak ang kapalaran mo- isang punishment na maaaring ikaw ay
mabato ng chalk, malintikan ng walis o ruler, mamatay sa squat,
matuwa dahil “get out” ang drama niya, matakot dahil ang line niya
ay, “Mag-uusap tayo mamaya.” Ang matindi ay kung sabihin niyang ipatawag mo na
ang parents mo. Mas matindi kung sasabihin niyang di ka makakagraduate.
At pinakamatindi kung sasabihin niyang magkikita muli kayo sa susunod na taon.
Isa talaga itong disciplinarian. Professor talaga.
Kapag
ba naman di ka tumino at sumipag ay talagang loko ka. Pero alam niyo ba, ang
mga ganitong uri ng titser ang ok. Mga board passer at top
notcher ang bunga nila dahil sa ganito rin sila o kung hindi man ay
pinangarap nila kaya naman todo ang expectations sa inyo. Talagang di mo
makakalimutan at talagang may natutunan ka. Talagang ayaw nilang masayang ang
oras mo sa paaralan. Talagang ayaw nilang masayang ang baon na bigay ng nanay
at tatay mo. Talagang gusto ka nilang maging matagumpay at may maipagmamalaki.
Gusto ka nilang maging handa. Gusto ka nilang matutong lumaban. Gusto ka nilang
maging masipag at matatag. Gusto ka nilang maging tao.
At ang
titser na gusto ng karaniwang mag-aaral ay iyong…
STORY-TELLER
DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
Ito ay
ang titser na kaibigan at kabarkada ng mga mag-aaral. Iyong birthday mo
at ang tanong sa iyo ay kung ano ang handa at kung invited ba siya.
Kapag may picture taking ang mga mag-aaral, kasali siya. Sobra itong considerate
na minsan pa nga ay ito pa ang source ng mga pag-iingay, ng mga
tawanan at ng mga kalokohan.
Iyan
ang visual aids, magsulat kayo habang nakikinig at nakikipag-usap sa
kanya. Bahala na kayong umunawa sa isinusulat niyo basta siya ang entertainer
niyo.
O kaya naman ay kahit nasa gitna kayo ng discussion magsisingit ito ng biro na minsan ay green o kaya naman ay corny, magsisingit ito ng chika tungkol sa isa niyong kaklase, titser o puwede rin sa isang celebrity, magsisingit ito ng kuwento na madalas ay di na related sa lesson at tungkol sa buhay niya.
O kaya naman ay kahit nasa gitna kayo ng discussion magsisingit ito ng biro na minsan ay green o kaya naman ay corny, magsisingit ito ng chika tungkol sa isa niyong kaklase, titser o puwede rin sa isang celebrity, magsisingit ito ng kuwento na madalas ay di na related sa lesson at tungkol sa buhay niya.
Kapag
alam niyang matatapos na ang klase, bigla siyang babalik sa lesson kahit
kulang na ang oras para dito. Kapag naubos na ang oras, sasabihin na lang niya
na, “Time na pala?” Nabitin kayo dahil sa tuwang-tuwa kayo. Mabagal ang
oras kapag nasa gitna kayo ng kasiyahan pero mukhang mabilis kapag natapos na.
Cool ang dating nito sa lahat dahil sa updated ito sa mga uso, sa
mga trending, sa mga bago. Minsan ay mahuhuli niyo na lang itong
naglalaro ng computer games sa faculty- Farmville daw kung poultry
at livestock ang tinuturo niya, Plants vs Zombies kung gardening
naman at marami pang games na sabi ay connected naman sa
tinuturo niya. Talagang isip-bata ito. Talagang nakakarelate ang lahat sa
sinasabi niya.
Magaling
din itong adviser, may strategy din ito sa pagtuturo gaya ng mga games
like Boys VS Girls, group competition, quiz bee, etc.
Pero
nanaisin niyo pa bang makinig sa isang titser kung siya ay isang…
MEGAPHONE:
MALE: 20%
FEMALE: 80%
Ito ay
iyong mga titser na may built-in speaker sa lalamunan. Parang may
sasabog na bulkan kapag nagsasalita ito. Talagang nakakabingi at ang tingin sa
inyo ay mga bingi. Malaki ang iyong pagsisisi kung bakit isinilang kang may mga
tenga. Marami itong announcement ang iyon ang masakit. At by the way, huwag niyo nang hilingin na
siya ang maging emcee sa inyong school program. Kahit walang mic, tiyak siya na ang bahala sa sound system.
At
siyempre, meron din namang…
GHOST WHISPERER
DISTRIBUTION:
MALE: 20%
FEMALE: 80%
Ito ay
ang perfect opposite ng megaphone. Iyong gusto mong tumayo at
sabihing, “Louder please.” Karaniwan kasi ay matatanda na ang mga ghost
whisperer. Parang multo ang kausap. Psychic?
Pero
ang tunay na nakakatakot ay ang…
SICK SNOOZER-SLEEPER
DISTRIBUTION:
FEMALE: 50%
Ito ay
iyong mga titser na ewan ko ba kung bakit pumasok pa sa klase samantalang may
sakit. May nais yatang patunayan. Na masipag siya? Di ko alam. Nais yatang
magkalat ng sakit. O baka naman clinic dapat ang pupuntahan pero nahilo
at naligaw sa classroom niyo.
Sa
unang tingin ay mapapansin ang kanilang mga eyebag at ang mga naninilaw
na mata. Tiyak ay puyat pero di alam kung bakit. Ang iba ay nagsasabi kung
bakit pero ang iba ay hindi. Malalaman mo na lang sa ibang titser na concern.
Para silang mga adik, para silang mga lasing. Payat sila at parang gutom at
di kumain ng isang taon. Mukha na halos silang bumangong patay dahil sa wala na
halos silang kulay. At parang isang hawak mo lang sa kanila ay matutumba na.
Parang sila pa ang dapat alagaan. Para pang may allergy. Allergic magturo?
Allergic sa bata?
Ito ay
iyong mahina ang boses dahil sa may sorethroat at sipon sila. Ang iba
naman ay di na makapagsalita dahil sa todo ang hikab, ubo at bahing. Ang
iba nga ay may suot pang face mask. Parang magsusuka ang itsura ng ibang
uri.
Siyempre
boring ang klase at walang nakikinig lalo pa’t nakita ng mga mag-aaral
na ito ay isang magandang pagkakataon upang maging pasaway. Walang laban ang
kawawang titser. Ito ay pumipiyok na at halos wala nang boses sa pagsaway at
pagtuturo. Karaniwang mabait ang mga ganitong titser sa mag-aaral pero bakit di
sila mabait sa kanilang mga katawan, sa kanilang sarili?
Pero
ang talagang nakakadiri ay iyong mga…
D.O.M
DISTRIBUTION:
MALE: 90%
FEMALE: 10%
Ito ay kinabibilangan ng mga
lalaking titser, minsan ay pogi, minsan ay feeling pogi lang, tapos ang
mga mata ay nakatingin sa legs o sa dibdib ng mga kababaihan, mag-aaral
man o titser. Kulang na nga lang ay maglaway ito sa sobrang ganda ng tanawin.
Karaniwan itong nagbibitaw ng mga green jokes. Ang ibang uri nila ay
iyong maginoo, habulin ng mga chicks at minsan ay nakasuot ng fitted na
damit para macho ang dating. Ang iba naman ay iyong karaniwang matanda lang na
sinasabing may appeal pa, di ko lang alam kung saan.
Madalas ay mga babae ang
nagiging favorite nila, nagiging secretary nila at higit sa lahat
ay nabibigyan ng pansin, consideration at matataas na grades kahit
hindi naman ganoon kagaling. Kaya naman minsan, ang mga sipsip ay talagang
tuwang-tuwa.
At kung akala ng lahat ay
mga lalaki lamang na titser ang may ganitong ugali, may mga babaeng titser din
naman na mga batang lalaki ang hilig lalo iyong mga escort ang dating.
Sila ay iyong mga nagdadamit na ewan ko ba kung bakit pa nagdamit samantalang
may nais naman talagang ipakita. Tapos ang malupit ay iyong nakatingin sila sa
baba. Dito naman tuwang-tuwa ang mga lalaking maniac.
At siyempre ay mga titser
naman na di lamang feeling kundi talagang may dating... Sila ay ang
mga...
CRUSH TEACHER
DISTRIBUTION:
MALE: 95%
FEMALE: 5%
Sila ay iyong mga karaniwang titser lamang, ang naiba nga lang ay may dating sila at di sila D.O.M. Sila ay iyong mga titser na cool ang dating, laging mukhang bata, maginoo at mayumi, may talent, may X factor at iyong mga akala ng lahat ay hanggang panaginip at hanggang pangarap lang, ideal nga kung sasabihin. Karaniwan nga lang ay mas matindi ang appeal ng mga lalaking titser kaya naman madalas na sila ang maging crush ng isang mag-aaral.
At kapag ganito ay may mga nabubuong something... Something na gaya ng nangyari sa...
PREGNANT TEACHER and BABYSITTER
DISTRIBUTION:
MALE: 25%
FEMALE: 75%
Ito ay iyong mga titser na
masisipag. Madalas ay papasok silang buntis at siyempre madalas magkasakit kaya
naman madalas ding absent. At kung madalas absent ay madalas
matuwa ang mga mag-aaral lalo na kung ito ay matagal nang nawawala- halos isang
buwan na! Matapos nito ay may mga titser naman na todo ang dala sa anak na
minsan ay ang anak pa ang pasaway kaysa sa mga mag-aaral. At siyempre, ang
ibang mag-aaral na mahilig sa bata ay matutuwa. Minsan pa di na makapagturo ng
maayos ang titser dahil sa anak. Magulo ito. Talagang magulo. Masakit sa ulo.
At masakit din sa ulo ang
magkaroon ng titser na...
GLOC-9/MASTER RAPPER
DISTRIBUTION:
MALE: 60%
FEMALE: 40%
Sila ay iyong mga titser na
parang hinahabol ng kabayo. Mabilis silang magturo. Bawal kumurap ang mata
o ang magpunta sa cr kundi namiss mo na ang buong lesson. Mabilis
silang magsalita na parang sanay sa tongue twister. At tiyak, maraming
nganga, tulala, tulo ang laway. Di nila nakuha. Mabagal ang processing ng
utak.
At kapag medyo mabagal naman
sila magturo, ang isang simpleng lesson/equation ay pinapahaba o
ginagawang complicated. Tapos wala pala sa choices o wala sa itinuro
ang sagot sa exam. Even worst is sabi niya kailangan niyang magcheck ng notebooks
niyo. Wala kang naisulat, kulang ang notes mo dahil sa speed of
light niyang pagtuturo. Basta, mabilis ang oras para sa kanila.
Kung ano naman ang bilis ng
oras sa mga ito ay mabagal naman ang oras ninyo sa...
ROBOT
DISTRIBUTION:
FEMALE: 75%
Ito ay iyong mga titser na talagang wala man lang motivation sa pagtuturo at ang drama sa klase ay monologue. Ito ay dahil karamihan sa kanila ay matatanda na, mga titser na traditional ang pamamaraan at naiwan na ng panahon. Basta, magrereport ang bata, magsusulat, magkakaroon ng lecture at lahat ay boring. Minsan nga ay nagkukuwento na lamang ito ng kanyang biography.
Mabagal ang pagtakbo ng oras
para sa mga mag-aaral. Karamihan ay di na nakikinig, nagtetext na lamang,
nag-iingay at nagdadaldalan, palihim na kumakain, nakatingin sa orasan, sa crush,
sa bintana, natutulog na.
Di ito mahilig manaway pero tahimik at gising ang lahat kapag sinabi nitong, “Get ¼ sheet of paper.” Nganga ka. Tulala ka. Tulo ang laway mo dahil di ka nakinig.
At kung talagang boredom ang
hanap mo, narito ang kapatid nitong...
CHALKMAN
DISTRIBUTION:
MALE: 60%
FEMALE: 40%
Ito ay ang titser na blackboard
ang kausap. Buong oras ay magsusulat ito sa blackboard at siyempre
magsusulat ang mga mag-aaral dahil alam nilang kailangan nila ng notes
at kailangan nilang ipasa ang notebook. At mahirap magsulat kung ang
titser ay nakaharang. Habang nagsusulat ito sa blackboard ay
ipinapaliwanag nito ang kanyang isinusulat. Sasabihin nitong huwag munang
magsulat ang mga mag-aaral kundi making muna. Nakakalito, di ba? Ano ba talaga,
makikinig o magsusulat?
Matapos nito ay isang “get
¼ sheet of paper.” Ang iba ay bagsak dahil sila ay nagsulat pero may notes
na. Ang mga pumasa dahil sa nakinig lang muna sila ang may problema kung
paano magsusulat sa notebook ganung nabura na ang writings sa blackboard.
Maaari siyang kumopya sa iba. Maaari niyang picturan ang notes ng iba.
Pero the best pa rin kung marunong kang makinig habang nagsusulat.
Pero ang titser na dapat ka
talagang making, mapipilitan kang making ay sa mga...
PRIEST/PREACHER
DISTRIBUTION:
MALE: 5%
FEMALE: 95%
Sila ay ang mga titser na pakiramdam nila mga pari sila. Naubos na ang oras sa sermon at pananaway. Bawal ang magtakip ng tenga. Makikinig na lang kayo kung hindi ay lalo itong magkakaroon ng high blood.
Ang lagi nitong puna ay pagdating niya
maingay, pagdating niya hindi sabay-sabay ang pagbati sa kanya, pagdating niya walang sumasagot, pagdating niya makalat, pagdating
niya walang may assignment at lahat ay nasisira na kapag dumating siyang magulo ang classroom niyo.
Kapag talagang bad trip ito, walk out ang acting nito. Di ko alam kung talagang madali siyang mawala sa mood pagdating niya o talagang dumating siya sa section niyo ng hindi alam o hindi handa ang lesson kaya lagi na lang sermon ang pambungad sa inyo.
At may mga titser naman na
di na talaga dumarating... Sila ay ang tinatawag na...
GHOST TEACHER/MISSING TEACHER
DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
Ito ay iyong mga titser na
kilala niyo lang sa pangalan pero hindi niyo nakita kahit kalian o minsan niyo
lang nakita sa inyong classroom. Lagi daw silang busy. Iyong
pupunta nga sa inyo, mag-iiwan lang naman ng gagawin which is either
magsusulat kayo o may student teacher siyang iniwan upang
magbantay at magturo sa inyo. Lagi daw siyang may sakit o kaya ay family
problem kaya absent.
Basta, kapag alam niyong
ganito ang titser niyo, huwag niyo nang abangan. Patay na kayo pero di pa rin
dumarating. Kapag bumalik ito, tiyak hindi alam ang ituturo dahil lagi ngang
wala. May quiz pero di naman siya nagturo. Ito rin iyong titser na
madalas ay late na nga pumasok, maaga pa umuwi. Isa lang ang tamang description-
tamad.
Second place naman sa pagiging tamad ang mga...
HOT SEATER/JUDGE/CRITIC
DISTRIBUTION:
MALE: 10%
FEMALE: 90%
Ito ay ang titser na ang trip
sa buhay ay ang maupo- maupo habang nanonood lamang sa report, sa roleplay,
sa groupings, ng mga mag-aaral. Habang nanonood ay nagbibigay ito ng grade
na di ko alam kung saan ba hinugot at hinulaan o kung paano ang kanyang computation.
Parang Showtime lang ang scoring. At ang sasabihin lang nito
matapos ay ang mali at ang kulang sa inyong presentation. Judge.
Ayaw nito ng di nakikinig.
Kapag maingay kayo at di nakikinig, tiyak na merong “get ¼ sheet of paper.” Akala mo naman nakinig siya samantalang
nagchecheck siya ng mga notebook.
At ang ayaw ng lahat, marami itong utos at talagang pahirap ito sa buhay samantalang siya buhay doña.
Ok lang sana kung ang mga ganitong titser na nais umupo ay isa nang...
SENIOR CITIZEN
DISTRIBUTION:
MALE: 10%
FEMALE: 90%
Ito ay ang mga titser na
talagang nabuhay upang magturo kaya naman ang buong buhay ay nilaan sa
tungkulin. Sa paaralan na sila tumanda. Ang kanilang paraan ng pagtuturo lamang
ang di nagbago. Sila ay iyong tipong kailangan mong tulungang umakyat ng
hagdan. Sila ay iyong medyo mahina na ang pandinig. Sila ay iyong tipong malabo
na ang mga mata. Sila ay iyong tipong makakalimutin na. Talagang pag-unawa ang
kailangan ng mga ito. Ayaw pang magretire kasi napamahal sa paaralan at sa mga
mag-aaral.
Mahilig din silang umupo sa
dulo dahil di na sila maaaring mapagod. Marami silang utos pero natural lang
ito. Boring man minsan ang klase, sinong makakalimot sa mga kuwento nila
sa mga mag-aaral na parang apo na nila. Ang lagi nilang sinasabi ay iyong,
“Mabuti nga kayo ngayon... samantalang noon...”
At meron pa, meron pang
isang titser na di nawala sa panahon... Sila ay ang mga...
MERCHANT/ENTREPRENEUR
DISTRIBUTION:
MALE: 30%
FEMALE: 70%
Sila naman ang titser na sa
panahon ng pangangailangan ay laging nariyan. Nasa kanila ang halos lahat ng school
supplies na kailangan mo- papel, ballpen, bond paper at iba pa. Talagang
boy scout, laging handa. Ang
nakakatawa nga ay kung paanong sasabihin niya sa mag-aaral na di kailangan ang
mga ito tapos biglang may surprise activity kung saan kailangang bumili
ng mga ganitong materials. Dahil walang nagdala, lahat ay bibili.
At hindi na rin surprise kung may vat ito. Kung mabait ka, keep
the change na.
Kailangan nila ito dahil nga
sa kulang pa ang kanilang suweldo para sa kanilang pamilyang binubuhay. Isa
itong sideline para sa kanila. Minsan pa nga ay pagkain ang ibebenta
nila at at bumili, tiyak may plus 10. Pero ang tanong ng iba, bumili daw
sila ng halos 200 pero bakit wala pa rin nangyari sa grade niya. Maingay ka, magbayad ka. Wala kang shoerug, magbayad ka.
Sila ay iyong nais tapatan
ang canteen o ang tindahan sa tapatan ng campus. Matapos bumili
ng lahat, ang punch line ay, “Huwag kayong maingay. Baka makarating ito
sa principal.”
Ang iba naman ay nais maging
adviser upang siya ang humawak ng class fund na sinasabi niyang
pambili ng mga decorations sa classroom, mga cartolina,
mga kurtina, mga cleaning materials gaya ng walis, dust
pan, floor wax, basahan, bunot at iba pa na kung estimated
mo ay parang...
nawala ang kalahati ng pera. Iyon pala ay nasa bulsa na niya.
nawala ang kalahati ng pera. Iyon pala ay nasa bulsa na niya.
Kapag may exam,
maniningil ito ng piso o dos para daw sa xerox ng mga test paper.
Ang di magbayad, walang test. Kapag may nagreklamo, ang sasabihin niya
ay, “Sa panahon ngayon, wala nang libre.”
At the end of the year, sila ang namumuno sa paglalagay sa sako ng mga notebook, visual
aids at papers na ipinasa ng mga mag-aaral sa loob ng taon. Tiyak, junk
shop ito. At ikaw, may nasalubong ka na ba sa daan... isang titser na
kumikitang kabuhayan?
Pero may titser naman na isa
lang ang nais sumalubong. Ito ay ang tinatawag nating...
PET LOVER
DISTRIBUTION:
MALE: 35%
FEMALE: 65%
Ang sipsip lang ang ganadong
bumati sa ganitong titser. Ito ay may favorite, may kinikilingan. Isa o
dalawa lang ang nakikita niyang mag-aaral. Ang karaniwang napipili nito ay
iyong guwapo, maganda o iyong alam niyang mapagkakatiwalaan niya. Mahilig ito
sa pagkakaroon ng secretary, recorder, announcer, peace officer, caregiver at
helper.
Lagi itong may extra
grade na dala para sa kanyang alaga. Mataas ang consideration nito
sa kanyang alaga. Talagang close sila ng alaga niya. Talagang may mutual understanding. Friends sila. Kapag may sumbong
ang alaga, rescue ito. Pero ito lang, walang sipsip, kung walang pet
lover. Ewan ko ba kung bakit nasa school ito, dapat nasa zoo
o jungle ito. Job mismatch!
At narito na ang tunay na
wala dapat sa paaralan... Ito ay ang titser na...
BA BE BI BO BU
DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
Ito naman ang titser na di
alam ang itinuturo, laging mali ang itinuturo. Dahil sa ganitong ugali
niya ay lagi siyang napapahiya sa mga mag-aaral, lalo na sa mga matatalino.
Kapag napahiya, anong sabi? “Ay sorry.” Masyado rin itong bookish,
dapat word by word ay kuha mo kundi mali iyang sagot mo. Wala na ngang motivation,
translated pa ang lesson. Hindi siya hands-on magturo,
iyong tipong kung paano sumayaw ay bahala na kayong panoorin sa Youtube. BABALA:
HINDI DAPAT TULARAN ANG GANITONG URI NG TITSER.
At sinundan naman ito ng...
GOOD TEACHER
DISTRIBUTION:
MALE: 10%
FEMALE: 90%
Ito ay ang titser na parang
isang angel na bumaba sa lupa- Santino. Madalas ay tahimik ang ganitong
titser. Considerate sila. Sila ay tipong ang laging sinasabi sa
mag-aaral ay, “Bahala kayo kung ano ang gusto niyong gawin.” Basta, siya ang
tunay na opposite ng strict terrorist. Di ito mahilig manaway.
Tama lang ang timpla nito. Huwag niyo lang ubusin ang pasensya at makikita niyo
ang hinahanap niyo, magsisisi kayo.
Ang mahalaga lang sa kanya
ay ang inyong attendance. Kahit di ka magaling ay papasa ka, basta
magpasa ka- kaunting efforts lang. Kapag ito ay nagbigay ng pointers,
tiyak ito na rin ang sagot sa test. Talagang ibinibigay ang lahat. Kaya itodo muna ang pakikinig sa
review. Sure ako na pinalitan lang ang numbering o kaya ang letter.
Cheating allowed, open notes allowed. Kailangan daw kasing
pumasa ng mag-aaral para di na mahirapan. Ganito na nga ang rules,
mataas pa magbigay ng grades. Oo, spoiled ang mga mag-aaral dito.
Pero ito ang tunay na ideal
teacher...
EXCELLENT TEACHER/PROFESSOR
DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
Sila ay ang mga titser na
minsan mo lang matatagpuan. Sila ay ang mga titser na magaling sa kanilang mga strategy
sa pagtuturo, magaling magbigay ng motivation sa mga mag-aaral. Laging may quote para sa mga mag-aaral. Marunong
sila magturo. Sila ay ang mga titser na talagang magiging masipag at magaling
ka, magiging matino ka. Sila ay ang mga titser na magtatagumpay ka kung patuloy
mong maaalala ang kanilang mga itinuro.
Una sa lahat ay mahalaga sa kanya ang tatlong A ng isang mag-aaral: attendance, attention, attitude.
Magaling itong adviser.
Magaling itong disciplinarian.
Para silang walang lesson
plan. Hindi sila bookish. Hindi mahalagang master mo ang lesson
sa libro, mahalaga kung paano mo ito gagamitin sa buhay, mahalagang nalalaman
at nauunawaan mo ito.
Well-explained ang lesson. Well-explained kung bakit ka nagrereport, kung paano ka nagrereport. Lahat ay simple and short para sa kanya. Hindi mahalagang mahaba ang sagot.
Hands-on sila magturo. Siya ang bahala sa demonstration. Specific siya. Familiarize, not
memorize. Think before you follow. Hindi nila
ibinibigay ang lahat dahil kailangang matuklasan ng mag-aaral kung ano ang
tamang gawin.
Kapag nagturo sila, mabagal
ang takbo ng oras sa gitna ng klase pero kapag natapos, feeling niyo
mabilis ang oras. Ito ay dahil ang klase ay parang isang roller coaster-
may thrill at masaya. Sila ay iyong titser na kayang aminin na
nagkakamali sila at hindi sila perfect. Hindi lang ang bata ang
may natututunan kundi maging sila ay meron ding nakukuha sa mag-aaral.
Sila ay iyong titser na
hinahamon ang mag-aaral kung kaya niyang magtiis at maghintay na magbunga ang
kanyang mga paghihirap. Talagang encouraging. Magaling din itong coach/mentor. Determinado ka, determinado siya,
tiyak panalo kayo.
Wala silang favorite.
Honest sila. Fair sila. Kung di ka magaling, efforts lang
at kaya mong pumasa. Ang ibinibigay nitong grade ay iyong deserve
ng bawat mag-aaral, hindi lamang dahil kailangan ng mag-aaral ng mataas.
Kailangang paghirapan.
Sila ay iyong maaga nang
pumasok, late pang umuwi.
Sila ay iyong mga titser na
wala lamang sa loob ng classroom. Naniniwala silang ang edukasyon ay
wala lamang sa loob ng classroom kundi saan mang bahagi ng daigdig. Hindi
lamang kayo natuturuan ng academics, ng mga subject, kundi ng mga
aral sa buhay na maaari niyong gamitin, sundin at ibahagi sa iba. Sila ay iyong
mga titser na nakatouch sa personal lives ng kanilang mga mag-aaral.
Hinahayaan nilang marealize niyo kung bakit kailangang gawin, kung paano gawin.
Oo, experience is the best teacher, it gives the test first, the lesson
afterwards.
Ito ang mga titser na
talagang dapat tingalain, ipagmalaki at tularan. Standing ovation!
Sabihin niyo na ang nais
niyong sabihin pero aking gagamitin muli ang mga salitang:
And yes, good teachers are
those who challenge, those who influence and those who inspire.
Pero ngayon ay nasaan na ang
ganitong mga titser? Nasa pangarap? Nasa panaginip? Nasa kawalan? Nasa imahinasyon
ko lang ba ang mga ganitong titser? Yes, nowadays, no one is perfect.
Tuluyan na ba tayong nasakop ng mga...
COMMONER
SIla ay ang mga karaniwang
pumapasok, karaniwang nakikita at nasasalubong ng bata, karaniwang nagtuturo,
karaniwang nagpaparecite, karaniwang nagpapareport, karaniwang nagpapaquiz, at
higit sa lahat ay karaniwang mag-aaral lamang ang turing niya sa lahat dahil sa
isa siyang karaniwang titser sa buhay ng isang mag-aaral.
Minsan nga naitanong ko,
“Magagamit ba ang mga itinuturo nila sa tunay na buhay? Kapag bumili ka ba ng
mantika ay kailangan natin ng trigonometric functions? Kapag ba
nagsipilyo ka, kailangan ba nating alamin kung paano naging balance ang chemical
equation ng ating toothpaste?”
Pero ang mahalaga sa lahat
ay ang mga karanasang iyong nakuha, ang mga aral sa buhay na iyong natagpuan.
Minsan ay nais ko maging guro, para kasing madali pero ang mahirap siguro ay
kung paanong sa kabilang section ay sasabihin mo ang sinabi mo kanina sa
isang section. Ganito ang maging titser, ang makalimutan ang sarili para
sa lahat ng mga batang nais matuto, ang maiwan ng panahon, ang ipako ang sarili
sa isang dakilang layunin... Lahat ng ito ay sadyang paulit-ulit. Bagong mukha,
bagong taon pero ganoon pa rin ang ituturo mo, tumanda ka pa. Oo, ang pagtuturo
ay nangangailangan ng labis na sipag at tiyaga.
At sila ang mga titser na
tinuruan tayong sumayaw sa agos ng buhay, umawit ng pag-asa, gumuhit ng ating
pagkatao, magbilang ng ating mga karanasan, magbasa ng ating mga aralin at
higit sa lahat, ang sumulat ng ating kapalaran.
Maaaring sampung taon
ngayon, 20 taon ngayon, mayaman ka na, sikat ka na, matagumpay ka na, may
maipagmamalaki ka na, masalubong mo ang titser mo. Sa loob mo ay sinasabi mong
di mo nagamit ang itinuro ng titser niyo, di mo natandaan ang itinuro ng titser
niyo, di ka naman niya napansin. Maaaring di ka na kilala ng
titser na ito pero tiyak na sa loob mo ay proud at thankful ka sa
titser mong ito dahil sa naging bahagi siya ng iyong buhay.
Ano man ang tingin natin sa
kanila- magulang, kaibigan, crush, idolo, berdugo, hari, pari,
titser, ano man ang tawag natin sa kanila- Titser, Guro, Mam, Sir, Prof,
Coach, Maestro, Tutor, Mentor, Sensei, Rabbi, Guru, ang mahalaga ay marunong
silang magturo, hindi lamang basta magturo kundi ang magturo ng mula sa puso at
hindi lamang mula sa mga libro. At sa huli, ginagawa lang nila ang alam nilang
tama para sa atin. Tinutupad nila ang kanilang tungkuling maging gabay patungo
sa tamang landas. Kahit wala na tayo sa paaralan, nag-iwan pa rin sila ng marka
sa isip, sa puso at sa pagkatao natin. Malaki ang ambag nila, malaki ang tulong
nila. Wala sila, wala tayo, wala ako. Mabuhay silang lahat.
Yes, I have always read, "Be proud you are teacher. The future depends on you."
Image Sources:
Video Source:
Information Sources:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento