Biyernes, Hunyo 1, 2012

Student Handbook # 1: Mag-aaral Ka Ba?

5… 4… 3… 2… 1…

Sumapit na naman ang June at tiyak, isa lang ang nasa isip ng lahat… Malapit na… Pasukan na! Pasukan na naman. Tiyak na sasapit na rin ang panahon ng tag-ulan…

Tiyak sa first day ay narito iyong panic, pressure, excitement, first impression, love at first sight, introduce yourself, classroom rules, classroom officer, at siyempre iyong nervous breakdown!

At teka, bakit nga ba laging June ang simula ng pasukan?

(LOADING) 

(SPEECHLESS) 

(SILENCE) 

(NO RESPOND) 

(BLANK) 

(TULALA) 

(NGANGA)

 (TULO ANG LAWAY) 

(KNOCK-OUT)

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

Minsan, tinanong ako ng kapitbahay namin, “Saan ka pumapasok?”

Ang sabi ko, “Sa school.

I mean saan ka nag-aaral?”

“Ah… Sa Gulod. Sa Gulod National High School.”

Take note: Magkaiba ang pumapasok sa nag-aaral. Maaaring nakapasok ka na sa isang private school pero hindi ka doon nag-aral kundi talagang pumasok lang.

Paaralan, madalas nating tawagin bilang iskul. Ito ang ating ikalawang tahanan. Dito tayo nag-aaral. Dito tayo nakakakita ng mga bagong mukha, nakakarinig ng mga bagong pangalan, nakakatagpo at nakakakilala ng mga bagong tauhan na maaaring maging bahagi ng ating buhay. Dito nahuhubog ang ating pagkatao at dito natin nararanasan ang mga experiences na minsan ay nais na nating kalimutan subalit madalas ay nais pa nating balikan.

At kung saan may paaralan ay may mga mag-aaral, na madalas naman nating tawagin bilang mga estudyante.

At oo, aminin man natin o hindi, karamihan sa atin ay sasabihing,

“Masayang maging estudyante… pero hindi ang mag-aral.”

Normal lang naman ito sa lahat. Di naman maaaring sa buong mga taon ay nag-aral ka lang, walang ibang karanasan kundi ang mag-aral nang mag-aral.

Sabi nila, di ka isang estudyante kung…

1. di mo pa naranasang umabsent o magcut ng klase kahit isang beses.

2. di mo pa naranasang pumasok ng may sakit kahit isang simpleng lagnat, sakit ng ulo, sipon o ubo lang iyan para sa iyo.

3. di mo pa naranasang mahuli sa klase dahil sa mahirap sumakay, traffic o dahil late ka lang talaga nagising. Minsan pa nga ay dahil binalikan mo ang naiwan mong id.

4. di ka nagsulat o nagdrawing sa likod ng iyong notebook, sa blackboard, sa iyong desk, sa pader. Ang mga nakalagay dito ay maaaring practice/sample ng iyong signature, FLAMES, isang heart, Petra LOVE Juan, isang secret mo, I HATE MATH, mga hinaing mo sa klaseng boring, testing kung may ink ang iyong ballpen o pentel pen, nakakatawang sketch ng inyong hate o pangit na titser, sketch ng iyong mga kaklaseng pangit, sketch ng iyong crush, stick figures, emoticons and smileys, kodigo, isang memorable date o quote, equation, at siyempre mga vandalism tulad ng iyong mga pagmumura at kabastusan,

Kung di mo binaboy ang cover ng notebook  mo, ang tipo ng notebook na ang cover ay ang mga mukha ng iyong favorite o idol na artista. Iyong tipong nilalagyan niyo sila ng mga pangil, ng mga tooth decay sa ngipin, ng mga sungay, ng bigote, ng mga mata at iba pang kalokohan.

5. kung di ka natukso o nanukso ng iyong kaklase o titser na nagpapaligo ng laway sa mga nasa unahan, ginto ang ngipin, may snowflakes sa buhok, may craters ang mukha, may forehead na parang airport sa lapad, may kuto, may mabahong hininga, may putok, may tagos, mataba, kulot, maitim, nakasalamin dahil malabo ang mga mata, duling, may kuliti, may kapansanan, payat at lampa, nagpasabog ng utot, may speech problem, napaihi o napatae sa cr o underwear, bakla at higit sa lahat ay iyong tipong may pagkakatulad sila sa isang hayop gaya ng bulldog, dragon, palaka, butiki, baboy, kabayo o kaya ay sa isang pangit na tao. At teka, tumingin ka na ba sa salamin?

6. kung di ka humiram ng ballpen, pentel pen, ruler, lapis, sharpener, salamin, etc, kung di ka humingi ng powder, papel, sagot, etc, kung di ka nangutang, kung di ka nakaranas ng libre o di ka man lang inalok ng pagkain o pamasahe, kung di ka nakishare o nakigamit ng libro, kung do ka nagpagawa o nagpatulong sa inyong homework o report. In short, kung di ka umasa o di mo kailangan ang iba kahit minsan.

At matapos ang lahat, dapat may thank you! Hindi iyong siya na nga ang naubusan tapos matapos ang lahat parang di na kayo magkakilala. Minsan pa nga ang hiram mo ay nagiging hingi na at maaari na nating tawaging angkin o nakaw. Minsan naman ay magnet ang iyong mga kamay kapag may nakita kang ballpen na nahulog sa gitna ng inyong paglilinis. Tama, nakagraduate ka at nabuhay ka sa pag-asa, pag-asa sa iba! At kung di ka ganito, ikaw naman marahil iyong alam nating opposite ng mga nabanggit- “supplier!”

 
7. kung di ka nagkaroon ng crush o nalink sa kung sino man. Aminin! Itong batang ito, deny pa!

8. kung di ka nagkaroon ng inggit sa classmate mong mayaman, maganda/makisig o matalino, kung di ka man lang napag-usapan sa classroom o kaya naman ay kung wala kang moment kahit makipag-away o magkaroon ng boyfriend o girlfriend.



9. kung wala kang hate, favorite, o crush na titser o kaya naman ay may phobia, shock o trauma ka na, kung wala kang hate, weakness, o favorite subject.

10. kung di mo naranasang mabored, tamarin, humikab, antukin, magutom sa lesson na di mo maintindihan, sa titser na boring o terror, sa klaseng nagiging sermon o biography na ng inyong titser ang topic, o kaya ay tinatamad kang mag-aral at pumasok sa iskul.

Kapag ganito ang mga scenario at drama ay tiyak na nakikipagchismisan o nakikipagdaldalan ka sa katabi mo o sa friends mo, ikaw ay matutulog, ikaw ay magtetext via personal message o group message man at nakalagay doong bored ka, ikaw ay palihim na kakain, ikaw ay titingin sa crush mo in hope mahuli ka niya, kindatan at ngitian, ikaw ay titingin sa bintana iniisip ang ulam niyo mamaya, ikaw ay titingin sa orasan in hope na bumilis ang pagtakbo ng mga kamay nito, at siyempre alin man dito ang gawin mo, lagot ka kapag nahuli ka. Ang ok lang gawin sa gitna ng klase ay ang magcr.

Di mo rin mapipigilang ipagdasal na sana ay dumating na ang recess, uwian, Christmas break, summer break o kahit isang matinding bagyo para suspended ang klase.

11. kung di ka napahiya o napagalitan ng inyong titser dahil sa hindi ka nakikinig, maingay ka, hindi ka nakasagot, sinagot mo siya sa paraang ayaw niya, mahaba o may kulay ang iyong buhok, hindi ka nakasuot ng uniform, marumi ang classroom o cr na ikaw ang huling gumamit at isa ka pa man din sa mga cleaners, late ka sa klase, late ka magpasa ng project, nahuli kang nangongopya o nangongodigo na alam mong may nagsumbong na sipsip o kaya ay nakalimutan mong gumawa ng inyong homework o talagang naiwan mo sa bahay.

Siyempre, may punishment, ito ay iyong natamaan ka ng chalk niya, sasabihin niyang mag-uusap kayo mamaya, squat o kaya ay get out!  

May opposite naman ito. Ito ay iyong napuri o napansin ka sa wakas ng titser mo dahil may improvement ka, may correction kang ginawa, highest ka sa exam o quiz, tahimik ka.

12. kung di ka nautusan ng titser niyo na maglinis, mag-erase ng writings sa blackboard na green naman talaga at di ko alam kung bakit blackboard ang tawag, mag-akyat at magbaba ng kanyang visual aids at chalkbox.

Maaari ka din maging secretary nito as in gumagawa ng visual aids, lesson plan, records ng grade  na kulang na lang ay itaas mo ang iyong grade o pag-aralan ang susunod na lesson. Minsan pa  ay magpapatulong itong umakyat sa hagdan. Maaaring ikaw naman ang pag-iiwanan niya ng gawain ng inyong klase o ikaw ang bahala kung ano ang ipapagawa. Ikaw rin ang maaaring mag-announce ng kung ano mang balita galing sa inyong titser na parang master mo na. 

Siyempre kapag ganito. Alam na... May extra grade! Kaya lang, ang mga kaklase mong ewan ay sasabihan ka ng... SIPSIP!

13. kung di ka man lang sumali o nagparticipate sa isang school activity… lalo pa at alam mong kasali ang lahat o ang karamihan. Siyempre, isa na namang extra grade!

14. kung di ka man lang naging highest, lowest, bumagsak o nakakuha ng itlog a.k.a. ZERO sa inyong exam o quiz.


15. kung di ka nagcheat sa exam o quiz via kodigo o xerox na maaaring ang sagot mo ay mula sa iyong isang sulyap o tanong sa iyong katabi o friends. Don’t lie to me. Aminin… Take note: kahit once lang, maniwala ako sa iyo. Normal lang ito. Abnormal ka kung sinasabi mong hindi mo ito ginawa.

16. kung di mo naranasan ang hell week, iyong may knowledge overload ka na sa dami ng quiz, exam at recitation. Todo review at masakit na ang ulo mo kasi pinilit mong ilagay lahat sa utak mo. Meron kayong surprise recitation kung saan as usual, hindi ka nakapag-aral. Ang masama ay wala man lang coaching, back-up, moral support o careless whisper mula sa iyong katabi na hindi rin yata alam ang sagot. Tapos may homework, projects, visual aids at notebooks pa kayo na kailangang ipasa. Tiyak ito na ang tamang oras upang hiramin ang notebook ng iyong katabi o kaibigan kahit na hindi mo maintindihan ang sulat-kamay niya.  Notebook + Visual Aids x Sako=Junk Shop=Pera

17. kung di mo naranasang kulang ka ng requirements na naipasa pero ok lang pala.

18. kung di ka nagalit o nagreklamo sa dami ng inyong gawain, sa dami at presyo ng babayaran, sa cr na mabaho at marumi, sa grades mong sa tingin mo ay mababa pa, sa shifting ng classes, sa paglipat mo ng ibang section, sa mga kulang na libro at upuan, sa pangit na school facilities, sa titser niyong may favorite, sa pagtaas ng pamasahe, pagtaas  ng tuition fee, mahabang pila, etc. Eh ang tanong, bakit ka sa school na ito pumasok?

19. kung di ka pumila saan man o anumang pila ito sa inyong iskul at kung di lumipat ng upuan sa klase.

20. kung di ka nagbigay sa donation para sa isang mahirap na mag-aaral na namatayan o kaya naman ay may malubhang sakit.

21. kung di ka nagtinda sa tray na blessing kung may sobra at iyo/inyo na, disaster kung may kulang at siyempre napilitan kang magbigay at pabitin kung kailan akala mo iyo na ang sobra tapos biglang may hihingi ng sukli. At gaya ng pagiging cleaners of the day/week sa uwian, minsan ay may nagaganap na pagtakas! Kung di mo naranasang maiwan ang isa mong gamit sa inyong classroom, madalas ay payong at notebook.

22. kung di ka man lang nagsinungaling sa mga magulang mo, sa nanay mo, sa tatay mo, na kaya ka late sa pag-uwi ay dahil may ginawa kayong project ng mga kaklase mo. Pero ang totoo, gumala lang naman kayo. O kaya naman ay kunwari may sakit ka pero tinatamad ka lang pumasok. Tapos ang iba diyan, kunwari pinayagan ng parents na sumama sa field trip pero ang totoo, kaibigan o kaklase lang naman ang pumirma ng waiver o permit. Maaari din namang kunwari ay may babayaran ka sa iskul tapos wala naman talaga at nais mo lang naman ng extra money. O kaya ay iyong tipong ang bayarin sa school ay may vat. Pero kapag nahuli ka, double knock-out ka- sa nanay o sa tatay mo at sa titser mo!

WARNING: ALL THE INFORMATION IN THIS ARTICLE IS BASED NOT IN MY OPINION, BUT IN MY EXPERIENCES AND EVEN IN THE SURVEYS AND INTERVIEWS FROM DIFFERENT STUDENTS WHO SHARE THE SAME EXPERIENCE AND OBSERVATIONS. THE FOLLOWING DATA ARE NOT POSTED FOR ANY NEGATIVE PURPOSE.

Ngayon ay atin namang kilalanin ang mg tauhan sa loob ng isang setting o stage na kung tawagin ay classroom. Mawala ang isa, parang may kulang sa buhay mo.

Nagsisimula ang kuwento sa…

NERD

DISTRIBUTION:
MALE: 65%
FEMALE: 35%      
POPULATION IN CLASSROOM: 1% 
 

Sila ang tunay na mag-aaral na hanggang ngayon ay buhay pa. Sila ay iyong mga mag-aaral na talagang isinilang upang mag-aral. Common na ang kanilang existence sa isang classroom. Madalas silang payat at nakasalamin, parang stick figure. Weird sila- sa pananalita, sa pagkilos, sa pananamit kaya madalas silang pagtawanan o kaya ay maging victim ng mga bully. Ang ibang species nila ay madaling magkasakit.
 
Sila ay responsible at competitive. Sila ay may spirit of leadership. Favorite sila ng mga titser dahil masipag talaga silang mag-aral at maaaring pagkatiwalaan. Lagi silang highest sa mga exam at quiz. Madalas ay nakataas ang kamay sa recitation, confident about their answer. Minsan pa nga ay sila na ang nagtuturo at nagiging student teacher. Madalas ay sila lang ang nagkakaunawaan ng titser at handa itong makipagtalo sa titser kapag may nakita itong mali sa key to correction. Lagi silang busy. Lagi silang nasa mga contest. Madalas silang nakatambay sa library- nagbabasa. Oo, honor student iyan, top 1!
 
Ang ibang species nila ay friendly- iyong tipong maaasahan mo sa exam, quiz at recitation. Ang ibang species naman nila ay iyong serious type. At tiyak, kapag nakausap mo sila ay isang “ok” o “oo” na lang ang iyong sagot. Nosebleed kaya magdala ka ng tissue paper o panyo. At kung ano naman ang galing nila sa academics ay madalas namang trying hard sa P.E., dance o ibang subject na kailangan ang technical skills.

Pero gaano man karami ang kanilang species, sila naman ang pag-asa ng bayan- endangered species.

At kung may nerd na sobrang galing sa academics, narito naman ang…

ATHLETIC

DISTRIBUTION:
MALE: 55%
FEMALE: 45%
POPULATION IN CLASSROOM: 2%
Habitat nila ang covered court at gym. Dahil sa matinding exercise at sports routine nila, ang kanilang mga katawan ay talagang makisig. Madalas ay updated sila sa sports lalo na sa basketball at boxing. Di man sila ganoon kagaling sa academics o may speech problem man minsan, energetic naman ang karamihan sa  kanila. Ito ang pinakamagandang katangian nila. Ang iba naman ay talagang tahimik lang, minsan ay shy type o serious type. At meron namang mga athletic na nagiging crush ng bayan, varsity star.

At totoo nga, “Ang muscles ng tao ay maaaring nasa utak o maaari namang nasa bisig, paa at katawan.” Pero nasaan man ang mga ito, masasabing totoo rin ang kasabihang, “Nobody is perfect… just practice and try.”

Sa kabilang banda ay todo sa practice naman ang mga…

ARTIST

DISTRIBUTION:
MALE: 45%
FEMALE: 55%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%               

Sila naman ay iyong mga gifted sa larangan ng sining- theater, dance, music, visual arts, sculpture, etc. Madalas ay sila iyong mga kasali sa mga school presentation. Dalawa lang ang species nila- iyong outgoing at iyong silent type kasi nga ay focused at serious sila sa kanilang practice. Ang karamihan naman sa kanila ay mga running for honor. Perfectionist.

Wala na akong masabi tungkol sa kanila. Ito ay dahil marahil ang kanilang personality ay makikilala mo lang sa kanilang mga arts.

Dumako naman tayo ngayon sa mga taong laging ang mga upuan ay nasa likod…

BULLLY

DISTRIBUTION:
MALE: 65%
FEMALE: 35%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%

Ito ay iyong tipo ng mga lalaking basag-ulo ang hanap at ito rin iyong tipo ng mga babaeng sabunutan ang trip sa buhay.

Trip nilang sumingit sa pila, umihi sa pader, magbasag ng bintana, magkalat, gumawa ng vandalism, sapilitang humingi ng baong pagkain o pera, lumabag sa rules, at siyempre, ang magyabang na may bago silang kotse, may bago silang damit, may bago silang cellphone, may bago silang brick game, may bago silang skateboard at may bago silang evil plan sa trip nilang paglaruan o awayin.

Banggain mo sila tiyak, bubuhusan ka ng tubig o softdrinks, makakatanggap ka ng red note, isang warning notice, magkakaroon ng bubble gum sa upuan, magkakasya ka sa isang trash bin o mas madalas ay maaaring ang ngipin o buhok mo ay bilang na lang sa daliri at mukha ka nang panda dahil sa iyong black eye. 

Madalas, ang mga bully ay nasa isang gang na karaniwan ay may tatlo hanggang apat na members batay sa aking observations. Tapos, tiyak may leader diyan. Common victim ng mga lalaking bully ang mga nerd at bekimon. Common victim naman ng mga babaeng bully  ang mga alam nilang kabog sila, nadadamay pa iyong friends ng victim. Magaling sila mang-asar pero kapag sila ang inasar, tiyak pikon iyan.

Lagi silang nakatambay sa kung saan man, madalas ay sa guidance office. Di naman sila magaling sa klase- Ba Be Bi Bo Bu- iyong magaling makipag-away sa mga walang laban pero kapag titser o magulang nila ang kalaban, parang mga damulag. At kapag ganito ang nangyayari, lalong tumitigas ang ulo nila.

At eto ang record breaking

PATAPON
DISTRIBUTION:
MALE: 65%
FEMALE: 35%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

Sila na marahil ang perfect opposite ng nerd. Na kung ang nerd ay ang pag-asa ng bayan, sila naman ang suliranin, sakit o salot ng bayan.

Hawig sila ng bully pero ang trip nila sa buhay ay ang manigarilyo, ang tumambay at maglaro sa computer shop, ang uminom ng beer/gin, ang maagang mag-asawa at mabuntis, ang magsayang ng pera, ang magsugal, ang di mag-aral at mangopya na lamang, ang umabsent at magcut ng klase, ang makipagbasag-ulo o makipagsabunutan, ang gumala, ang mag-ingay, ang sumagot sa mga magulang at sa mga titser, ang maglayas, ang sirain ng buhay nila.

Sinasabing sila ang may pinakamabigat at pinakamaraming problema- sa sarili, sa pag-aaral, sa mga titser, sa mga kaklase, sa pag-ibig, sa pamilya, sa mga magulang, sa paligid. Wala silang tiwala sa sarili o kaya naman ay sobra ang taas ng tingin sa sarili, nahihirapan sa pag-aaral, nahihirapang makitungo sa mga titser at sa mga kaklase, itinuturing na inspirasyon ang pag-ibig kahit ang totoo ay nagiging pabigat na ito, may problema sa pamilya, walang connection at communication sa mga magulang, at higit sa lahat ay mga biktima sila ng isang epidemic disease na kung tawagin ay peer pressure. Wala itong pinipiling dapuan. Nakakahawa. Mahirap gamutin. Kayang iwasan.

Madalas ay nagiging mga repeater sila. Madalas ay nakaupo sila sa dulo. Madalas ay sila iyong nilalagay o nililipat sa lower section pero aking nililinaw, di lahat ng nasa lower section ay patapon. May mga pangarap din naman sila. At binabawi ko, ang mga patapon ay may mga pangarap din… naliligaw lamang ng landas. Hindi sila habang buhay patapon, ang mga itinuturing nating basura ay maaaring makalikha ng mas magandang bukas kung muling pagbibigyan at kung alam nila ang tunay nilang mga kakayahan at gamit sa lipunan- ito ay ang maging pinuno ng kabataang nasa isang tamang landas.

Pero ang susunod na babanggitin ay ang tunay na wala sa tamang landas… Sila ay ang mga…

SIPSIP/TEACHER’S PET

DISTIBUTION:
MALE:5%
FEMALE: 95%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

Ito ang tunay na kontrabida sa loob ng classroom. Makapal ang mukha nito. Mayabang kahit walang karapatang magmalaki. Di ko alam kung anong uri ng hayop ito at tinawag na teacher’s pet pero sa tingin ko, ito ay isang alimango- iyong dahil alam niyang siya iyong unang nakapagpasa ng project, hihingi siya ng extra grade sa titser at sasabihin pa ditong huwag nang tanggapin ang mga late na magpapasa, iyong mga di nakahabol sa deadline. Dapat daw ay fair.

Madalas ay sila iyong mga secretary ng titser, sexytary madalas sa mga girls. At first day pa lang, talagang close sila sa titser. Iyong kaibigan, anak o kaya ay alipin na sila ng titser. 

Kung anong iwas ng iba sa titser, ito iyong todo ang lapit na parang lintang humihigop ng powers

Lagi nitong binabati ang titser. Lagi nitong pinupuri ang titser. Lagi nitong ipinagtatanggol ang titser. Gaya ng nabanggit, sila iyong gumagawa ng visual aids, lesson plan, records ng grades na tiyak advantage sa kanya- may extra grade  na siya, may chance siyang pag-aralan ang susunod na lesson at kulang na nga lang ay itaas niya ang kanyang grades sa record book ng titser.

Ok lang sana kung nautusan, ok lang sana kung volunteer, kaya lang nautusan lang naman, voluntary namang tumulong sa titser, humihingi pa ng extra grade. Siya rin iyong pagdating ng titser, tiyak naglilinis iyan at nag-eerase ng writings sa blackboard. Talagang nais niyang mapansin siya ng titser kaya todo ang pakitang-tao kahit di naman tao.

Sa gitna ng klase, kahit corny ang joke ng titser, siya lang ang tatawa. Ikukuwento ng titser ang buhay niya, siya lang ang handang making. Over-acting to the max! Tapos, magtatanong iyan nang magtatanong sa titser kahit nonsense naman ang tanong. Kunwari may alam sa lesson pero deep inside, oo lang ng oo iyan. Kapag may nagrereport o nagrerecite, todo ang opinion at side comment kahit di naman hinihingi. Lagi pa itong nakataas ang kamay sa klase- nakabukas naman ang libro o kaya ay ang notebook.

Sasawayin nito ang mga maingay kahit siya mismo ay busy rin namang mag-ingay o minsan pa nga ay siya ang pinakamaingay. Tapos hindi iyan magpapakopya, todo kung makapagcover ng sagot, madalas kasi aspiring honor student. Pero kapag siya ang nangopya, tiyak na wagas ang xerox ng sagot. Feeling close kapag kailangan ka na. After ng exam o quiz at nalaman niyang siya na naman ang highest o second to highest, parang di na kayo magkakilala. Wala man lang thank you.

At makakalimutan ba natin ang kanyang pag-lilista ng maingay sa blackboard o sa papel tapos ang una lagi sa listahan ay ang kaaway niya at wala sa listahan ang mga masuwerteng kaibigan niya. And then, sisingilin na iyong mga maingay na napalista. Pero ito ang malupit, di naman pala siya peace officer sa klase, assuming lang. Minsan nga ay naisip ko, para saan pa ang mga class officers kung meron namang assuming?

Pagtapos ng klase, tiyak na siya rin ang tutulong sa titser na ibaba ang mga visual aids at chalkbox ng titser kahit kaya naman ng titser. Palibhasa, siya ang nag-akyat ng mga ito kaya siya na rin ang magbababa. Maging sa pag-akyat o pagbaba ng isang titser sa hagdan, para itong caregiver sa pagtulong. Ito rin iyong tipong kahit di siya cleaner ay magpapaiwan para maglinis… ang dumi naman ng intensyon.

Siya rin iyong mahilig mag-announce ng mga mahalagang balita mula sa titser na karaniwan ay kung ano ang iniwang gawain ng titser kasi busy ito o kaya naman ay absent. Pero minsan ay siya na raw ang bahala kung ano ang nais niyang ipagawa sa mga kaklase. Iyon daw ang bilin sa kanya.

Madalas ay mataray ito at palaban sa mga kaklase. Pero kapag napaiyak o inaway ng mga kaklase ay magsusumbong sa titser. Rescue naman si titser. May nalaman o nahuli siyang kalokohan ng mga kaklase, sumbong ulit. Rescue ulit ang titser. Parang may reward sa paghuli ng isang wanted. Kill joy din ito. Iyong alam niyang masaya at maingay ang lahat kasi wala ang titser, ang gagawin ba naman ay bigla nitong tatawagin ang titser o kaya ay may ipapagawa sa klase. Walang kikibo o aangal. Siya ang batas, siya ang Martial Law. At talagang strict siya sa rules kahit di naman siya elected officer sa classroom.

At ito ang jackpot para sa kanya, ang makahanap ng mga titser na tatanggap ng kanyang mga pagkain o aguinaldong ibibigay kahit walang okasyon o tuwing merong okasyon. Todo support naman ang mga magulang na nangangarap na makapasok ang kanilang mga anak sa honor roll sa ganitong paraan.

Talagang straw makahigop ng extra grades ang sipsip. Desperado na talagang makapasok sa honor roll kaya pinanindigan na.

Oo, maraming haters ang sipsip- di na nga maganda ang kanyang pamamaraan, di pa maganda ang kanyang intensyon. Kaya ikaw, mag-aral ka.

Mag-aral ka ng di ka maging…

COPYCATS

DISTRIBUTION:
MALE: 55%
FEMALE: 45%
POPULATION IN CLASSROOM: 15%
 
Exam na naman.
 
At ang sabi nila, ang exam ay ang panahon ng pagsubok, panahon ng kaguluhan, panahon ng unos, panahon ng bayanihan, panahon ng tukso, at panahon ng mga himalang nagaganap sa gitna nito. 

Sabi nga, sa panahon ng kagipitan nasusubukan ang isang tunay na kaibigan. 

Ito ay ang panahon kung saan ang kasabihang honesty is the best policy ay nagiging honesty is just a policy.

Tiyak narito na rin iyong mga taong kulang sa oras, kulang sa dasal, kulang sa sipag, at medyo kulang sa talino. Iyong tahimik lang sa gitna ng discussion pero ang totoo, di nila naintindihan iyong lesson. Dito ay nagiging groupings ang exam, brainstorming sabi nga. Dito ay nagiging kaclose mo ang dati ay parang wala lang sa buhay mo. Maririnig na natin ang mga salitang “friend,” “pakopya ah” at “mamaya ah.” Feeling close? Ang kapal!

Lahat tayo ay nakaranas ng pangongopya. Don’t lie to me. Aminin… Kahit once lang, maniwala ako sa iyo. Normal lang ito. Abnormal ka kung sinasabi mong hindi mo ito ginawa. Halos lahat naman ay nangopya. Kahit nga ang mga nasa honor roll (at iyong mga aspiring at feeling lang) ay naranasan na ito. Don’t deny. Just accept the truth and admit.

Siyempre, ang exam ay ang panahon kung saan nagiging bukas at malinaw ang mga mata ng bawat isa, nagiging mapagmasid sa paligid. Hawak mo ang alas kapag katabi mo ang matalino. Alam mong makakagraduate ka. Ang tanong, mapagbigay ba? Maganda ba ang sulat-kamay?

Iba’t iba ang paraan ng pangongopya. Ang iba ay iyong visual magnification, sa Tagalog, matalinaw o matanglawin, ito ay ang  simpleng paggalaw ng mga mata 360 degree at 100x optical zoom, laser vision xerox. Ang iba naman ay iyong head spin- shake it to the left and shake it to the right. Dapat flexible ang leeg mo na parang giraffe. At siyempre dapat nakayuko ang ulo ng di ka mapansin ng titser. Malas mo kung todo na ang bulong o careless whisper mo, todo na ang psst mo, todo na ang pagmamakaawa, pagpapacute, pang-aakit, pag-alok mo ng libre sa katabi mo pero di ka naman sinasagot. Madamot! Kunwari di alam ang sagot. Wala ka na ngang nakuha, di mo pa napansin na nandyan na ang titser.

At kapag nainis ka, kunin mo ang papel ng katabi mo o kaya ay ibigay mo ang papel mo sa kanya. Maaari ding hipan mo ng lumipad ang papel at makasulyap ka. Pero tandaan, anumang trick ang gawin mo upang makita ang sagot ng katabi mo, dalawa lang ang tanong dito: Maintidihan mo kaya ang sulat-kamay niya? Tama ba ang sagot niya?

Meron naman ay iyong pass the message. Magsusulat ka sa isang maliit na papel at nakasulat dito ang number kung saan ka nahihirapan. Ipapasa ito sa pinakamatalino sa inyo at siya na ang bahalang sumagot. Ibabalik sa iyo at iyon, may harvest ka na. Pero siyempre, may mga epal na dumaan lang sa kanila iyong papel, titignan nila iyong nakasulat at hindi na ipapasa sa kasunod. Tamad na nga selfish pa. Jackpot din tuloy sila. Ang masamang balita ay kung nahuli ng titser ang lumilipad na papel. Tiyak na mabubusog ka sa papel na ito. At disconnected ang signal.

Pero sa panahon ngayon ay may makabago nang teknolohiya. Ito ay ang cellphone. Itext mo lang ang mga kaklase mo via personal message man o group message, tiyak may instant survey ka na kung ano ang sagot. Pero siyempre, baka mahuli ka ng titser.

Ang iba naman ay may sign language pang nalalaman at kung ano pa bang non-verbal communication ang maaaring gamitin . Ang nakakainis ay iyong may tadyak na parang kabayong may cancer na dahil sa wala pang sagot. At teka, nandyan din iyong ang drama sa buhay ay nahulog ang ballpen tapos bigla na lamang lilitaw malapit doon sa target niyang kopyahan. Ang iba naman, kunwari pupunta ng cr, iyon pala maglilibot lang at mamimitas ng sagot. Ang ilan namang malapit sa iyo ay todo ang kalabit at kindat.

Iyong iba naman ay teamwork o back-up, hati sa kung ano ang dapat ireview. Isa pang nakakainis ay iyong binigyan mo na nga ng sagot ay itatanong pa kung kanino, saan o paano mo nakuha ang ganoong sagot. Meron namang ilan diyan na kunwari may sagot na sila sa isang number, tapos itatanong sa iba kung ano ang sagot sa number na iyon. Kapag nakuha na nila ay sasabihing, “Pareho tayo. Sabi ko na nga ba.” Ano raw? Maniwala ako sa iyo.

At kung feeling mo sarado na ang lahat ng pinto para sa iyo, naiwan ka na, wala nang tengang handang making sa tanong mo, walang nagpapakopya sa iyo, ano pang hinihintay mo, manghula to the max ka na. Minimini at langit-lupa lang katapat niyan. Ang masama ay kung sa math ay kailangan ang solution at di lamang puro letter lang. Tapos sa science ay puro explanation o kaya ay diagram. Pero madali lang naman kung opinyon mo lang ang hinihingi. Habaan mo lang ten points na, may sense at connected nga lang dapat.

Ito na, results na at abangan na kung ano ang score mo. Tuwang-tuwa ka. Highest ka. Pareho kayong highest ng katabi mong matalino. Ang di mo alam ay nalaman pala ng titser mo na pati pangalan ng katabi mo ay nakopya mo. Iyan ang sinasabi ko, dapat mag-ingat, huwag kopyahin lahat ng sagot ng maiwasan ang hinala. Kung alam mong Ba Be Bi Bo Bu ka o di masyadong matalino, huwag kopyahin ang lahat ng sagot ng matalino mong katabi o source. At malay mo, mali pala ang ibinigay na sagot sa iyo ng katabi mo. Tapos, iyong iba diyan, wala man lang thank you. Sa exam lang magkakilala at magkaibigan.

Pero naisip mo kaya? Paano kung nakagraduate ka dahil lang sa pangongopya? Paano na lang ang baon mo sa araw-araw? Pumapasok ka sa iskul para mag-aral hindi para mangopya. Paano ang mga naghihirap na mag-aral para pumasa at makatapos? Tama nga ang iyong katuwiran, mali naman ang iyong pamamaraan. Mabuti pang kamot-ulo ka na lang, itlog o kamote ang score mo, at least, fair and honest. Proud na wala kang guilt, may conscience at may dignity ka pa.  Sabi nga ay iba pa rin iyong pinaghirapan.

Kaya ikaw John, magsumikap ka!


At sa mga nagpakopya, sorry na lang kung nataasan kayo ng nangopya sa inyo. Ang gintong aral: Walang mangongopya kung walang nagpapakopya. At lalo’t higit sa lahat, walang mangongopya, walang babagsak kung may mag-aaral nang mabuti.

At siyempre, kahit anong aral ng mabuti ng iba, meron namang mga tamad na nga, selfish pa… Introducing the…

CODEMAN

DISTRIBUTION:
MALE: 55%
FEMALE: 45%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

Sabi ng iba, ok lang mangopya, di bale nang mangopya, huwag lang… mangodigo. Dahil sa desperado rin silang makapasok sa honor roll o kaya ay makataas sa lahat, isinilang ang species ng codemen.

Ang kodigo ay isang illegal duplicate ng mga notes, lesson, o pointers na maaaring lumabas sa exam o quiz.

Madalas ay tahimik kapag may exam o quiz na. Ito ay dahil confident sila… hindi lang dahil makakapasa siya kundi dahil makakataas na naman sila. Siya ay iyong masaya kapag ok lang sa titser na malapit ang mga bag ng estudyante sa kanila. Ito ay dahil kapag walang nakakakita o lahat ay nakatalikod, tiyak na may pagkakataon siyang silipin ang kanyang kodigo sa loob ng bag. Open notes pa minsan kung hindi nakapaghanda ng kodigo. Minsan ang kodigo ay nakasulat na pala sa desk, sa kamay, o maaaring sa notebook na patungan ng kanyang papel. May pagkakataon din naman na nasa loob ito ng kanyang bulsa.

At marahil, ang tunay na dahilan kung bakit isinilang ang mga codemen sa loob ng classroom ay dahil alam niyang di siya matalino. Nahihiya siyang mangopya kasi lalong bababa ang tingin niya sa sarili niya at paranoid siyang isipin ng kinokopyahan niyang isa siyan Ba Be Bi Bo Bu. At kulang na nga lang ay bayaran na lang niya ang titser upang ibigay sa kanya ang mga sagot o kaya naman ay silipin niya ang test question.

At kapag nahuli, tiyak may back-up itong alibi. Ano iyan? Prayer? Tatooo sa palad? Kapag nagtagumpay siya ay tiyak na nasa basurahan na ang kaniyang lihim…

Maingat siya. Isang pagkakamali lamang sa timing, tapos na ang reputasyon niya. Pero ang totoo, kahit di pa siya nahuhuli ay matagal na siyang walang reputasyon. Wala na siyang reputasyon sa kanyang sarili at lalo’t higit sa lahat ay sa taong nasa taas. Akala kasi niya ay walang nakakakita sa kanya. Tumingin sa kaliwa, sa kanan, sa harapan, sa likod, pero hindi man lang tumingin sa taas.

Pero ang totoo, may mga nakakakita naman talaga sa kanya. Ayaw lang siya mapahiya o ayaw lang siya labanan… Karaniwan ay ang mga…

SSS (SILENT-SERIOUS STUDENT)

DISTRIBUTION:
MALE: 35%
FEMALE: 65%
POPULATION IN CLASSROOM: 15%  
                                                                                                                                      
Sila ay iyong mga taong kilala mo na pero di mo pa nakikilala. Iyong patapos na ang taon ay hindi mo pa nakikilala at naririnig na magsalita. Tahimik at seryoso talaga sila sa buhay. Parang masungit. Kaunti lang ang kanilang kaibigan at ang mga kaibigan pa nila ay ang kauri nila. Paano kaya sila nagiging masaya? Paano kaya sila nag-uusap? Pabulong?

Di sila mahilig magrecite. Feeling nila laging may nakalagay na "keep silence" sa madaanan o mapuntahan nila. Ang hilig lang nila ay ang matulog, magtext, magbasa at tumingin sa bintana,, sa orasan, o sa crush nila. Kapag sa bintana nakatingin, may problema ito o kaya ay may iniisip itong mahalaga. Kapag sa orasan, tinatamad na ito at nais nang umuwi. Kapag sa crush, umaasa siyang pansinin siya nito. In short, daydreamer sila.

Di rin sila mahilig mangopya. Ang iba ay ayaw sa maingay. Mahiyain sila at batay sa mga nakilala ko, kapag sila ay itinabi mo sa ubod ng ingay, tiyak mas maingay na sila sa katabi nila. Karaniwan sa kanila ay honest at magaling magbigay ng advice.

Ang karaniwan sa mga tahimik ay dahil sa sila ay transferee, nagpapakilala at kumikilala pa. Pero ang iba pang dahilan kung bakit sila tahimik ay dahil may nalalaman silang mga secret o kaya naman ay dahil marami silang problemang dinadala. Iyon ang hindi alam ng karamihan. Hindi sila vocal sa nararamdaman nila.

At siyempre kung may tahimik sa upuan, meron namang wala talaga sa upuan nila… Sila ay iyong tinatawag na…

HOLLOW MAN

DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

Ang trip naman ng mga taong ito ay ang umabsent. Iba’t iba ang dahilan dahil iba’t iba ang sakit- headache, diarrhea, sore eyes, etc, iba’t iba ang okasyon- birthday, binyag, etc, at iba’t iba rin ang mga nangyayari sa buhay- nag-aalaga ng kapatid, nagbabantay ng bahay o tindahan, naglipat ng bahay, walang pamasahe, may family problem, may namatay, at iba pang walang katapusang problema. Basta puro excuse letter ang dumarating. Ewan.  


Ang upuan nila madalas ay laging vacant kaya naman iba ang nakaupo. Kapag naman nasa klase ay tahimik. At karamihan sa kanila ay mga gifted at matatalino sana. Isang malaking SAYANG.

Ok lang sana kung ang madali silang nakakabawi sa namiss nilang mga lesson pero mahirap bumalik kung nakakahiya nang bumalik sa kalooban mo. Ang sabi nga, “Ok lang bumagsak sa quiz o exam, ok lang maging maingay at pasaway, huwag lang maging absent. At sana lang ay alam nilang di lamang mga lesson ang namiss nila sa mga pagkakataong wala sila. Namiss din nila ang mga karanasang dapat ay naranasan ng lahat sa loob ng classroom.

At siyempre, kung may mga tahimik sa classroom, naroon naman ang mga handang bumasag sa katahimikan… Simulan natin sa mga…

CHISMOSA

DISTRIBUTION:
MALE: 1%
FEMALE: 99%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%

Ito ay iyong mga taong di naubusan ng topic na mapag-uusapan. Mula sa mga latest music, film, book, TV show, mga trending, mga celebrity, mga titser, mga kaklase, mga crush, mga secret, mga pangit at napahiya. Talagang totoo nga na may mga mata at mga tenga ang pader. Talagang totoo nga na ang balita ay lumilipad at mabilis na kumakalat na parang apoy.

Ang favorite lines ay: “Guess what?”What?” “Really?” “Talaga?” “Weh, di nga?” “Ganun pala.” “Mabuti nga sa kanya.” “May chika ako sa inyo.” “Anong balita? Anong bago?” Marami pa kaya naman hanggang dito na lang.

Karaniwan talaga ay mga girls ang chismosa. Di kasi vocal masyado ang mga lalaki. At minsan pa nga ay nariyan din ang mga bekimon.

At grabe talaga kapag ang mga ito ay nagbabasa ng inbox at outbox ng cellphone na di naman talaga sa kanila. Over din makasilip sa diary ng may diary. At over din making sa di dapat pakinggan o marinig. Over din sila sa makatingin sa mga nag-aaway, nagliligawan at iba pang di dapat pakelaman.

Pero ito ang matindi. Nag-uusap sila… at nakatingin sila sa iyo. What’s the meaning of this?

Pero kung ang mga chismosa ay todo ang bulungan, todo naman ang tawanan ng mga…

CLASS JESTER

DISTRIBUTION:
MALE: 40%
FEMALE: 60%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%

Sila naman ay ang mga taong parang nakainhale ng nitrous oxide a.k.a. laughing gas. Sila iyong tahimik ang atmosphere ng classroom ay isang banat lang, tatawa ang lahat. Kahit napagalitan na, tatawa pa rin. Sa gitna ng kopyahan, tatawa pa rin. Sa pila, tatawa pa rin. Di sila nakakita ng isang bagay na di sila natatawa. Madalas din sa mga ito ay ang mga bekimon na magaling magpatawa. Pero may mga nagsasabing sa gitna ng nakikita nating mga ngiti sa kanilang mga labi ay naroon naman ang lihim nilang mga problema na sa totoo lang ay pinipilit nilang kalimutan upang mapasaya hindi lamang ang sarili kundi ang lahat.

At siyempre ay may mga taong gagawin ang lahat mapansin lang din ng lahat… Sila ay ang mga tinatawag na…

PAMPERS

DISTRIBUTION:
MALE: 80%
FEMALE: 20%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%

Ito ay iyong mga walang magawa sa mundo kaya naman bawat masalubong ay babatiin ng hi o hello, magsasabi ng psst, mangangalabit at di aaming sila iyon at parang walang nangyari o kaya naman ay isang high five o apir na kapag trip nilang asarin ay sasabihin nilang, “Ay nabali” o kaya ay “Ay dukling.” Feeling close?

Minsan, sa species nila ay parang may mga nakadrugs dahil sa pagiging oa o hyper nila. Meron ding mga emo. Iyong iba naman ay grabe makahawak sa kamay ng iba, grabe makatapik ng balikat o tumbong, grabe makabatok. Madalas naman mainis ang mga bekimon sa kanila.
Corny sila kapag nagjoke at nagbato ng banat o pick-up line. Nakakatawa sana ang joke pero walang dating ang facial expression o ang pagkakasabi. Dahil dito ay madalas silang mabara. Tama, magaling sila mang-asar o manukso pero di naman magaling magbiro.

Masarap silang bigyan ng piso upang may makausap o kaya naman ay ibigay na lamang si Simsimi nang makahanap ng katapat.

Sabay-sabay silang nagrereact. Boooo o kaya ngek kapag may binabara. Aaaah… kapag may nalamang bago o kapag nagets nila ang lesson. Maaari din namang Aaaah… kapag may kawawa o nakikiramay sila. Patay tayo diyan, hala, o lagot kapag may nagawang kalokohan at alam nilang may magagalit. Ilan lang iyan sa mga favorite line nila.

At siyempre, di lamang nagugunaw ang building sa ingay na likha ng mga chismosa, mga class jester, mga pampers kundi dahil din sa mga…

MUSICIANS

DISTRIBUTION:
MALE: 55%
FEMALE: 45%
POPULATION IN CLASSROOM: 5%

Sound trip ang trip nila. Ang iba ay may earphone pa habang sumasabay sa kanta. Ang karamihan sa mga lalaki at ang ilan sa mga babae ay gitara ang hawak. Ang iba naman ay gagawing beatbox ang kanilang mga desk. Parang Glee ang dating. Sintonado man ang iba, birit to the max pa rin hanggang sa tuluyan nang sumabay ang lahat. Matatapos lang ang concert kung may kontrabidang kaklase na magsasabing nandyan na ang titser.

Sa kabilang banda, ay iba naman ang hawak ng ilang mga tao na madalas ay nasa dulo ng classroom. Sila ay ang mga…

SOSYAL AT JAPORMS

DISTRIBUTION:
MALE: 40%
FEMALE: 60%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%

Simple lang ito. As usual, ang group ng mga babaeng sosyal o kikay ay mga mayayaman o mukhang mayayaman na mahilig sa party party at shopping. As in, game silang mag-organize ng swimming o party. Malandi ang tingin ng iba sa kanila dahil siguro todo sila magpaganda. Ang laman lang yata ng kanilang bag ay pabango, pulbo, suklay at salamin.

Maarte ang tingin ng iba sa kanila dahil sa makakita lang ng palaka, kausapin lang ng di kagandahang kaklase o kaya ay tuksuhin sa di kagwapuhan ay yuck na kaagad para sa kanila. Madalas boys ang topic nila. Minsan pa nga ay boys din ang dahilan ng away nila dahil sa agawan o plastikan sa kanilang group. Siyempre, grabe ang chika nila.

Todo rin ang kanilang picture taking kahit saan, kahit kailan. Iba't ibang pose. Karaniwan na ang peace sign, top model pose, rock and roll, voltes v pose, scripted stolen at  wacky kung pangit sila. 

Ang gang naman ng mga lalaking japorms ay laging nakaporma. Laging nakajacket kahit mainit. Mukha silang mayabang kahit ang totoo, mayabang naman talaga ang karamihan sa kanila. Sabi naman ng iba, feeling pogi sila o pacute lang at gel lang ang laman ng utak. Alam niyo iyon? Iyong kindat effect?

At kahit ganito lang ang ginagawa nila buong school year, nakakapasa sila dahil nga sa may pangalan sila, may pangalan ang kanilang mga pamilya, may kapangyarihan sila, mayaman sila, may backer sila.

Pero kung may mga taong deserving gumawa ng kindat effect, ito ay ang mga…

HEART ROB/HEART THROB/CAMPUS CRUSH

DISTRIBUTION:
MALE: 60%
FEMALE: 40%
POPULATION IN CLASSROOM: 3%

Tulad ng nerd, sila (kami) ay kabilang na sa mga endangered species. Marami silang (kaming) uri. May mga simple at tahimik lang. May mga japorms. May mga musician. May guitarist. May dancer. May mga matatalino. May talagang sweet magmahal. May mga playboy/playgirl. May mga athletic type. May mga bad boy/girl. May happy-go-lucky din naman.

Madalas silang (kaming) ilaban sa mga school activity. Madalas silang (kaming) habulin dahil sa kanilang (aming) appeal. Oo, sila ang pangarap nang bawat taong baliw sa pag-ibig. Sila ay mga panaginip na dumating sa tunay na buhay.
Take note: Pakitanggal nga iyong mga salitang nasa parenthesis.

At kapag nagtagpo ang dalawang heart rob/heart throb/crush ng bayan, siyempre babae at lalaki, dito isinisilanf ang mga…



COUPLE/LOVERS

DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
POPULATION IN CLASSROOM: 2%

Sila ay iyong mga ilang segundo, minuto, oras, araw, buwan, taon, naglambingan, nagligawan, naglampungan, nagtampuhan.





Ang buhay nila ay umikot lang sa isa’t isa o kung hindi man ay priority nila ang kanilang bf o gf. Bihira lang ako makakita ng kaklaseng may bf o gf na kayang ibalance ang pag-aaral at ang love life.

At higit sa lahat, di maiiwasan iyong public display of affection (PBB Teens) na talaga namang walang pinipiling lugar- sa classroom, sa library, sa laboratory, sa bahay ng isang kaklase, etc.

At sabi ng iba, ang monthsary ay nilikha dahil may mga relasyong di umaabot ng isang taon.

At kung may masaya sa kanilang partner in life, meron namang masaya sa kung sino sila. Sila ay ang mga…

BEKIMON

DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

Hindi ba obvious kung bakit 50:50?  Friendly at close sila sa lahat. Ang tanging ayaw nila ay ang mga bully at ang mga pampers. Talented sila at matalino rin. Nakakatuwa silang kausap dahil talagang mapapatawa ka nila at di kayo mauubusan ng trip at topic. Marami itong chika. Madalas ay sidekick sila ng mga sosyal at ng mga muse. Honest at magaling silang magbigay ng advice.

Ang di lang nila halos masolve ay ang kanilang problema sa pag-ibig, ang kanilang crush na di pa rin sila pinapansin. Ang iba naman ay tahimik dahil kahit alam nila sa sarili nilang bekimon sila ay ayaw namang ipagsigawan sa lahat. At talaga namang, bahagi na ng lipunan, ng classroom ang mga bekimon.

Pero siyempre, talagang bahagi na ng classroom ang mga taong first day pa lang isinilang… SIla ay ang mga…

LEADER/OFFICER

DISTRIBUTION:
MALE: 1%
FEMALE: 99%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

Sila naman ang sinasabing sidekick ng titser. Hindi sila sipsip kundi sila ang talagang elected leaders and officers ng classroom. At sure  ako, kaunti lang naman ang talagang gumagawa ng kanilang gawain bilang officer. At sila iyon.

Sila ay ang tunay na dapat maglista ng maingay. Sila ang tunay na dapat manaway. Sila ang tunay na dapat mag-utos. Strict at perfectionist sila kaya naman mukha silang superior sa iba. Madalas ay talagang voluntary silang gumagawa ng isang bagay ng walang hinihinging kapalit. Madalas ay concern sila sa titser at sila mismo ang gumagawa ng sermon sa mga pasaway na kaklase.  Ang madalas nilang line kapag napupuno na sila ay:

Makinig naman kayo” o “Makicooperate naman kayo."

At oo, kasama sila sa honor roll kahit na minsan ang mga lawmaker na ito ay nagiging mga lawbreaker. Di ko nga lang alam kung ano ang mangyayari sa ating bansa kung patuloy silang magiging mga leader at mga officer hanggang sa kanilang paglaki at pagtanda.

Pero ang tunay na may pakialam sa ating bansa ay ang mga…

ACTIVIST

DISTRIBUTION:
MALE: 40%
FEMALE: 60%
POPULATION IN CLASSROOM: 1%

May pakialam sila sa bansa pero hindi sa class card nila. Sila ay iyong may mga matatayog na pangarap at malawak na pananaw sa kung ano ang totoong nangyayari sa bansa. Sila ay mga seryosong tao na talagang ang mga daing ay maaaring sa pagtaas ng tuition fee, pagtaaas ng jeepney fare, pagkakaroon ng shifting of class, mga kulang na libro, room at upuan,  maruming cr, pagkain sa tray, pagtutol sa isang aksyon ng pamahalaan, etc.

At siyempre, kung may planking o rally, go lang sila ng go. Magaling din sa economics, debate at social studies.

At kung ang mga taong ito ay may pakialam sa lahat, may mga tao namang walang pakialam sa mundo… Sila ay ang…

HAPPY-GO-LUCKY

DISTRIBUTION:
MALE: 55%
FEMALE: 45%
POPULATION IN CLASSROOM: 2%

Sila ay iyong mga mag-aaral na pumapasok lang para makita ang crush, ang mga kaibigan o kaya naman ay para sa baon.

Lagi silang masaya at madalas ay pasaway pa. Di sila mahilig mag-aral o magreview kaya naman mabait sila sa mga kaklase nila upang makakopya. Di sila nakikinig sa klase at madalas din ay nagkacutting o natutulog lang. Madalas din nilang maiwan ang kanilang id. Madalas din silang late sa klase. At higit sa lahat, magaling sila humingi, humiram, magpalibre.

At mabuti na nga lang ay nakikisama ang lahat sa kanila. Magaling sila makisama dahil sa karaniwang tao lamang sila.

At kung wala ka sa mga nabanggit, ikaw marahil ay isang…

COMMONER

DISTRIBUTION:
MALE: 50%
FEMALE: 50%
POPULATION IN CLASSROOM: 30%

Sila ay iyong mga karaniwang pumapasok araw-araw, karaniwang nag-aaral, karaniwang nakikipagkaibigan, karaniwang nakikipag-usap sa mga kaklase, karaniwang nagpapasa ng kung ano ang dapat ipasa, karaniwang sumasali sa isang school activity kapag kasali ang lahat o ang karamihan, karaniwang nagkakaroon ng crush, karaniwang magkaroon ng absent, karaniwang nangongopya o nagpapakopya, karaniwang inuutusan at tinatawag ng mga titser, karaniwan kung pansinin ng titser, karaniwang humihingi at humihiram, karaniwang nagtetext, karaniwang kumakain, karaniwang pumipila, karaniwang bumibili, karaniwang nagbabayad, karaniwang umuuwi at lahat ay karaniwan. Walang special. Just average. So typical. Period.

Ikaw, mag-aaral ka ba? Kung oo ang sagot mo, sino ka sa loob ng classroom? Tiyak gigising ka na naman kahit tinatamad ka pa. Pero bilang isang mag-aaral, iba't iba ang ating dahilan kung bakit tayo gumigising at pumapasok sa school. Ikaw, bakit ka gumigising at pumapasok sa school? Para kanino? Para saan? 

Lahat ay nais makapasok pero di lahat ay nais mag-aral. Wika nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Pero laging tandaan, learning is fun, can be fun and must be fun. Di pwedeng puro laro ka lang. Di pwedeng puro aral ka lang. Di lahat ng tao ay naranasan ang mga naranasan mo kaya kung isa kang mag-aaral ngayon, mag-aaral noon o mag-aaral pa lang, dapat alam mo ang pagiging mag-aaral. Mag-aaral ka? Mag-aaral ka. Be proud. Be thankful.



Video Source:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento