Lunes, Disyembre 31, 2012

HUM 2 Balloon Dog Presentation

Characters:

DJ- wife

Toffer- host and narrator
Christian- husband
Mark- hotdog vendor
Randall- friend of Christian
Roger- flashback cards and sound operator

Props: 


flashback cards

bottle of beer
black curtain

Toffer: Ladies and gentlemen, our guest for today, DJ!!!


Music: Who Let the Dogs Out?


DJ: Oh, thank you. 


Toffer: People say you are in love. Can you describe to us your knight in shining armor?


DJ: He is sweet and faithful. 


Toffer: Then who it is?


DJ: My dog.


Toffer: Your dog? Oh, what's his name?


DJ: Stay.


Toffer: Stay? Why?


DJ: I named him Stay so I can say, "Come here, Stay. Come here, Stay."


Toffer: Oh that's sweet. Now, can you tell us how? How does Stay express his sweetness for you?


DJ: He has told me a thousand times that I am his reason for being, by the way he licks me, by the way he fetch a tennis ball for me, by the way he wags his tail, by the way he greets me, by the way he warms me up. He is loyalty itself. He has taught me the meaning of devotion. Who may even know that his saliva can mend a broken heart?


Toffer: Then when did it start?


FLASHBACK CARD: Three Months Ago...


DJ: Do you know what date it is?


Christian: Yes I know, December 21.


DJ: I mean do you what's special with this date?


Christian: December 21. December 21 is.... I know it!


DJ: Really? Yes, the supposed to be end of the world.


DJ: Oh yes, I guess you're right.


Christian: Well darling, can I borrow at least 500 pesos. My friends and I just have a small get-together. 


DJ: Oh ok. 


Christian: Breakfast ready? My shirt ready?


DJ: Yes of course.


FLASHBACK CARD: 30 minutes later


Christian: Ok, I have to leave now. 


DJ: It is not me who found him. It is him who found me. At a train station, a man with a basket of dogs did not notice that one of his dogs jumped out of the basket. And there he is.


FLASHBACK CARD: Hours Later


DJ: How unbelievable! Night has passed but he does not even remember that today is our anniversary. I better go to my amiga.


Toffer: Wait a minute, I do not get it. Where did you find him?


DJ: Actually, it is not me who found him. It is him who found me. The time that I left to visit my amiga who is near a train station... We looked at each other and knew that I found companion and he found home.


Mark: Is this your dog? 


DJ: Ummm, yes? Why?

Mark: Your dog ate my hotdog and he's been flirting with my dog here! You better pay me or else, your dog will replace my hotdog.

DJ: Oh sorry. Here. Take it. Hi, little one. Come on, let us go home.


Toffer: Then what happened? 


Christian: You do not have time for me anymore. All you did is to feed that dog like our own kid.


DJ: We do not have kids! You're busy with your freaking job and hanging out with your friends. It is you who never had the time for me. He is my best friend here.


Christian: Best friend? He cannot talk.


DJ: Yes he does not talk but he does not need to talk to tell me that he loves me.


Christian: But I love you. I love you more than how that dog loves you.


DJ: But a dog is the only thing on earth that loves you more than he loves himself. 


Christian: Are you telling me that I just love myself?


DJ: Yes! He licks my hand even if my hand does not have some food to offer. But you, you are using me.


Christian: Then, what do you want me to do? Lick your hand too? And he's boring.


DJ: No, he's not. He is my link to paradise. He does not know evil or jealousy or discontent. To sit with a him on the afternoon is to be back in Eden, where doing nothing was not boring -- it was peace.


Christian: But it is me who gives you this feeling of... heaven.


DJ: Then I would rather go to his heaven not yours.


Christian: No, dogs do not go to heaven.


DJ: If I have any beliefs about heaven, it is that Stay with some others dogs will go to heaven with very very few persons. You think those dogs will not be in heaven? I tell you they will be there long before any of us. If there are no dogs in Heaven, then when I die I want to go where they went.


Christian: Then go to hell. 


DJ: Go to hell? Why not? At least according to the Greek mythology, there is a three-headed dog named Cerberus waiting for me there not a hard-headed husband who leaves me here.


Christian: Oh really? Then I think this conversation is pointless.


DJ: The better and the more I meet and know men, the more I love Stay. I once decided not to date a guy because he was not excited to meet Stay. I mean, this was like not wanting to meet my mother.


Toffer: Oh my God! That was tough. It is like your life revolves around a dog.


DJ: From time to time, people tell me, "That's a lot of money for just a dog." Many hours have passed and my only company was "just a dog." So whenever I hear the phrase "just a dog," I just smile because they just do not understand. He is not my whole life but he makes my life whole. And now, I saved another one, another dog that I saved from that hotdog vendor. 


Toffer: Oh so touching. And yes, just look how God loves dogs. He had his name spelled backward to the man's best friend. I do not know the reason why. Oh, here's my sweetie. 


EPILOGUE:


Christian: It's tough to stay married. My wife kisses the dog on the lips but she does not even drink from my glass. 


Randall: Oh well, who says that a dog is just a man's best friend?


Christian: What do you mean?


Randall: My wife just adopted one dog and they are inseparable. He's here. Hi Randall. He named it after me. Yes, I am his dog.


Toffer: And so being a broken-hearted man, Christian killed himself.


Christian: Ah, who's digging on my grave? Is that you, my beloved wife? 


Voice: No, she's in a party.


Christian: My best friend? 


Voice: No, he is out there busy.


Christian: Then who?


Voice: Sir, it is I, a poor dog, the son of your wife's dog.


Christian: Wannabe my friend?


Voice: No Sir, I just wanna bury a bone in case I need it. I am sorry but I quite forgot that it was your resting place.

Sabado, Oktubre 13, 2012

HIST GROUP WORK # 5-6

HERE ARE MY SUGGESTIONS AND REMINDERS FIRST: COVER PAGE: INIHAHANDOG NG JUNEFFER PUBLISHING COMPANY “JACKIE CHAN” BACK OF COVER PAGE: TABLE OF CONTENTS: PAGKABATA ANG SIMULA PAGSIKAT MGA PAMANA TRIVIA PAGE 3: FACE NI JACKIE CHAN (IKAW NA PO ANG BAHALA SA DIVISION NG MGA SUSUNOD NA PAHINA. HUWAG PONG KALIMUTAN ANG MGA PICTURES. PILI NA LANG PO KAYO. BASTA 60% TEXT, 40% IMAGE. SUGGEST KO LANG PO NA MAGLAGAY NG BOOKMARKS-PAGKABATA, ANG SIMULA, PAGSIKAT, MGA PAMANA, TRIVIA, MGA PINAGKUNAN. MAKE IT COLORFUL PARA MASAYA. THEN, THE PAGE BEFORE BACK PAGE, DOON PO NAKALAGAY ANG MGA PINAGKUNAN. IYONG BACK PAGE PO, MAY ISANG MALAKING “THANK YOU” AT SA ILALIM NG THANK YOU AY ISANG QUOTE TUNGKOL SA ASIA PARA BONGGA! PAKIDAGDAGAN NA LANG PO ANG MGA NARESEARCH KO KUNG GUSTO NIYO PO AT PAKICHECK NA LANG PO ANG TYPOGRAPHICAL ERRORS KO AT GRAMMAR. THANK YOU. GOD BLESS.) PAGKABATA: Nang bata pa si Jackie ay araw-araw siyang ginigising ng kanyang ama upang magsanay ng kung fu. Naniniwala ang kanyang ama na sa pamamagitan ng kung fu ay magkakaroon si Jackie ng tiyaga, lakas, at tapang. Pitong taong gulang si Jackie nang umalis ang kanyang ama upang maging punong tagapagluto sa embahada ng Amerika sa Australia. Hindi maaaring sumama si Jackie kaya naman ipinasok niya si Jackie sa China Drama Academy. Sa loob ng sampung taon, itinuro sa mga batang tulad ni Jackie ang acrobats, martial arts, pagkanta at pag-acting. Dito nakilala ni Jackie si Sammo Hung at Yuen Biao na nakilala bilang “Three Brothers” o “Three Dragons.” Matindi ang mga pagsasanay. 19 na oras sa bawat araw. Sa isang oras ay may headstand. Pinapalo sila kung sila ay magkamali. Ang lahat ng ito ay upang itanghal sila sa Peking Opera. Hindi tulad ng ibang opera, ang Chinese opera ay kakaiba dahil sa may halo itong acrobats at martial arts. ANG SIMULA: Sa edad na walong taon, nagtanghal si Jackie sa pelikulang, “Big and Little Wong Tin Bar.” Nang lumaki pa si Jackie ay naging extra at stuntman na siya sa mga pelikulang Hong Kong. Subalit nang humina ang mga pelikulang Hong Kong, napilitan si Jackie na magpunta sa Australia upang sumama sa kaniyang mga magulang at pansamantalang magtrabaho sa isang restaurant at construction site. Isang araw, nakatanggap si Jackie nang isang telegram mula sa isang Willie Chan na noon ay naghahanap ng isang stuntman para sa bagong pelikula noon ni Lo Wei. Mula rito ay nadiscover si Jackie at malaki ang pasasalamat ni Jackie kay Willie bilang manager niya hanggang sa ngayon. PAGSIKAT: Nang una ay inakala ng lahat na isa lang siyang tagahanga, impersonator, at nagbabalak na pumalit kay Bruce Lee, ang naunang nagpasikat sa mga martial arts movie. Nang una kasi ay isa lang siyang stuntman sa mga pelikula ni Bruce Lee gaya ng “Fist of Fury” at “Enter the Dragon.” kung saan nagawa niya ang sinasabing pinakamataas na falling exhibition sa kasaysayan ng pelikulang Chinese. Subalit nang mamatay si Bruce Lee, hindi lamang pinalitan ni Jackie si Bruce Lee subalit nilampasan pa at gumawa ng sariling imahe bilang hari ng mga pelikulang Hong Kong. Nakilala ang mga martial arts movie ni Jackie sa 1. pagganap niya sa isang character na kahit may pagkatanga ay nananalo pa rin sa huli, 2. pagiging katatawanan ng mga fight scene, 3. paggamit ng mga improvised weapon na kung saan lang kinuha, at 4. mga nakakatakot (at nakakamatay) na stunts na siya talaga ang gumagawa. Dahil sa mga ito ay tinawag siyang Buster Keaton ng Asia at inihambing rin kay Fred Astaire. Ang una niyang naging matagumpay na pelikula ay ang “Snake in Eagle’s Shadow” na sinundan naman ng “Drunken Master.” Ang The Young Master naman ang naging una niyang pelikula sa Golden Harvest, ang pinakasikat na studio sa Hong Kong. Ito rin ang nakabreak sa box-office record ng mga pelikula ni Bruce Lee. Mula sa pagiging isang artista ay pinasok naman ni Jackie ang pagiging direktor ng sariling pelikula. Ang una na nga rito ay ang “Fearless Hyena.” Mula sa pagiging actor at direktor ay pinasok rin ni Jackie ang pagiging producer at pagiging singer ng mga theme song sa kanyang mga pelikula. Nakuha ng pelikulang Police Story ang Best Film Award sa 1986 Hong Kong Film Awards. Nang sumunod na taon naman ay naging Indiana Jones sa pagganap bilang Asian Hawk sa pelikulang “Armor of God,” ang kanyang pelikula na may pinakamalaking kita. Sa Golden Horse Film Festival naman magkasunod na nanalo si Jackie bilang Best Actor, noong 1992 para sa “Police Story 3:Super Cop” at noong 1993 para sa “Zhong an zu.” Hindi lamang sa comedy naging sikat si Jackie Chan kung hind maging sa fantasy, romance at drama na nagsimula sa Crime Story. Ang Drunken Master II naman ay napabilang sa All-Time 100 Movies ng Time Magazine at nanalo rin bilang Best Asian Film noong 1997 sa Fant-Asia Film Festival. Naging Actor of the Year rin si Jackie sa Hollywood Film Festival noong 1999. Sumikat si Jackie sa Asya subalit matagal bago sa Amerika kaya naman isang dekada rin siyang gumawa ng mga pelikulang Hong Kong. Matapos nito ay sa wakas, ang pelikula niyang “Rumble in the Bronx” ang naglapit sa kanya sa puso ng mga Amerikano. Sinundan ito ng “Rush Hour” at “Shanghai Noon.” Noong 2002, nakatanggap si Jackie ng isang star sa Hollywood Walk of Fame. Noong 2005 naman ay nanalong Best Actor si Jackie sa Golden Rooster Awards para sa palikulang New Police Story. 2008 naman nang makasama ni Jackie ang isa pang alamat na si Jet Li sa pelikulang “The Forbidden Kingdom.” Sa Kid’s Choice Awards ay hinakot niya ang mga award tulad ng Favorite Male Action Hero noong 2002 para sa “Rush Hour 2,” Favorite Male Butt Kicker noong 2003 para sa “The Tuxedo,” at Favorite Butt Kicker noong 2011 para sa “The Karate Kid.” Sa taong 2011 rin nanalo si Jackie bilang Favorite Action Star noong People’s Choice Awards. Hindi lang sa larangan ng mga pelikula tinitingala si Jackie kung hindi sa pagiging ambassador rin niya para sa UNICEF. MGA PAMANA: Naipakita at naipagmalaki ni Jackie ang kulturang Asyano sa mundo sa pamamagitan ng pagbuhay at paggawa ng imahe ng mga action movie ng Hong Kong na madali nating makikilala kung may kung fu at martial arts. Pinatunayan din ni Jackie na kayang sumabay ng mga pelikulang Asyano sa karera ng mga pelikula. Sa mga pelikula ni Jackie makikita ang pagkakaiba at pagkakaisa ng Silangan at Kanluran sa paggawa ng mga pelikula, sa mga element tulad ng setting, character, at kuwento. TRIVIA: Isinilang si Jackie sa Hong Kong kaya naman pinangalanan siya ng kanyang mga magulang na Chan Kong-sang (isinilang sa Hong Kong). Si Jackie ay tinawag ng kanyang mga pangalan na Pao-pao (bola) noong bata pa. Nakuha ni Chan Kong-sang ang pangalang Jackie mula sa isang lalaking nagngangalang Jack na noon ay nakasama siya sa pansamantalang pagtatratrabaho sa construction. Nahirapan ang lalaki sa pagbigkas ng pangalang Kong-sang kaya naman tinawag na lang niya itong Jackie, nangangahulugang Little Jack sa Amerika. Ang pelikulang All in the Family lang ang natatanging pelikula ni Jackie na walang anumang fight scene o stunt dahil sa isa itong X-rated film. Ang unang stage name ni Jackie ay Sing Lung (maging dragon) na ginawa upang ipakita ang pagkakapareho ni Jackie kay Bruce Lee na ang stage name ay Lei Siu-lung (Munting Dragon). Para kay Jackie, ang pinakamasakit na injury sa kanyang mga pelikula ay ang pagkakataon kung saan hindi sinasadyang nahataw siya ni Bruce Lee ng nunchuck sa mukha sa shooting ng pelikulang “Enter the Dragon.” Sa loob ng ilang dekada ni Jackie sa pelikula, sinasabing nabali na ang bawat buto sa kanyang katawan. Nasira ang kanyang ilong nang tatlong beses, nabali ang kanyang bukung-bukong, balakang, leeg, ribs, karamihan sa mga daliri, ang magkabilang cheekbone, at mula sa pelikulang Armor of God, nahulog siya sa taas na 40 feet mula sa isang gusali pababa sa sanga ng isang puno. Dahil dito, ang kanyang bungo ay kinailangang tapalan ng isang steel plate. 1995 nang nanalo si Jackie ng Lifetime Achievement Award sa MTV Movie Awards at sinasabing ang sikat ni direktor na si Quentin Tarantino ay nangakong hindi dadalo sa awarding ceremony kung hindi makukuha ni Jackie ang award. Noong 2006, idineklara ni Jackie na kalahati ng kanyang assets ay ibibigay niya sa charity sa oras na mamatay siya. Dalawang ulit nasugatan ni Jackie ang kanyang dibdib sa shooting ng pelikulang Rush Hour 3. Si Jackie ang highest-paid actor ng Hong Kong. Si Jackie ang may hawak ng record ng pinakamaraming take sa isang scene lamang. Ito ay ang pyramid fight scene sa pelikulang “Dragon Lord” na mayroon lang naman 2900 takes. Si Jackie rin ang may hawak ng world record na pinakamaraming stunts. Takot si Jackie sa karayom. Ang pangalan ng Pokemon na si Hitmonchan ay nagmula kay Jackie Chan. Isang female fan ang nagpakamatay nang malamang kasal na si Jackie. Isa rin ang nagtangkang magpakamatay subalit nailigtas. Mga Pinagkunan: http://www.jackiechankids.com/files/Jackie_Bio.htm http://jackiechan.com/biography http://www.talktalk.co.uk/entertainment/galleries/browse/jackie-chan/981670 http://www.biography.com/people/jackie-chan-9542080?page=3 http://martialarts.about.com/od/martialartsculture/tp/chanmovies.01.htm http://www.screenjunkies.com/movies/genres-movies/martial-arts/10-best-jackie-chan-kung-fu-movies/ http://www.wired.com/geekdad/2010/01/top-5-jackie-chan-movies-to-watch-with-your-kids/

Biyernes, Oktubre 5, 2012

HIST 2 X-2R CLASS PRESENTATION


READ THIS FIRST IF YOU CARE, SKIP IF YOU DO NOT CARE:

HABANG GINAGAWA KO PO ITO AY NASA HOSPITAL AKO, TAKING CARE OF MY SISTER FROM HER MONTHLY CEREBRAL CHECK-UP. SINASABI KO ITO HINDI UPANG HUMINGI NG SYMPATHY O AWA. BUT SINASABI KO SA INYO DAHIL GUSTO KONG IPARAMDAM SA INYO ANG AKING DEVOTION AT EFFORTS PARA SA ATING CLASS PRESENTATION WHICH I THINK IS A GOOD WAY UPANG MAKABAWI SA ATING MGA MABABANG SCORE. THIS DEVOTION AND EFFORTS THAT I HAVE ARE THE SAME DEVOTION AND EFFORTS THAT I WANT TO SEE FROM YOU IN OUR CLASS PRESENTATION.

HERE’S A TRIVIA FOR THOSE WHO DO NOT KNOW. OCTOBER 9, THE DATE OF OUR CLASS PRESENTATION IS THE DAY BEFORE MY BIRTHDAY. ANG HINIHINGI KO NA LAMANG PO SA INYONG BIRTHDAY GIFT IS TO PARTICIPATE, TO COOPERATE, TO BE IN CHARACTER, TO ENJOY OUR PERFORMANCE, TO APPRECIATE THIS STORYLINE, TO DO OUR BEST. EVERYTHING HERE IS SUGGESTION. THANK YOU.

CHARACTER DEFINITION:

LOLA ASYANG- PLEASE HAVE A WHITE HAIR AND WEAR THE COMMON DUSTER OR ATTIRE OF A LOLA. HAVE A VOICE OF AN OLD WOMAN.

MGA APO (3)- PLEASE BE CHILDISH IN VOICE AND ACTION. YOU MAY WEAR JUMPER OR WHATEVER CHILD CLOTH.

JUAN DELA CRUZ- THE TYPICAL COSTUME OF THE ICON, JUAN DELA CRUZ.

PAGKAKAIBA- PLEASE HAVE A MAKE-UP OR MASK OF JIGSAW FROM THE MOVIE, SAW. YOU ARE HOWEVER, A HUNCHBACK HERE. PLEASE HAVE A BLACK CLOAK LIKE THE CLOAK OF KAMATAYAN. PLEASE HAVE AN EVIL LAUGH OR A SCARY VOICE.

MARIA- WEAR A MARIA CLARA AND BE A BUNGANGERA.

MGA ANAK (4)- WEAR JUMPERS OR WHATEVER CHILD CLOTH. YOU ARE CRYING BABIES HERE.

2 ALAGAD NI PAGKAKAIBA- WEAR BLACK CLOAK LIKE THE CLOAK OF KAMATAYAN AND NO WORDS SO GOOD FOR YOU.

KULTURA, HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN- WEAR BEARDS AND HAVE A VOICE OF OLD WOMEN/MEN. FOR COSTUME, LOOK AT THE COSTUME OF GANDALF IN LORD OF THE RINGS.

SAUDI- OF COURSE, ACT AND SPEAK LIKE AN ARAB. WEAR AN ARAB COSTUME.

TRANSLATOR NI SAUDI- THE SAME WITH SAUDI, WEAR AN ARAB COSTUME.

INDIA- OF COURSE, ACT AND SPEAK LIKE AN INDIAN. WEAR AN INDIAN COSTUME.

TRANSLATOR NI INDIA- THE SAME WITH INDIA, WEAR AN INDIAN COSTUME.

JAPAN- OF COURSE, ACT AND SPEAK LIKE A JAPANESE, WEAR A JAPANESE COSTUME.

TRANSLATOR NI JAPAN- THE SAME WITH JAPAN, WEAR A JAPANESE COSTUME.

SOUTH KOREA- OF COURSE, ACT AND SPEAK LIKE A KOREAN, WEAR A KOREAN COSTUME. SUGGESTION: HAVE A KOREAN HAIRSTYLE. AND PLEASE, DANCE! DANCE! DANCE!

TRANSLATOR NI SOUTH KOREA- THE SAME WITH SOUTH KOREA, WEAR A KOREAN COSTUME. SUGGESTION: HAVE A KOREAN HAIRSTYLE.

CHINA- OF COURSE, ACT AND SPEAK LIKE A CHINESE, WEAR A CHINESE COSTUME.

LOTUS FEET- THIS IS OPTIONAL TO BE A LOTUS FEET OR NOT. IF YOU CAN AND YOU WANT TO BE A LOTUS FEET, DAPAT MAPUTI ANG MUKHA AND GO, WEAR THE COSTUME OF LOTUS FEET BUT IF YOU JUST WANT TO BE A NORMAL TRANSLATOR JUST LIKE THE OTHERS, WEAR A CHINESE COSTUME.

2 KAGEBUNCHIN- WEAR A NINJA ATTIRE.

GANGNAM GANG (2 PERSONS)- WEAR A K-POP COSTUME AND PLEASE, DANCE! DANCE! DANCE!

PAGKAKAISA- BE THE MOST BEAUTIFUL OR THE MOST HANDSOME CHARACTER SO IF YOU ARE A WOMAN, GO WITH AN ELEGANT ROYAL GOWN OR IF YOU ARE A MAN, GO AND HAVE COSTUME OF A PRINCE.

PROPS:
PINOY HENYO WORD: “ASYA”
HANDKERCHIEF BILANG PIRING
MAPA/SCROLL
TASA
PLATE
FOOD FOR INDIA AND ARABIA (OR SOMETHING LIKE A DONUT MUNCHKINS)
WHITE FLOWERS
CHOPSTICK (A PAIR)
FLAGS (SAUDI ARABIA, INDIA, JAPAN, SOUTH KOREA, CHINA)
SCISSORS
CLOCK
JAPANESE FOOD (OR SOMETHING LIKE MEATBALLS)
ITIM NA TELON (PANAKIP KAY PAGKAKAIBA AT PAGKAKAISA)

MUSIC AND VIDEO FOR OUR OPERATOR:
TIMER
MAY INUWI SI NANAY: THE FENG SHUI THEME SONG (OPTIONAL)
GANGNAM STYLE MUSIC
YESTERDAY’S DREAM CHORUS

HIST 2 X-2R

PRESENTS

“ALAMAT NG ASYA”

TOFFER: ANG PROGRAMANG INYONG MAPAPANOOD AY RATED TB-HANGO SA TUNAY NA BUHAY.

(NAKAUPO SI LOLA ASYANG SA ISANG SILYA. DARATING ANG KANYANG MGA APO AT MAGMAMANO.)

LOLA ASYANG: O, NANDIYAN NA PALA KAYO MGA APO.

APO # 1: LOLA ASYANG, LOLA ASYANG. KUWENTUHAN MO KAMI NG BEDTIME STORIES.

(KUKULITIN NG MGA APO SI LOLA ASYANG.)

LOLA ASYANG: O SIGE, MGA APO, DAHIL SA MAKULIT KAYO AY MAUPO NA KAYO AT MAKINIG SA AKING KUWENTO. ANG PAMAGAT NG AKING KUWENTO AY ANG ALAMAT NG ASYA. NAGSIMULA ITO NANG ISANG ARAW, MAY TUMAWAG KAY JUAN DELA CRUZ…

(HAWAK NI JUAN DELA CRUZ ANG KANYANG CELLPHONE AT MAY KAUSAP. SA ISANG TABI NAMAN AY MAY ISANG TAONG NAKAITIM NA CLOAK, KUBA, AT MAY HAWAK DIN NA CELLPHONE. ITO AY SI PAGKAKAIBA. SA TABI NI PAGKAKAIBA AY ANG KANYANG MGA ALAGAD AT NAKATALI AT NAKAPIRING ANG MGA ANAK AT ASAWA NI JUAN DELA CRUZ.)

PAGKAKAIBA: HAWAK KO ANG IYONG ASAWA AT MGA ANAK.

JUAN: HELLO? WHO YOU PO? BIANCA? IKAW BA ITO, PUNTA KA DITO. WALA IYONG ASAWA AT MGA ANAK KO. HELLO? MCDONALDS DELIVERY? DI PO AKO NAGPADELIVER? HELLO? SINO BA KASI ITO?

PAGKAKAIBA: WALA AKONG PAKIALAM SA KAKAININ MO NGAYONG GABI O SA IYONG PANGANGALIWA. ANG GUSTO KO PUMUNTAKA NGAYON DIN DITO SA 40.42° N AT 98.73° W. KUNG GUSTO MO PANG MAKITANG BUHAY ANG ASAWA AT MGA ANAK MO, PUNTAHAN MO AKO.

JUAN: WEH… DI NGA…  BAKA, MALI KA NG TINAWAGAN. SORRY.

(IBABA ANG CELLPHONE.)

LOLA ASYANG: DAHIL HINDI SIYA PINANIWALAAN NI JUAN DELA CRUZ, TATAWAG MULI SI PAGKAKAIBA AT IPAPARINIG ANG BOSES NG ASAWA NI JUAN DELA CRUZ NA SI MARIA.

(TATAWAG ULIT SI PAGKAKAIBA AT SASAGOT NAMAN SI JUAN DELA CRUZ.)

PAGKAKAIBA: AYAW MO MANIWALA AH. ETO, KAUSAPIN MO ASAWA MO.

MARIA: HOY, PUMUNTA KA NA NGAYON DITO. MAMAMATAY NA KAMI DITO, RELAX KA PA RIN DIYAN.

JUAN: BIANCA? IKAW BA ITO? PUNTA KA NA DITO. WALA IYONG ASAWA AT MGA ANAK KO DITO NGAYON.

MARIA: HOY BOBO! SI MARIA ITO! AT TEKA, SINO SI BIANCA? BY THE WAY, PUMUNTA KA NA RITONG LINTIK KA!

JUAN: AH, IKAW PALA, MARIA. AH, IYONG BIANCA. KATULONG NATIN IYON DI BA? TEKA, NASAAN KA BA? UMUWI KA NA NGA AT MAGSAING. SAAN MO BA DINALA ANG MGA BATA?

MARIA: HOY, JUAN TAMAD. NAKIDNAP KAMI KAYA PUNTAHAN MO NA KAMI DITO. TEKA, KATULONG? WALA NAMAN TAYONG KATULONG AH.

JUAN: ABA, MAY KALAGUYO KA AH. SINO SI JUAN TAMAD? JUAN DELA CRUZ ANG PANGALAN KO. 

MARIA: NAKIDNAP AKO! NAKIDNAP KAMI NG MGA ANAK MO!

JUAN: AH GANUN BA. OK.

PAGKAKAIBA: IYAN, NARINIG MO NA ANG BOSES NG ASAWA MO. SANA NANIWALA KA NA. MERON KA LAMANG TATLONG ORAS UPANG MAKARATING DITO KUNG HINDI…

(IBABABA ANG PHONE.)

JUAN: OK. NAKIDNAP LANG PALA SILA EH….

(IBABABA ANG PHONE.)

LOLA ASYANG: ISANG ORAS ANG NAKALIPAS AT NAREALIZE NA LANG NI JUAN NA MASAMA PALA ANG KAHULUGAN NG SALITANG KIDNAP.

JUAN: NAKIDNAP. NAKIDNAP. NAKIDNAP. NAKIDNAP!? HALA, NAKIDNAP PALA ANG ASAWA AT MGA ANAK KO. KAILANGAN KO SILANG PUNTAHAN.

LOLA ASYANG: KAYA NAMAN PUMUNTA NA SI JUAN SA PLACE NG KIDNAPAN SUBALIT SIYA AY PINATULOG NG DALAWANG ALAGAD NI PAGKAKAIBA. PAGGISING NI JUAN AY NAKATALI NA SIYA SA ISANG SILYA AT MAY KUNG ANONG PAPEL SA KANYANG NOO.

(NAKASULAT SA PAPEL ANG SALITANG ASYA.)

JUAN DELA CRUZ: NASAAN AKO. PAKAWALAN NIYO AKO. MGA HAYOP!

(LALABAS SI PAGKAKAIBA.)

PAGKAKAIBA: BAKIT NAMAN KITA PAKAKAWALAN. ANG SLOW MO NGA MAG-ISIP EH. SLOW NA NGA NG UTAK MO, FILIPINO TIME KA PA. PERO NGAYONG NARITO KA NA, MALIGAYANG PAGDATING SA AKING KUTA.

JUAN DELA CRUZ: SINO KA? PAKAWALAN MO AKO? NASAAN ANG ASAWA AT MGA ANAK KO? ILABAS MO SILA.

PAGKAKAIBA: HAYAAN MO MUNA AKONG MAGPAKILALA. AKO SI PAGKAKAIBA.

(HUHUBARIN NI PAGKAKAIBA ANG CLOAK NIYA AT MAKIKITA NA ANG KANYANG TUNAY NA ITSURA.)

PAGKAKAIBA: HUWAG KANG MAINGAY. GUSTO MO BANG MAGISING ANG IYONG ASAWA AT MGA ANAK NA NGAYON AY MAHIMBING NA NATUTULOG? KUNG GUSTO MO SILANG MABAWI, KAILANGAN MONG MAGAWA ANG DALAWA KONG PAGSUBOK. ANG UNANG PAGSUBOK AY ITO. KAILANGAN MONG MAHULAAN ANG SALITANG NAKAKABIT SA IYONG NOO. MERON KA LAMANG ILANG SEGUNDO UPANG HULAAN ITO. LET THE GAME BEGIN.

(LALABAS SA PROJECTOR ANG TIMER.)

JUAN: LUGAR BA ITO?

PAGKAKAIBA: OO.

JUAN: AHM… AMERICA.

PAGKAKAIBA: HINDI.

JUAN: AHM… EUROPE.

PAGKAKAIBA: HINDI.

JUAN: AHM… BANYO… BANYO…

PAGKAKAIBA: HINDI.

JUAN: ANONG HINDI? NASAAN ANG BANYO? SASABOG NA.

(MAGSASALITA SI PAGKAKAIBA HABANG NAKATAKIP ANG ILONG NIYA.)

PAGKAKAIBA: ANG BAHO! PERO BY THE WAY, NABIGO KA SA UNANG PAGSUBOK. PERO ANG MAGANDANG BALITA, MAY ISA KA PANG PAGSUBOK.

JUAN: ANO ANG IKALAWANG PAGSUBOK? GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA LANG MABAWI ANG ASAWA AT MGA ANAK KO.

PAGKAKAIBA: SURE? HAHAHAHA. ITO ANG IKALAWANG PAGSUBOK. KAILANGAN MO AKONG MATALO.

JUAN: IYON LANG PALA EH. LAMANG NA AKO SA KAGWAPUHAN EH.

PAGKAKAIBA: HINDI PA AKO TAPOS. HINDI MO AKO BASTA MATATALO. KAILANGAN MONG HANAPIN ANG IYONG MGA KAPATID AT MAGPATULONG SA KANILANG MATALO AKO.

JUAN: KAYA IYAN.

PAGKAKAIBA: KAYANIN MO PA KAYA KUNG SABIHIN KONG PINAINOM KO SILA NG AKING GAMOT? HAHAHA. AT ETO PA, MERON KA LANG ISANG ARAW UPANG HANAPIN SILA AT MATALO AKO. DAHIL KAPAG NABIGO KA, ASAHAN MO, DADAMI ANG MGA ANAK NG IYONG ASAWA. HAHAHA.

JUAN: HAYOP KA! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI!?

(SASAKALIN SI PAGKAKAIBA.)

PAGKAKAIBA: NAGSASAYANG KA NG ORAS. KUNG AKO SA IYO AY HUMAYO KA NA AT HANAPIN ANG MGA KAPATID MO. HAHAHA.

JUAN: HAYOP KA! BABALIK AKO!

PAGKAKAIBA: TALAGA? HAHAHA!

LOLA ASYANG: KAYA NAGSIMULA NA NGANG MAGLAKAD SI JUAN AT SA KANYANG PAGLALAKBAY AY NAKASALUBONG SIYA NG TATLONG ERMINTAYO- SI KULTURA, HEOGRAPIYA, AT KASAYSAYAN.

KULTURA: OLA, POGI! BAKA KAILANGAN MO NG TULONG NAMIN.

JUAN: MAAARI NIYO BANG ITURO SA AKIN KUNG SAAN KO MAKIKITA ANG AKING MGA KAPATID.

HEOGRAPIYA: OH… KUNG GANOON AY TAMANG-TAMA AT MAY MGA MAPA KAMI DITO. PERO IBINEBENTA. KAILANGAN MAY GAWIN KA PARA SA AMIN.

JUAN: HUH? ANO? DALI, GAGAWIN KO.

KASAYSAYAN: KAILANGAN MONG CHECKAN SA IYONG CHECKLIST ANG HIST 2. KUNIN MO ANG HIST 2 AT IPASA. WAG LAMANG BASTA IPASA KUNG HINDI KAILANGAN MAKAUNO KA.

JUAN: KUNG GANOON GAGAWIN KO. HIHIRAM NA AKO NG LIBRO SA TERC AT MAGPAPAXEROX SA KWE.

LOLA ASYANG: KAYA NAMAN NANGARAP, NAGSIKAP, NAGHIRAP, SI JUAN PARA LANG MAKAUNO AT IYON NGA, MAY UNO NA SIYA. KAYA NAMAN BUMALIK NA SIYA SA MGA ERMITANYO.

JUAN: DALA KO NA ANG CLASS CARD KO. ETO ANG BUNGA NG AKING PAGSUSUNOG NG KILAY. KINUHA KO LAHAT NG BONUS, NANOOD NG AMIGO AT NG DOCUMENTARY PARA KAY NINOY, SUMAMA SA FIELD TRIP, UMATTEND SA SYMPOSIUM NG ACTIVISM, SUMALI SA QUIZ CON, NAGPASA NG TATLONG REACTION AT ISANG SYNTHESIS PAPER, PINERFECT ANG MGA NAKAMAMATAY NA EXAM AT QUIZZES AT HIGIT SA LAHAT, NAGDIRECT NG AMING CLASS PRESENTATION.

KULTURA: DAHIL SA ISA KANG MASIKAP NA UP STUDENT, ITO NA ANG MGA MAPA PATUNGO SA IYONG MGA KAPATID.

JUAN: MARAMING SALAMAT.

HEOGRAPIYA: NAWA’Y MAGAMIT MO ANG IYONG MGA NATUTUNAN.

KASAYSAYAN: AT NAWA’Y PATNUBAYAN KA NG DIYOS.

LOLA ASYANG: KAYA UMALIS NA SI JUAN AT SINIMULAN NG BASAHIN ANG MGA MAPA.

JUAN: 24.16° N AT 43.60° E? SAAN NGA BA ITO? NAITURO ITO SA AMIN NI SIR LIGERO EH. AH. SAUDI ARABIA. ITO ANG LOCATION NG SAUDIA ARABIA.  AH IIYON. IYON ANG BANDILA NG SAUDI ARABIA. TAO PO.

(KAKATOK SI JUAN AT BUBUKAS ANG PINTO. LALABAS SI SAUDI.)

SAUDI:  SABAH EL KHEER? (GOOD MORNING?)

JUAN DELA CRUZ: AHHHH! TERORISTA! SADDAM! BIN LADEN!

(DARATING ANG TRANSLATOR.)

TRANSLATOR NI SAUDI: SAYEDY MUSHKILA? HALIK SHEHATA? (MAY PROBLEMA PO BA? SINO ANG SUMIGAW?)

SAUDI ARABIA: MA RAJUL SHEHATA. (HINDI AKO PERO ANG LALAKING ITO, OO.)

(ITUTURO SI JUAN.)

TRANSLATOR NI SAUDI: IKAW? SINO KA? BAKIT KA SUMIGAW? ANO ANG GINAGAWA MO DITO?

JUAN: SALAMAT SA MGA TANONG PERO SA TINGIN KO AKO ANG DAPAT MAGTANONG SA IYO. ANO ANG GINAGAWA MO SA BAHAY NG ISANG TERORISTA?  ALAM MO BA ANG MAPAPALA MO DITO?  MAY SUGAT KA BA? PINAPAKAIN KA BA NIYA? SINASAKTAN KA BA NIYA? PINAGBEBENTA KA BA NIYA NG MGA PIRATED CD? NAKARARATING BA ANG SULAT NG MGA KAPAMILYA MO? WALANG HIYANG ARABO IYAN AH. TARA, HUMINGI TAYO NG TULONG? O BAKA NAMAN KASABWAT KA SA 9/11 BOMBING? AT BAKIT KA NAGSASALITA NG ARABO?

TRANSLATOR NI SAUDI: HUH?  ANG DAMI MONG SINABI AH. HUWAG MO SABIHING KAYA KA SUMIGAW DAHIL AKALA MO TERORISTA ANG AMO KO?

JUAN: AMO MO ANG TERORISTANG ITO?

TRANSLATOR NI SAUDI: OO, AT SA TOTOO NGA AY MABUTI ANG TRATO NIYA SA AKIN. ANG SAMA MO NAMAN. MAKAPANGHUSGA KA NG KAPWA MO. HINDI MO BA ALAM NA ILAN SA MGA SALITA NATIN AY GALING SA ARABO. SALAMAT.

SAUDI: SALAM.

TRANSLATOR NI SAUDI: O DI BA? ALAM.

SAUDI: ALHAM.

TRANSLATOR NI SAUDI: HIYA.

SAUDI: HAYAA.

TRANSLATOR NI SAUDI: AT ETO PA. SULAT.

SAUDI: ZULAT.

TRANSLATOR NI SAUDI: AT BAKIT AKO NAGSASALITA NG WIKA NILA? NATURAL, TRANSLATOR AKO EH. PARA KUMITA. KAPATID, WALA NA AKONG MAPALA SA ATING BANSA. PURO KORAPSYON, PURO KAHIRAPAN. KAYA ITO, NAG-AABROAD KAMI.

JUAN: NAG-AABROAD? “NAPAKARAMING TAMA DOON SA AMIN, NGUNIT BAKIT TILAWALANG NATIRA? NAG-AABROAD SILA. NAG-AABROAD SILA.” KAPATID, KUNG GANOON SUMAMA KA SA AKIN. KAILANGAN KO NG TULONG MO.

TRANSLATOR NI SAUDI: HUH? BAKIT? HINDI PUWEDE. KAILANGAN PA AKO NG AMO KO.

JUAN: HINDI KA BA NAAAWA SA AKIN.KINIDNAP ANG AKING ASAWA AT MGA ANAK. KINIDNAP NG ISANG TAO NA NAGNGANGALANG PAGKAKAIBA.

SAUDI: WAJH INTEE  KHEER. RAJUL DAHABA.

JUAN: ANO ANG SABI NI SADDAM? ESTE NG IYONG AMO?

TRANSLATOR NI SAUDI: IYONG SINASABI MONG TERORISTA, PINAPAPASOK KA.

(MAGBIBIGAY NG PAGKAIN SI SAUDI. MAY HAWAK NAMANG TASA SI JUAN.)

SAUDI: AKALTA.

TRANSLATOR NI SAUDI: ALAM MO BA NA MAGING ANG KAPENG IYAN AY PAMANA NILA SA ATIN. BY  THE WAY, KUMUHA KA DAW.

(KUKUHA NG PAGKAIN SI JUAN GAMIT ANG KANYANG KALIWANG KAMAY. KUKUNOT ANG NOO NI SAUDI. BUBULONG SI JUAN KAY TRANSLATOR).

JUAN: OH? BAKIT NAKAKUNOT ANG NOO NG AMO MO?

TRANSLATOR NI SAUDI: EH KASI. KUMUHA KA NG PAGKAIN GAMIT ANG KALIWA MONG KAMAY. PARA KASI SA KANILA AY HINDI GINAGAMIT ANG KALIWANG KAMAY SA PAGKAIN DAHIL SA ITO AY MARUMI.

JUAN: NAKU, DI KO SINASADYA. DI KO KASI ALAM EH. PUWEDE MO BA AKONG IHINGI NG TAWAD SA KANYA.

(BUBULONG SA AMO ANG TRANSLATOR.)

SAUDI: OH…

(HAHARAP SI SAUDI KAY JUAN. )

SAUDI: KAHEER?

TRANSLATOR NI SAUDI: ANO RAW ANG KAILANGAN MO AT NAPARITO KA?

JUAN: BRO, NAPARITO AKO PARA HUMINGI NG TULONG. NAKIDNAP PO ANG AKING ASAWA AT MGA ANAK. OO, IKAW. ISA KA SA MGA HINAHANAP KONG KAPATID.

(BUBULONG MULI ANG TRANSLATOR AT BUBULONG NAMAN SI SAUDI KAY TRANSLATOR.)

TRANSLATOR NI SAUDI: HINDI KA RAW NIYA MATUTULUNGAN. MAGKAIBA DAW KAYO EH. SA PAGKAIN, SA KULTURA.

JUAN: SUBALIT… KAPATID KITA. KAILANGAN KITA. PERO SIGE, GANITO NA LANG. KUNG MAGBABAGO PA ANG ISIP MO. MAGKITA TAYO SA SULYAW.

(BUBULONG SI TRANSLATOR KAY SAUDI.)

JUAN: O, MGA KAPATID KO. GANITO BA TALAGA TAYO MAGMAHALAN AT MAGKAISA BILANG MAGKAKAPATID?  “KUNG TUNAY TAYONG NAGMAMAHALAN, BA’T DI TAYO MAGKASUNDUAN.”

LOLA ASYANG: KAYA NAMAN UMALIS SI JUAN AT BINASA ANG MAPA PARA SA SUSUNOD NA PUPUNTAHAN.

(LALAKAD SI JUAN, TITINGIN MULI SA MAPA).

JUAN: 26.76° N AT 78.87° E. ALAM KO ITO EH, AH. INDIA.  PERO BAGO ANG LAHAT, TAMANG-TAMA, MAY MGA PUTING BULAKLAK DITO. IBIBIGAY KO SA MGA KAPATID KO AT BAKA MAKATULONG UPANG MAHIKAYAT KO SILA.

JUAN: TAO PO.

(BUBUKAS ANG PINTO AT LALABAS SI INDIA).

JUAN. AHHH… BUMBAY. 

(DARATING ANG TRANSLATOR.)

TRANSLATOR NI INDIA: SINO KA? BAKIT KA NARITO? AT ANO IYONG SIGAW NA IYON?
JUAN: HUWAG MO NAMANG SABIHING TRANSLATOR KA NG BUMBAY NA ITO.

TRANSLATOR NI INDIA: OO NGA.

JUAN: ALAM MO BA ANG GULONG PINASOK MO. SIGURO, NOONG BATA KA, NAPAHIWALAY KA SA NANAY MO AT KINUHA KA NG BUMBAY NA ITO UPANG TULUNGAN SIYANG MAG5-6. IYONG MAGBEBENTA NG KUNG ANO-ANONG MGA BAGAY TAPOS ANG BAYAD AY HULUGAN. BAHALA KA KUNG GAYA NG ISA KO PANG KAKILALA AY AYAW MO RING MANIWALA. SA BAGAY, MAY KARMA NAMAN PARA SA MGA MAKAPAL ANG MUKHANG GUMAGAWA NG MASAMA. MAGDUDUSA DIN SILA. BASTA AKO, MAHAL KO ANG BAYAN NAMIN. KASI… “AKO’Y ISANG PINOY SA PUSO’T DIWA, PINOY NA ISINILANG SA ATING BANSA. AKO’Y HINDI SANAY SA WIKANG MGA BANYAGA. AKO’Y PINOY NA MAYROONG SARILING WIKA.”

TRANSLATOR NI INDIA: NAKAKATAWA KA NAMAN. MAY SARILING WIKA? EH ANG TOTOO MAY SALITA NGA TAYONG GALING SA KANILA. BAHALA.

INDIA: BAHALA.

TRANSLATOR NI INDIA: MUKHA

INDIA: MHUK.

TRANSLATOR NI INDIA: DUSA

INDIA: DUSA

TRANSLATOR NI INDIA: MAGING ANG PANGALAN NG ATING PAMBANSANG PRUTAS AY MANGGA MULA SA KANILA

INDIA: MANGAY.

TRANSLATOR NI INDIA: AT TEKA, BAKIT KAYA KAPAG SINABING KARMA, MASAMA AGAD?  KASING SAMA NG TINGIN NIYO SA KANILA.

JUAN: SORRY. NAGKAMALI NA NAMAN AKO. PERO ANG TALAGANG KAILANGAN KO AY…

(BAGO PA MAKAPAGSALITA SI JUAN AY PAPAPASUKIN SIYA NI INDIA.)

JUAN: AY SIR, MAY IBIBIGAY NGA PO PALA AKO SA IYO. ETO OH, MGA PUTING BULAKLAK.

(MATATAKOT SI INDIA.)

JUAN: O BAKIT? ALLERGIC BA SIYA SA BULAKLAK?

TRANSLATOR NI INDIA: HINDI PERO IYONG KULTURA NILA OO. PARA SA KANILA, ANG PUTING BULAKLAK AY PARA LAMANG SA MGA PATAY.

JUAN: NAKU PO.

TRANSLATOR NI INDIA: PERO ITO, KUMAIN KA DAW.

JUAN: SALAMAT.

(GAGAMITIN NA NAMAN NI JUAN ANG KALIWANG KAMAY. KUKUNOT ANG NOO NI INDIA.)

JUAN: OH. HUWAG MONG SABIHING PARA SA KANILA AY…

TRANSLATOR NI INDIA: NANANADYA KA BA? HINDI NILA GINAGAMIT ANG KALIWANG KAMAY SA PAGKAIN. AT ANO BA KASI ANG KAILANGAN MO?

JUAN: OO NGA PALA. KAILANGAN KO ANG TULONG MO… BILANG ISANG KAPATID. NAKIDNAP ANG ASAWA AT MGA ANAK KO. KAILANGAN KO ANG TULONG MO.

(BUBULONG ANG TRANSLATOR KAY INDIA AT BUBULONG NAMAN SI INDIA KAY TRANSLATOR.)

TRANSLATOR NI INDIA: ITO ANG SABI NIYA, “SUBALIT MAGKAIBA TAYO. WALA KA NGANG HALOS NALALAMAN TUNGKOL SA AMING PAGKAIN, SA AMING KULTURA. HINDI KITA MATUTULUNGAN KUNG HINDI TAYO MAGKAINTINDIHAN.”

JUAN: SUBALIT… O SIGE, KUNG MAGBAGO ANG IYONG ISIP, KAPATID. MAGKITA TAYO SA SULYAW.

(BUBULONG SI TRANSLATOR KAY INDIA.)

LOLA ASYANG: KAYA BIGO NA NAMANG UMALIS SI JUAN AT MULING TUMINGIN  SA MAPA NIYA.

JUAN: AH ETO, 35.41° N, 135.83° E , ITO AY ANG BANSANG… JAPAN! OO, JAPAN!
JUAN: TAO PO.

(BUBUKAS ANG PINTO AT DARATING ANG TRANSLATOR AT SI JAPAN. NAKATAGO NAMAN SA LIKOD NI JUAN ANG MGA NATITIRANG PUTING BULAKLAK.)

JUAN: BRO, APIR.

(SUBALIT MAGBABOW SI JAPAN KAYA TATAMA ANG PALAD NI JUAN KAY JAPAN).

JAPAN: YOKOSO.

TRANSLATOR NI JAPAN: PUMASOK KA DAW. AT IKAW, BAKIT MO GINAWA IYON?

JUAN: SORRY. DI KO NAMAN ALAM NA GANOON PALA DAPAT. PARA NGA PALA MAKABAWI AKO SA KANINA, ITO MGA PUTING BULAKLAK PARA SA IYO, KAPATID.

(MATATAKOT SI JAPAN.)

TRANSLATOR NI JAPAN: ANO KA BA NAMAN? PANG PATAY IYAN EH. BAKA AKALA NIYA GALIT KA SA KANYA. DI BA NGA MAGKAAWAY KAYO SA NAKARAAN. IYONG WORLD WAR 2.

JUAN: GANOON BA. AKALA KO PA NAMAN ANG KAPATID KONG SI INDIA LANG ANG MAY GANYANG PANINIWALA.

TRANSLATOR NI JAPAN: ISA PANG PAGKAKAMALI AT UMALIS KA NA. O ETO, KUMAIN KA.

(IAABOT ANG PAGKAIN AT ANG CHOPSTICK.)

JUAN: AH ETO, HINDI NA AKO MAGKAKAMALI DITO. PARANG PAGKAIN LANG ITO NG FISHBALL EH.

(TUTUHUGIN ANG PAGKAIN AT KUKUNOT ANG NOO NI JAPAN.)

JUAN: OH? BAKIT CRUMPLED ANG NOO NIYA? MAY NAGAWA NA NAMAN BA AKO?

TRANSLATOR NI JAPAN: DI BA OBVIOUS? HINDI KASI IYAN TINUTUHOG. AT IKAW, UMALIS KA NA… WALA KA NANG NAGAWANG TAMA.

JUAN: PERO TEKA, HAYAAN MONG SABIHIN KO ANG KAILANGAN KO. ALAM KONG MARAMI NA AKONG NAGAWANG MALI PERO SANA MAKINIG KA. NAKIDNAP ANG ASAWA AT MGA ANAK KO. KAILANGAN KO ANG TULONG MO KAYA KUNG MAPATAWAD MO AKO AY MAGKITA TAYO SA SULYAW.

(IBUBULONG NI TRANSLATOR ANG MGA SINABI NI JUAN)

TRANSLATOR NI JAPAN: O NASABI KO NA. LAYAS.

JUAN: WALA PA AKONG NAHIHIKAYAT SA KANILA.  PERO MABUTI PA, ALALAHANIN KO NA LANG KUNG ANO BANG BANSA ANG NASA 36.46° N AT 127.62° E. AHMM… SOUTH KOREA… OO, ETO NGA…

LOLA ASYANG: SUBALIT GAYA NG INASAHAN, NAGKAMALI NA NAMAN SI JUAN.
TRANSLATOR NI SOUTH KOREA: BAKIT MO KINAMAY ANG PAGKAIN? KAYA NGA CHOPSTICKS DI BA?

(NAKAKUNOT ANG NOO NI SOUTH KOREA.)

JUAN: EH AKALA KO KUNG MALI ANG TUHUGIN, SIGURO TAMANG KAMAYIN. KUNG GANOON, PAKISABI NA LANG SA KANYA NA MAGKITA KAMI SA SULYAW KUNG MAGBABAGO ANG ISIP NIYA.  KAILANGAN KO KAMO SIYA UPANG SAGIPIN ANG ASAWA AT MGA ANAK KO NA NAKIDNAP.

JUAN: ISA NA LANG ANG PAG-ASA KO. AT SIYA AY MATATAGPUAN KO SA 32.90° N AT 110.46° E. TEKA, KUNG DI AKO NAGKAKAMALI, CHINA ITO. PERO NGAYON, SA PAGKAKATAONG ITO, DODOBLEHIN KO NA ANG REGALO KO SA ISANG ITO.

JUAN: TAO PO. TAO PO.

(ANG MAGBUBUKAS NG PINTO AY SI LOTUS FEET, TRANSLATOR NI CHINA.  TUTUGTOG ANG “MAY INUWI SI NANAY SA BAHAY”.)

LOTUS FEET: ANO ANG KAILANGAN MO?

JUAN: MARAHIL IKAW ANG TRANSLATOR NITONG SI CHINA, MAAARI KO BANG MAKAUSAP SI CHINA.

LOTUS FEET: TATAWAGIN KO LANG.

(LALABAS SI CHINA AT BUBULONG KAY LOTUS FEET.)

LOTUS FEET: ANO RAW ANG KAILANGAN MO?

JUAN: DI NA AKO MAGPAPALIGOY-LIGOY PA. ANG ASAWA AT MGA ANAK KO AY NAKIDNAP. KAILANGAN KO NG TULONG MO.

(BUBULONG SI LOTUS FEET UPANG MAGTRANSLATE AT BUBULONG SI CHINA KAY LOTUS FEET.)

LOTUS FEET: SABI NIYA, MAAARING MAGKAPATID DAW KAYO SUBALIT HINDI KAYO MAGKATULAD.

JUAN: PERO KUNG HINDI TAYO MAGKASUNDO AY BAKIT NAMIN TINANGGAP ANG INYONG MGA PAMANA SA AMIN. ANG PAPEL, ANG CHOPSTICK, ANG ANIMAL ZODIAC AT FENG SHUI, ANG SARANGGOLA, ANG PAYONG, ANG PAPEL NA SALAPI, ANG NOODLES, ANG PANCIT, ANG ACUPUNCTURE, ANG MGA SALITANG APO, ATE, DAW, RAW, KUYA,  ANG LUMPIA, SIOPAO, SIOMAI, ANG KONSEPTO NG SUKI, ANG KONSEPTO NG PAGTITINGI, ANG LECHON, ANG BUDDHA BILANG PAMPASUWERTE, ANG KUNG FU, ANG SARI-SARI STORE AT MAGING ANG…

(MAGTATRANSLATE MULI SI LOTUS FEET AT BUBULONG SI CHINA KAY LOTUS FEET.)

LOTUS FEET: SABI NIYA, KUNG MAGING SA MGA MATAGAL NANG ISYU NA MADE IN CHINA AT MELAMINE PRODUCTS AY DI KAYO MAGKASUNDO, PAANO PA RAW ANG AGAWAN SA SCARBOROUGH AT SPRATLY? KAHIT KAILAN DAW AY HINDI KAYO MAGKAKAISA, MAGKAKASUNDO AT MAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN.

JUAN: “KULAY MAN NATI'Y MAGKAIBA, MUNDO NATIN AY IISA. MAGHAWAK-HAWAK NG KAMAY,ISIGAW NANG SABAY-SABAY,KAPAYAPAAN, KAPAYAPAAN. MUNDO NATING HATI-HATI, PAG-ISAHIN NATING MULI.” 

JUAN: KAYA ITO, BILANG SIMBOLO NG ATING PAGKAKASUNDO. MAY MGA IBIBIGAY AKO SA IYO.

(IAABOT NI JUAN ANG GUNTING AT ORASAN SUBALIT KUKUNOT ANG NOO NI CHINA.)

JUAN: BAKIT?

LOTUS FEET: EH KASI, ANG PAGBIBIGAY NG GUNTING AY NANGANGAHULUGAN NG PAGTATAPOS NG PAGKAKAIBIGAN AT ANG ORASAN NAMAN AY TILA NAGSASABING BILANG NA ANG ORAS MO. PERO SA TINGIN KO AY BILANG NA RIN ANG ORAS MO KAYA NAMAN UMALIS KA NA.

JUAN: PERO PAHABOL KO NA LANG, PAKISABI NAMAN SA KAPATID KO NA KUNG MAGBAGO ANG ISIP NIYA AY MAGKITA KAMI SA SULYAW.

(BUBULONG SI LOTUS FEET KAY CHINA.)

LOLA ASYANG: MALUNGKOT NA UMALIS SI JUAN KAYA NAMAN NAGPUNTA NA LANG SIYA SA SULYAW.

JUAN: PAANO NA ITO? MAMAMATAY NA LANG BA ANG ASAWA AT MGA ANAK KO?
LOLA ASYANG: SUBALIT MAY HIMALANG NANGYARI.

(PAPASOK ANG MGA KAPATID NI JUAN KASAMA ANG MGA TRANSLATOR NILA NA TILA MAY HINAHANAP AT HINDI MAGKAKAKILALA.)

JUAN: TEKA, HINDI BA IYON ANG MGA KAPATID KO? NAGBAGO ANG ISIP NILA.

(LALAPIT SI JUAN SA MGA ITO NA KANINA PA PALA NAGSASALITA NG KANILANG MGA WIKA NAGTATANONG SA ISA’T ISA KUNG NASAAN SI JUAN.)

JUAN: MGA KAPATID.

(TITINGIN ANG MGA ITO KAY JUAN.)

LOTU FEET: IKAW NA NAMAN? UMALIS KA NA RITO AT BAKA KUNG ANO NAMAN ANG MAGAWA MONG MALI.

JUAN: MGA KAPATID, NARITO NA KAYONG LAHAT. NGAYON AY…

(BUBULONG ANG MGA TRANSLATOR AT MAGTATRANSLATE)

TRANSLATOR NI INDIA: MGA KAPATID?

TRANSLATOR NI ARABIA: LALO KAYONG HINDI MAGKAKAINTINDIHAN. ITIGIL MO NA ANG MEETING NA ITO. KUNG DALAWA NGA LANG AY HINDI MAGKASUNDO, MAS MARAMI PA KAYA?

JUAN: PUWEDE BANG IWANAN NIYO MUNA KAMI? PUWEDE?

(AALIS ANG MGA TRANSLATOR SUBALIT LALAKAD DIN ANG MGA KAPATID. SUBALIT MATITIGILAN SILA SA PAGLAKAD SA ORAS NA MAGSALITA NA SI JUAN.)

JUAN: ALAM KONG NGAYON AY HINDI NIYO AKO NAUUNAWAAN PERO ALAM KONG NARIRINIG NIYO AKO. AT SANA MAGISING KAYO SA KUNG ANUMANG LASONG IPINAINOM SA INYO NI PAGKAKAIBA.  “IISA LANG ANG ATING LAHI, IISA LANG ANG ATING LIPI. BAKIT DI PAGMAMAHAL ANG IALAY NIYO? PAG-UNAWANG TUNAY ANG SIYANG NAIS KO. ANG PAGDAMAY SA KAPWA’Y NARIYAN SA PALAD NIYO.”

LOLA ASYANG: WALANG ANU-ANO AY TILA ISANG HIMALA ANG NANGYARI. ANG TINIG NI JUAN AY TUMAGOS SA KANILA. NAGYAKAP SILA AT SUMIGAW SA PAMUMUNO NI JUAN.

JUAN: HUMANDA NA TAYO.

LOLA ASYANG: LUMAKAD NA NGA ANG MAGKAKAPATID AT SINUGOD SI PAGKAKAIBA.

PAGKAKAIBA: ABA, AT NAGAWA MO PALANG IPAWALANG-BISA ANG LASONG IBINIGAY KO. PERO TINGNAN NATIN KUNG SAPAT NA ANG LAKAS NIYO.

(MAGSISIMULA NANG LUMABAN ANG MGA ITO.)

JAPAN: KAGEBUNCHIN TECHNIQUE.

(MAY 2 SHADOW CLONE NA LALABAS AT SUSUGOD SA ISANG ALAGAD NI PAGKAKAIBA.)

SOUTH KOREA: OPPA GANGNAM STYLE

(TUTUGTOG ANG GANGNAM STYLE AT KASAMA ANG 2 BACK-UP DANCER AY PASAYAW NA SUSUGOD SI SOUTH KOREA SA ISANG ALAGAD NI PAGKAKAIBA.)

CHINA: CROUCHING TIGER, HIDDEN DRAGON.

(MAGKUKUNGFU SI CHINA.)

JUAN: PERO PANAHON NA PARA MATAPOS ITO.

(AATAKIHIN NI JUAN ANG LIKOD NI PAGKAKAIBA.)

PAGKAKAIBA: O HINDI.

(AARTE SI PAGKAKAIBA NA MASAKIT ANG LIKOD NIYA AT TILA MAY NAIS LUMABAS SA LIKOD NIYA. TATAKPAN NAMAN NG MAGKAKAPATID SI PAGKAKAIBA GAMIT ANG ISANG ITIM NA TELA. NGAYON, AALIS NA SI PAGKAKAIBA SA LIKOD NG TELA AT PAPALITAN NI PAGKAKAISA. IBABABA ANG TELA.)

JUAN: SINO KA?

PAGKAKAISA: AKO SI PAGKAKAISA, ANG MATAGAL NANG NASA LIKOD NI PAGKAKAIBA AT HINIHINTAY LAMANG ANG MGA BAYANING MAGLALABAS SA AKIN.

(PABILOG NA NAGYAKAP ANG MAGKAKAPATID AT NASA GITNA NG BILOG NA ITO SI PAGKAKAISA.)

LOLA ASYANG: NAKALAYA ANG ASAWA AT MGA ANAK NI JUAN AT BUMALIK NA ANG MGA KAPATID NIYA SA KANILANG MGA KAHARIAN KUNG SAAN GAYA NG BAYAN NI JUAN AY NAGING MAYAMAN DIN SILA. ITO AY DAHIL SA TINALO NILA ANG PAGKAKAIBA SA PAGITAN NILA NA MAAARI DIN NATING SABIHIN NIYAKAP DIN NILA DAHIL SA NAG-IWAN SILA NG MGA PAMANANG KULTURAL SA BAWAT ISA. SUBALIT ANG MAHALAGA AY NAGKAISA SILA AT NAPATUNAYANG LAHAT AY MAGKAKAUGNAY. AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER. THE END.

APO # 2: PERO LOLA, SABI KANINA. HANGO SA TUNAY NA BUHAY ANG KUWENTO. KANINONG BUHAY?

LOLA ASYANG: SABIHIN NA LANG NATING HANGO SA BUHAY NG ISANG MAGANDA AT MAYAMANG BABAE NA NGAYON AY MAS KILALA BILANG ASYA. AT KAYO MGA APO ANG MAGPAPATULOY NG NASIMULAN NG KANYANG MGA NINUNO NA PANGALAGAAN, PAYAMANIN AT IPAGMALAKI ANG DUGONG DUMADALOY SA INYO UPANG ANG BUHAY NG BABAENG ITO AY HUMABA.

(AALIS NA ANG MGA APO.)

LOLA ASYANG: AT ANG BABAENG IYON AY WALANGI BA KUNDI… AKO!

(TUTUGTOG ANG YESTERDAY’S DREAM CHORUS AT MAGPAPASALAMAT ANG MGA MAGKAKAPATID GAMIT ANG MGA SARILI NILANG WIKA.)

ARABIA: SHUKRAN GAZILAN!

INDIA: DHANYAWAAD!

JAPAN: ARIGATOU GOZAIMASU!

KOREA: KAMSAHAMNIDA!

CHINA: XIE XIE!

JUAN: MARAMING SALAMAT PO.

(HAWAK KAMAY AND BOW.)

REMINDERS:

1. DO NOT BE ABSENT. MALALAMAN KO KUNG WALA KA O KUNG WALA KANG GINAWA.

2. DO NOT COMPLAIN OR BE CHOOSY. IF YOU HAVE A COMPLAIN, THEN MAGPALIT TAYO NG ROLE THEN LET US SEE KUNG SINO ANG MAS MAHIRAP ANG ROLE. SO PLEASE PARTICIPATE, COOPERATE, APPRECIATE.

3. DO NOT MAKE ME AN ANGRY BIRD. YOU WILL NEVER LIKE ME WHEN I AM ANGRY.

4. BRING COSTUMES, THE COSTUMES THAT YOUR ROLE NEED. NO COSTUME, NO ROLE.

5. IF YOU CAN HELP ME, HELP ME. IF YOU CANNOT, THEN DO NOT BE A BURDEN.

6. COME EARLY FOR A GENERAL FORUM/REHEARSAL/BLOCKING. DO NOT BE LATE.

7. BE IN CHARACTER FROM WORDS, VOICE, ACTION, AND COSTUME.

8. DO YOUR BEST. IF OUR PERFORMANCE WILL NOT ATTAIN SUCCESS, I AS THE DIRECTOR WILL HAVE THE PRIVILEGE TO ASK OUR PROF TO GRADE YOU INDIVIDUALLY AND THOSE WHO WILL NOT DO WELL WILL BE GIVEN A LOW GRADE BUT IF OUR ENTIRE PERFORMANCE WILL BECOME A SUCCESS, THEN WE ARE ALL SAFE.

9. FOR QUESTIONS, HERE’S MY NUMBER- 09996540690.

10. PRAY FOR TWO THINGS. THANK GOD AND ASK FOR BLESSINGS.

THANK YOU!